CHAPTER NINETEEN

1.7K 41 0
                                    

"Ano bang klaseng waredrobe meron ka?" nakangiwing sabi ni Vash kay Zab ng araw na iyon, humingi ng pabor si Zab sa binata upang ihanap siya ng isusuot niyang damit, ang araw na iyon ang Music Benefit part two ng buong flower boys host club kasama ang ilang artists na in-invite ng mga ito, kasama si Zab doon. Isang bahay ampunan, ang Shed for Angels ang makakatanggap ng perang maiipon sa music benefit na iyon.

Ilang oras pa naman ang nalalabi para kay Zab para sa concert kaya may panahon pa siyang makapagbihis.

Kung nakakakita lang siya wala pang isang oras ay nasa venue na siya ng concert kaya lang iyon nga at kailangan pa niya ng assistant para makapamili lang ng damit na isusuot.

Kaya naman masayang masaya siya dahil naroon si Vash sa tabi niya.

"Paborito ko ang itim." Nakangiting sagot niya, nasa banyo siya at naliligo.

"Hindi nga halata." Sabi nito, napabungisngis siya.

"Pumili ka na lang ng kahit ano diyan, naisuot ko na naman lahat iyan." Aniya

"Okay." Anito

Hindi naglipat sandali ay nasa tapat na siya ng pinto ng banyo, marahang binuksan niya iyon at nagsalita.

"Vash, may napili ka na ba?" tanong niya sa binata

"Yeah."

Mula sa nakaawang na pinto ay inilabas niya ang isang kamay.

"Akin na." aniya

Naramdaman niyang isinabit nito sa kamay niya ang nakahanger na damit.

"Thanks." Aniya na mabilis ring isinara ang pinto upang makapagbihis.

"Yan ang pinili ko para hindi ka mahirapang isuot." Narinig pa niyang sabi ni Vash mula sa labas ng pinto

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang sinusuot ang one piece black dress, that was a sabrina cut black dress, regalo iyon sa kanya ng kapatid niyang si Ian noong nakaraang taon, isang beses pa lang yata niyang nasuot iyon dahil masyadong elegante iyon, hindi bagay sa dinadaluhan niyang gig at concert kaya hindi niya iyon nasusuot.

Mukhang pareho ng taste ang kapatid niya at si Vash, nakakatuwa.

Masayang masaya din siya dahil sa sinabi ng binata, kahit papaano ay nararamdaman niya ang pag aalala nito sa kanya, hindi man nito aminin ng personal pero nararamdaman naman niya iyon.

Inaayos ni Vash ang kwelyo ng itim na polo niya nang marinig niya ang pagtawag ni Zab mula sa loob ng banyo, mabuti na lamang pala at nakapagbihis na siya nang puntahan niya ang dalaga, hindi kasi niya inaasahan na sa kanya pa ito magpapatulong mamili ng isusuot nito.

Aaminin niyang nataranta siya, hindi pa kasi niya nagagawang mamili ng damit para sa isang babae, kahit may mga kapatid siyang babae ay hindi pa niya iyon nagagawa kaya naman hindi niya kaagad alam ang gagawin, ilang minuto din niyang pinagpipilian ang mga bestida na mayron ang dalaga, hirap na hirap siyang mamili dahil hindi basta basta ang mga damit nito, pambihira naman kasi ang mga bestida nito, ang daming arte.

Mabuti na lamang at nakita niya ang pinaka simpleng bestida na nahanap niya sa cabinet nito, iyon din ang pinili niya dahil bukod sa hindi na ito mahihirapang isuot iyon ay tiyak niyang babagay iyon sa dalaga, the black dress was elegant, the design could give Zab more elegant look rather than a gothic rebel. Kahit papaano ay maiiba ang fashion nito ngayong gabi.

Ewan niya kung tama ba ang naramdaman niyang excitement habang hinihintay na lumabas ito sa loob ng banyo.

"Vash." Muling tawag nito sa pangalan niya, naglakad siya sa tapat ng banyo at nagsalita.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now