CHAPTER TWENTY

1.7K 44 0
                                    

Wala ng nagawa pa si Vash kundi pumasok muli sa silid ni Zab, sa pagkakataon na iyon ay kinokontrol pa rin niya ang sarili niya.

Naiinis siya sa sarili niya kung bakit kumokontra pa rin ang isip niya, bakit ayaw niyang paniwalaan na gusto talaga siya ni Zab, na mahal siya nito.

You're still stupid as your mind. His heart

I'm just protecting you from pain. His mind defended

I like her and you couldn't stop me, I know you like her too. his heart said

I'm..I am.

Napabuntong hininga na lamang si Vash, oo aaminin na niya na gusto niya si Zab, noon pa, pinipigilan lang niya ang sarili niyang mapalapit dito ng tuluyan, now he's falling in love with her and he don't know what to do next.

"Zab?" tawag niya sa dalaga subalit wala ito roon.

Takang sinulyapan niya ang banyo ng makarinig ng lagaslas ng tubig, lumapit siya roon at kumatok.

"Zab?" muling pagtawag niya sa dalaga, nag aalala siya dito.

Narinig niya ang pagpihit ng seradura, nang bumukas ang pinto ay bumungad sa kanya ang magandang mukha nito, wala na ulit itong make up.

Napansin naman niya ang pamumula ng mga mata nito

"Na irritate ba ang mga mata mo?" nag aalalang tanong niya sa dalaga, "Masakit ba?"

Tumango ito, "Sobrang sakit." Nag uumpisa na namang magluha ang mga mata nito

"Then you'd better not to go, lalagyan ko na lang ng antibiotics ang mga mata mo." anito na akmang aalalayan ang dalaga subalit nanatili itong nakatayo.

Kunot noong nagsalita siya, "May problema ba?"

"Oo, ikaw." Anito

Ganon na lamang ang reaksyon niya sa sinabi nito

"Ako?"

"Mahal kita Vash." Pag amin muli ni Zab, "Gusto mong malaman mo iyon, kung hindi mo man ako gusto, pakiusap sabihin mo iyon sa'kin ngayon, mas tatanggapin ko ang mga salitang nanggaling sa'yo kaysa sa mga pag iwas mo." umiiyak na sabi niya, her heart still bleeding inside.

"Zab..."

"Please.."

"I'm sorry..." sabi nito, napahagulgol na lamang si Zab, tumalikod siya dito at maglalakad pabalik ng banyo ng maramdaman niya ang kamay nitong pumigil sa braso niya. "Gusto rin kita." Anito, natigilan siya sa narinig mula dito, tumigil ang mga luha niya at humarap dito.

Naramdaman niya ang paglapit nito, bahagya siyang napakislot ng punasan nito ang mga luha niya gamit ang mga daliri nito.

"I'm so stupid that I'm always using my mind against my heart, akala ko napakatalino ko na dahil kaya kong i-solve ang lahat ng mathematical problems, akala ko napakagaling ko na dahil kaya kong i-memorize ang isang libro ng buong araw, akala ko kaya kong kontrolin ang sarili ko gamit ang isip ko, akala ko wala akong problema, akala ko ako yung taong kalmado sa lahat ng oras pero hindi pala, simula ng makilala kita, napatunayan kong marami pala akong hindi kilala sa sarili ko." anito habang hawak ang mukha nito, " Matagal na kitang gusto Zab pero pinipilit ko lang iyon itanggi sa sarili ko dahil natatakot ako, natatakot akong hindi na kita mapakawalan pa sa buhay ko."

Nagsimula na namang lumuha ang mga mata niya pero sa pagkakataon na iyon ay pagluha ng kaligayahan.

"Oh God, I love you so much Vash." Aniya at mahigpit itong niyakap.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon