CHAPTER FIVE

1.8K 38 0
                                    

Sa Happines Bar, they celebrating Einar's happiness. Kei was three weeks pregnant at gaya nang inaasahan, maraming natuwa sa balitang iyon.

Einar's parents were excited to see their grandchild to come, nasa Korea ang mga ito kasama ang bunsong kapatid nitong si Eiren, this weekend ay uuwi ang pamilya para magkaroon ng maliit na get together kasama rin ang pamilya ni Keitlene.

"Kampai!" sabay sabay na sabi ng magkakaibigan, nasa happiness bar sila.

"I want a junior." Sabi ni Einar, "Sana lalaki." anito pagkuwan ay sumimsim ng wine.

"Sana hindi kasing kulit mo." ani Kaizer, "Siguradong sasakit ang ulo ni Kei." Komento pa nito, nginisian lang ito ng binata.

"What if kambal?" komento ni Trevor, napapalatak si Kaizer

"Kambal na sakit ng ulo." Sagot nito, nagtawanan sila ng umangal si Einar.

Hating gabi na nang maghiwa-hiwalay ang magkakaibigan, itinigil ni Vash ang sasakyan sa tapat ng mataas na condominium kung saan siya nakatira, he had his own house and lot in Laguna, ilang buwan na lang ay matatapos na ang bahay na pinapagawa niya, doon niya balak manirahan kasama ang magiging pamilya niya.

Malalim na nagbuntong hininga siya, yeah, here he comes again, thinking that kind of life again makes him sick.

Minsan matitigilan na lang siya at mapapaisip kung kailangan na rin ba niyang humanap ng babaeng makakasama habang buhay, settle down and build his own family, hindi na rin naman siya bata para doon.

Kapag nakikita niya ang mga kaibigan niya habang masaya sa mga babaeng minamahal ng mga ito, minsan kakaiba ang nararamdaman niyang kalungkutan, he felt emptiness inside him. Parang ang daming kulang sa buhay niya.

He felt jealous, naiinggit siya sa mga kaibigan niya.

"Oh, c'mon Vash, stop it." Iritadong bulong ni Vash sa sarili, kung malalaman lang ng mga kaibigan niya ang mga iniisip niya siguradong hindi kaagad siya paniniwalaan ng mga ito.

He is Vash Carreon, the calm and reserved man they had ever known, the cool-tempered man. Para sa mga ito wala sa bokubolayo niya ang salitang inggit.

Madiing pinisil niya ang pisngi upang gisingin sa reyalidad, nang maramdaman ang sakit ay saka siya kumilos, binuksan niya ang pinto ng driver side at binitbit ang mga gamit.

Inayos niya ang kwelyo nang suot niyang long sleeve polo at kalmadong naglakad papasok sa lobby ng condominium.

"Magkita kita na lang tayo next week girls." Paalam ni Zab sa mga kaibigan at kabanda, katatapos lang nang gig show nila ng gabing iyon.

"Sige Zab, mag iingat ka." Nakangiting sabi ni Akira, ang guitarist nang Black Chic.

"Salamat, kayo din." Aniya, hinintay muna niyang makasakay ang mga ito sa van na gamit ni Wendy, ang drummer nila.

Nang umandar na ang sasakyan ng mga ito ay saka niya in-start ang sasakyan niya, sinulyapan niya ang oras na nasa screen ng stereo ng sasakyan, it was one in the morning.

Makakapagpahinga siya bukas dahil wala silang band rehearsal, hinimas niya ang sentido bahagya kasing kumirot iyon dala na rin nang kaunting nainom niya sa restobar kanina isabay pang inaantok na rin siya.

She wants to go home, kung pwede lang paliparin ang sasakyan na gamit niya ay ginawa na niya. Gustong gusto na niyang ihiga ang pagal niyang katawan sa malambot niyang kama.

Hindi naman nagtagal ay narating na niya ang condominium, mabilis siyang bumaba, isinukbit niya sa balikat ang dala niyang gitara atsaka naglakad.

Hinabol ni Zab ang papasarang elevator, "Oh, wait!" pigil niya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now