CHAPTER 100

4.2K 88 1
                                    


Jamaica POV

Madaling lumipas ang mga araw at naging okay naman ang mga nangyayari sa akin at sa mga kaibigan at pamilya ko. Akalain mo yun inampon na talaga ni tito creg si rid na  anak at Ito ang ikinataka ko madalas na iniinis ni rid si mac at walang araw na hindi sila nagbabangayan. Parang sila na ang pumalit kila kit at Carl noon na ngayon ay daig pa sila Hannah at Zen kung maglandian. Sila Hilton at daine naman ayun stay strong pa din sa love life nila at sa wakas hindi na sila sa phone kung magkamustahan. Hahahaha.. Si trina at kael naman. Ewan ko sa dalawa nagpapakiramdaman kung sino ang unang aamin sa kanilang dalawa. Ang magaling ko namang kakambal daig akala mo ako yung gf kung alagaan niya ako. Minsan sinasabihan ko nalang si Karen na intindihin si ashton. Sabi niya din sa amin na gusto niya lang makabawi bilang kapatid  at kakambal ko. Naiintindihan naman namin siya.

Tungkol naman sa pamilya ko. Ng makapagpagaling ako ng maayos sa hospital. Pagkalabas na pagkalabas ko non nagusap na kami nila mom at dad. Yun daw ang gusto nilang itawag ko sa kanila. Akala ko noon kapag makikilala ko na ang mga tunay kong magulang magagalit ako sa kanila. Pero mukhang napako nalang sa isipan ko yun at nabago bigla. Masaya pala kapag nakasama mo ng tuluyan ang tunay mong magulang at pamilya.

Sila lolo naman bumalik na sila sa empire kasama ang council at ibang boss pero si uncle nagpaiwan dito sa labas. Gusto niya daw makasama ang mga anak niya at ngayon dinala sila ni uncle sa US. Pupuntahan daw nila ang iba pang relatives ni uncle doon at ipapakilala niya sila Karen at ashton. At dahil kasama nga si Karen don. Hindi naman magkamayaw ang kakambal ko sa pagbusangot at pagsama ng mood. Hindi ko nalang siya pinapansin dahil katulad lang din niya ako hindi man lang nagpaalam si zero sa akin na aalis pala sila nila uncle. King'inang yun. Pagumuwi siya dito mapapatay ko talaga siya. Tsk...

Hindi man lang nagawang tumawag sa akin. Ni text at call wala. Magiisang buwan na sila doon pero Ito ako araw araw nakatingin sa phone ko at inaabangan kong maytatawag.

Tungkol naman sa academy. Napabilis na ang pagaayos non at nakarecover naman ang ibang mga students pero naawa ako sa iba dahil namatay sila at hindi nakaligtas. Pagkatapos na pagkatapos ng pagaayos ng academy. Ni resume na nila ang klase.

Masaya na din sila mom dahil ang patakaran na pinatupad noon ng council tungkol sa princesses at prince ng UG. Inalis na nila. At akalain mo yun isa pala ako sa kanila. Hahaha

By the way I'm here at the ice cream parlor kasama ko si David. Lumabas na naman sa empire. Wala namang makakapigil sa kanya. Part of being a council nga naman.

"Kailan daw balik nila zero? "- biglang tanong niya sa akin habang kumakain ako. Tinigil ko ang pagsubo at tinignan siya. Tinuro ko pa sa kanya ang kutsara ko bago magsalita

"Alam mo?.. Ayaw ko siyang pagusapan. Mapapatay ko ang taong yun pagnagkataon bumalik siya"- galit na sabi ko

"Talaga?.. Paano kong iba ang lumabas na emotion mo at hindi galit? "Makahulugan na sabi pa niya

"Ano bang pinagsasabi mo?.. Kulang pa ba ang ice cream na kinakain mo?.. Halika oorderan pa kita kung gusto mo? "- naiinis na ako sa tinatanong niya. Ayaw kong pagusapan ang taong yun. Nagtatampo pa din ako sa kanya.

"Hahaaa... High blood ah!.. Umiinit na ulo mo e malamig yang kinakain mo"-asar pa niyang sabi

Boink

"Aray**"-napahawak siya sa noo niya ng tinapon ko sa kanya ang kutsara ko

"Tigilan mo ako sa pangaasar mo.. Baka hindi ka na makalakad pabalik sa empire niyan at gumapang ka nalang"-banta ko sa kanya. Kita ko naman na napalunok siya

Book 2: The Continuation Of The SecretNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ