CHAPTER THREE

1.9K 43 0
                                    

Tumigik si Zab sa paglalakad nang mapansin niya ang mga poster at human stand ng mga host men, ang totoo kasi si Sky pa lamang ang kilala at nakita niya ng personal na miyembro ng nasabing host club.

Wala pa siyang ideya kung sino sino ang iba pang miyembro, bagaman nakita niya ang ibang nakamaskarang lalaki sa loob, hindi naman niya mapasadahan ng tingin ang mga ito kung totoo nga bang gwapo ang mga ito.

Hindi napigilan ni Zab ang humanga sa mga life sized human stand ng host men, ang tatangkad pala ng mga ito, hindi nagkakalayo ang height ng mga ito pati ang built ng katawan, they were all tall and lean.

Doon pa lamang ay pasado na sa listahan ng mga kababaihan ang dalawang kategoryang iyon ng tipo ng babae.

Bagaman nakasuot ng half mask ang mga ito, hindi naitago niyon ang malalakas na dating ng mga ito, tiyak niyang gwapo nga ang mga ito.

Bagaman mata, ilong at labi lang ng mga ito ang nakalitaw sa maskara ay hindi maipagkakailang mga heartthrobs nga ang mga ito.

They were all stunning creatures, pwede na yatang ihalera ang mga ito sa mga international models and artists.

Isa isa niyang pinagkatitigan ang mga human stand, may kanya kanyang code name ang mga ito, color coding ang mga ito. Mayroong Silver Knight, White Knight, Yellow Knight, Green Knight, Red Knight, Gold Knight, Blue Knight, Violet Knight, Brown Knight, Gray Knight at Black Knight.

Cool! Parang mga knight in shining armour lang ang mga matatangkad na lalaking ito.

Kaya naman pala hindi na siya nagtataka kung bakit puro babae ang naroon dahil naroon ang mga totoong knights at prinsipe na kadalasan na nabubuhay lamang sa romance novels.

Para sa kanya hinigitan pa ng mga ito ang knights at prinsipe na nabubuhay lang sa fairytale at romance novels dahil ang totoo ay bukod sa matatangkad, magagandang katawan, mga gwapo, mayayaman ay mababait at may mabubuting puso pa ang mga ito.

Napakaswerte ng mga babaeng iibigin ng mga ito, natitiyak niyang sweet at gentleman din ang mga ito pagdating sa babae.

Ewan niya kung bakit bahagyang nagulo ang sistema niya nang matitigan niya si Violet knight, his eyes seems so real, parang nakatitig talaga ito sa kanya at isang tao lang ang nakagawang paguluhin ang buong sistema niya, ang four-eyed prince niya na nakilala niya noon sa Taiwan isang buwan na rin ang nakakaraan.

Dang! My heart beats so fast....May pagkakahawig kasi ang Violet Knight na iyon sa Four-Eyed prince niya.

Those dark eyes...those are giving her all giddiness inside her.

"Looks like a statue? Baka mahanginan ka at habang buhay ka nang maging estatwa sa katititig sa'kin." Narinig niyang sabi, pinilig niya ang ulo.

Ano ba yan, pati ba naman sa imagination ko ay naiisip kong kinakausap nga niya ako.

"Ang gwapo mo kasi, kamukha mo iyong hinahanap kong dream guy." Sagot niya na nakatitig pa rin sa human stand, nakatingala rin siya dahil mataas ito sa kanya.

"Really? How could you say na kamukha ko ang hinahanap mong dream guy?" sagot ng human stand sa kanya, kumilos ang isang kamay niya at itinapat iyon sa labi ni Violet knight.

"You have the same lips, same sexy lips." Aniya, napangiti pa siya nang maalala niya ang baritonong boses nito na naging musika sa pandinig niya ng araw na nakita niya ang four-eyed prince niya.

Hindi niya narinig ang pagsagot nito, kaya nagsalita muli siya tutal ay wala namang tao sa paligid niya, lahat ay nasa loob ng host club.

"Hindi kaya si Violet knight at ang four-eyed prince ko na hinahanap ay iisa?" aniya, napangiti siya nang magsalita ito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now