CHAPTER TEN

1.7K 46 0
                                    

At the Flower Boys Host Club pasado alas dos na nang madaling araw, kasasara lang ng host club, nakaupo sa pabilog na upuan ang magkakaibigan habang masayang nagkukwentuhan.

"Nakita mo ba iyong mukha ni Trevor? Akala ko hihimatayin na nung tumalon na kaming dalawa." Ani Hunter na may kasama pang pagtawa ng malakas, mahinang sinipa ito ni Trevor sa binti.

"That's not funny, hindi pa ako prepared sa pagtalon tapos bigla mo na lang akong hinila. Sinong hindi matatakot dun?" depensa ni Trevor

"Sabihin mo napaihi ka sa sobrang takot." Tudyo ni Hunter, ganon na lamang ang tawanan ng magkakaibigan.

"Siraulo!" hindi na nito pinatulan ang pang aasar ng alaskador na kaibigan.

"Nah, that was fun!" masayang untag ni Hunter na siyang pangunahing bangkero sa kwentuhan na iyon.

"Yeah, ulitin natin yun, nag enjoy talaga ako." Ani Xien na sinang ayunan nina Kaizer at Sky.

"Mag zip line naman tayo sa susunod." Komento ni Tanner, "O kaya Sky diving, that was exciting!"

"Good idea, Sky diving for the next activity of host men, i-set ang date para diyan." Nakangiting sabi ni Yuan

"Yun! May basbas na ni kaichou!" sabay na untag nina Trevor at Hunter.

"Teka, kailan ba kayo nagbungee jump?" agaw na tanong ni Einar, kauupo lang nito sa tabi ni Trevor, may dala itong plato na may apple and orange slices.

Inalok nito ang katabing si Reed, hindi naman tumanggi ang binata at kumuha ng isang apple slice.

"Nung isang araw, hindi ka na namin sinama, alam naman naming hindi mo iiwanan si Kei." Si Trevor ang sumagot at walang paalam na kumuha ng orange sa platong hawak ni Einar.

"Ako lang ba ang hindi nakasama?" tanong ni Einar habang ngumunguya.

Umiling si Jared, tinuro nito si Vash.

"Hindi sumama ang isang yun." Ani Jared, tumingin ang lahat sa tahimik na binata, as usual may hawak itong libro at abala sa pagbabasa.

Siniko ito ni Hunter upang agawin ang atensyon.

"Bakit ini-off mo ang cellphone mo?" tanong nito sa abalang binata.

"Kasi tatawag ka." Prangkang sagot niya na nakatingin pa rin sa librong hawak

Ganon na lamang ang pag ungol nito

"Nah, you're so mean, nasasaktan ang puso ko." Ani Hunter.

"Iniisip mo lang na nasasaktan ka." Kaswal na sagot niya na hindi pa rin lumilingon dito

"Tsss, minsan nakakasakit sa damdamin ang pagkasuplado mo." sagot pa nito

"Wala na akong pakealam kung nasasaktan ka dahil sa pagkasuplado ko, that's why you always need to separate your mind from your heart." Wala sa sariling sabi niya

Narinig niya ang pag ungulan ng mga ito at sabay sabay na paglingon sa kanya, takang napatingin naman siya sa mga kaibigan niya.

"What?" nagtatanong ang mga matang sabi niya

"Yung sinabi mo kanina." Ani Yuan

"Anong sinabi ko kanina?" hindi niya maintindihan ang tinutukoy nito

"Yung huling sinabi mo."sabi naman ni Jared.

"Ano nga bang huli kong sinabi?" takang tanong niya

Nagkatinginan muna ang mga ito bago nagsalita si Einar

"The separation of the mind from heart? Ano yun? Para saan yun?" curious na tanong nito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now