CHAPTER EIGHTEEN

1.7K 40 0
                                    

Kahit walang nakikita naglagay siya ng itim na lipstick sa kanyang labi, sinubukan din mag lagay ng eyeliner ni Zab sa gilid ng kanyang mga mata, hindi naman siguro makakaapekto iyon sa mga mata niya dahil harmless ang mga beauty products niya na inoorder pa niya abroad, hindi siya sanay na walang make up ang mukha niya.

Lumabas siya ng silid niya nang makaramdam muli ng pagkalam ng tiyan, nagugutom na siya. Maingat na kinapa niya ang paligid habang naglalakad.

Nakakaamoy siya ng mabangong pagkain galing sa kusina at sinundan niya iyon.

Kamuntikan pa siyang mawalan ng balanse ng maapakan niya si Miku na sinasabayan pala siya sa paglalakad.

"Miku, h'wag kang humarang sa daraanan ko." aniya sa pusa niya, narinig lang niya ang pag ungot nito.

Muli siyang naglakad, naramdaman niya ang pares ng mga mata na nakatingin na sa kanya.

"Vash?" aniya

"What happened to you?" tanong kaagad nito sa kanya, nangangapa pa rin siya sa paligid niya, alam niyang malapit lang ang binata sa kanya.

"Ha? Naapakan ko si Miku eh. Paharang harang, muntik na akong matumba." Nakangiwing sabi niya

Kung bakit narinig niya ang mahinang pagtawa nito

"Tumatawa ka? Bakit?" nagtatakang tanong niya, sa kabilang banda naman ay gumaan ang pakiramdam niya, doon lang niya narinig ang pagtawa nito.

"Your face.." anito

"What about my face?" kunot noo niyang tanong

Naramdaman niya ang paglapit nito, nagulat siya ng maramdaman niya ang daliri nito sa gilid ng mga labi niya.

"Lagpas lagpas ang lipstick mo pati yung eyeliner mo." komento nito

Hindi naman kaagad siya napagsalita dahil napakabilis ng tibok ng puso niya, nahalata naman nito ang pagkashock niya kaya tila natauhan din ito sa ginawa nito, mabilis nitong inalis ang kamay sa mukha niya at naramdaman niya ang paglayo nito.

"Wait, next time hindi ka na pwedeng maglagay ng eyeliner sa mga mata mo." anito, she groaned, magsasalita sana siya ng muli itong manermon.

"You suffered from flash burn, hindi makakabuti sa mga mata ang kahit anong cosmetic products dahil baka lumala ang pamumula at magkaroon ng infections." paliwanag nito, "Don't wear make up until your eyes have healed, do you understand?" patuloy na sermon nito, she pouted.

"Sige na nga pero pwede naman siguro ang lipstick?" giit niya

"Ang tigas ng ulo." Bulong nito

"Hindi ako sanay na walang make up." Katwiran niya, narinig niya ang buntong hininga nito tanda ng pagsuko.

"Gutom ka na?" pagkuwan ay tanong nito, tumango siya.

"Kanina pa." aniya

Narinig niya ang pagtunog ng plato at kubyertos sa harap niya.

"Here, pinakealaman ko na ang kusina mo." Anito, lalo yatang dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kasweet-an nito.

"Pinagluto mo ako?" maang na tanong niya, hindi kaagad ito kumibo.

"Gutom na rin naman ako kaya naisipan kong magluto." Anito

"Sabayan mo na ako sa pagkain, Vash." Nakangiting sabi niya

"Okay." Kaswal na sagot nito.

Tuwang tuwa naman siya habang kumakain, hindi pa rin siya makapaniwala na pinagluto siya ni Vash ng tanghalian, napakasarap ng sinigang na baboy nito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now