CHAPTER FOURTEEN

1.7K 38 0
                                    

Kanina pa kumakatok si Zab sa silid ni Vash subalit walang tugon mula sa loob niyon, sinubukan niyang pihitin ang seradura at swerte namang nakabukas iyon.

Nabungaran kaagad niya ang binata na nasa tapat ng bintana, may nakasalpak na headphone sa tainga nito habang nagbabasa ng libro.

Kaya naman pala hindi nito marinig ang mga katok niya dahil nakikinig ito ng music, lumapit siya sa binata, kahit ang paglapit niya dito ay hindi nito naramdaman.

Wala siyang nagawa kundi tanggalin ang headphone sa tainga ng binata.

Gaya ng inaasahan niya ay kunot noong sumulyap sa kanya ang binata, isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito.

"What do you want?" he asked, she pouted, kanina lang ay maayos na sila nito, bakit kaya nagsusungit na naman ang prinsipe niya?

"Nandito tayo para sa date natin, bakit hindi natin sulitin iyon?" aniya

Hindi nito pinansin ang sinabi niya kaya ganon na lamang ang pagsimangot niya.

"Vash, magje-jetski raw sila, gusto mong magjetski?" tanong niya dito, umiling ang binata.

"Anong gagawin natin?" tanong niya, sumulyap sa kanya ang binata pagkuwan ay nagbuntong hininga.

Nagulat siya ng hawakan nito ang isang braso niya at pinaupo siya sa tapat na upuan nito, pinagmasdan niya ang binata ng tumayo ito, may kinuha itong libro at binigay sa kanya.

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong niya ng ibigay nito iyon sa kanya.

"That was my favorite book; I can lend it to you." Anito at naupo muli sa puwesto nito kanina, muli nitong tinuon ang atensyon sa binabasa.

Hindi naman nakaramdam ng pagkadismaya si Zab, ang totoo ay nagustuhan niya iyon, kung iisipin niya at pag aaralan ang sinabi ni Vash, pinahihiram nito sa kanya ang paborito nitong libro, at masayang masaya siya.

Knowing that Vash loves to read books, buhay na yata nito ang pagbabasa ng libro at isipin niyang isa sa bahagi ng buhay nito ang ipapahiram sa kanya ay tila malaking achievement na niyon para sa kanya, iyon na ang hinihintay niya, ang mapalapit siya sa four-eyed prince niya at unti-unti na iyong nangyayari.

Well, she loves to read books too so that was fine, gusto lang din naman niyang makasama ang binata, bakit hindi sa paraan na gusto nito, pareho rin naman silang mag eenjoy.

Binasa muna niya ang title, isang science fiction novel iyon, Doomsday Conspiracy ni Sidney Sheldon. Hmm, looks interesting.

Naupo siya ng ayos sa tapat ng binata, isinandal niya ang likod sa malambot na upuan at binuksan ang libro, inumpisahan niyang magbasa.

Nakakailang pahina pa lang si Zab sa libro, saglit na itinigil niya ang pagbabasa, mahirap magbasa ng libro kahit maganda ang nobela kung may malaking sagabal naman sa harap niya, hindi niya makontrol ang sarili na sulyapan si Vash na seryoso pa ring nagbabasa, he was the gorgeous nerd she'd ever seen, hinding hindi na yata siya magsasawang titigan ito.

Hangang hanga din siya sa binata dahil kahit may ibang tao sa paligid nito ay nagagawa nitong magbasa ng tuloy tuloy, sabagay hindi naman ito gaya niya, walang pakealam ito sa kanya, wala itong gusto sa kanya kaya hindi ito madi-distract sa presensya niya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga, nakakalungkot siyang isipin ang bagay na iyon.

"After falling into leadership, we tend to do what comes naturally – we...we..after falling into leadership..after falling...after.." Vash mind while reading a book.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now