CHAPTER 91

3.3K 76 1
                                    


Zero POV

Hingal akong napaupo sa may ilalim ng puno. Pansamantala muna kaming tumigil sa paglalakad. Magdadalawang araw na kami dito sa gubat pero hindi parin namin mahanap ang tamang daan palabas. Naisipan na din namin na maglagay ng mga palatandaan kung saan kami dumaan.

"Ang lagkit ko na"- maarteng reklamo ni hannah

"Di lang ikaw... Lahat tayo dito ganyan nararamdaman "- sabi ni kit habang nagpupunas ng pawis.

"Kunti nalang pagkain natin"- napatingin kami kay trina nang sabihin niya yun. Bakas sa kanya ang pagkabahala. Problema yan dahil gugutomin kami pagnagkataon.

"Hmm.. Pwede naman seguro tayo maghanap dito ng makakain.. Tutal gubat to"-sabi ni ashton. Tumango naman kami sa kanya.

Napatingin ako sa gilid ko ng may naririnig akong ingay. Hindi ingay ng mga tao kundi ingay na paglagaslas ng tubig.

"Naririnig mo din yun? "- napatingin ako kay Hilton ng itanong niya yun. Nakaupo siya sa tabi ko. Tumango ako sa kanya

"Lagaslas ng tubig"- sagot ko

"Seguro may malapit na talon dito? "- sabi pa niya. Tumayo naman ako at napatingin sila sa akin. Nagpalinga linga ako at pilit pinakinggan ang ingay ng tubig. Sinundan ko ang ingay na yun at ramdam ko naman na nakasunod sa akin ang iba.

Hindi nagtagal natanaw ko na ang malinaw na tubig na nagmumula sa talon.

"Wahhhh... Sa wakas makakaligo din! "- sigaw ni Hannah at patakbong pumunta sa tubig. Naghilamos siya sa tubig at napapatingin pa sa repleksyon niya don.

"Ang linaw!! "- sigaw ni maxine

Napangiti naman ako. Tinignan ko ang tumapik sa balikat ko.

"Nice bro! "- nakangiting sabi ni kael
.tinanguan ko nalang siya.

"Sa tingin ko nasa gitna tayo ng gubat"- napatingin ako kay ashton ng sabihin niya yun

"Pano mo nasabi? "

"As you can see.. Tignan niyo ang paligid"- sabi niya at nakaturo pa sa likuran niya

Nilibot ko ang paningin ko at kung pagbabasehan ko ang nilakad namin kanina simula kahapon. Lahat deretso lang. Hindi kami lumiko .at sa nakikita ko ngayon sa paligid mga puno at mga bato. May mga ilan ilan na din akong nakikitang hayop.

"Kyaaaaaaahhhhhhh!! "- tinignan ko ang mga girls at shit. Naalerto naman kami dahil sa nakita namin. May mga nakapulang mga Tao at hawak hawak nila ang mga girls.

"San sila nanggaling? "- biglang usual ni Zen

"Kyaaahhh.. Bitawan mo ako! "- sigaw ni kit sa dalawang Tao na nakahawak sa mga kamay niya at bigla niya nalang binalibag ang dalawa.

"Arrgggshh"

"Buti nga sa into! "- sigaw sa kanila ni kit. Bigla namang may sumugod sa amin .

Sinangga ko ang dalawa kong kamay ng bigla nalang sisipain ako ng isa. Tinulak ko naman siya at inikot ko ang paa ko at natamaan siya sa panga. Bumulagta naman siya at nawalan ng Malay.

Nagulat nalang kami ng maglabas sila ng mga sandata. Shit! Wala kaming dala kahit na ano.

Napaatras kami ng papalapit sila sa amin. Nakawala na din ang mga girls at nandito na sila sa tabi namin.

"Mukhang dito na tayo mamatay"- sabi ni Zen.

"Hindi mangyayari yan"- sigaw ko sa kanya at sinugod na ang kalaban. Akmang ipuputok niya ang baril niya sa akin ng hawakan ko ang kamay niya at binali yun. Narinig ko naman ang pagtunog ng buto niya at sinuntok siya sa mukha. Napahiga naman siya habang sapo sapo ang mukha at kamay niya.

Iniwasan ko naman ang katana na tatama sa akin. Iwas lang ako ng I was at hindi nagtagal nahawakan ko siya sa braso at hinila ko siya patalikod sa akin at nilagay ko ang braso ko sa leeg niya

"Arrgggshh"- daing ko ng bigla niya akong pagsisikuhin. Shit masakit yun. Napatingin ako sa gilid ko ng bigla nalang may nagpaputok ng baril kaya sa pagikot ko patingin sa taong yun hindi ko inaasahan na matatamaan ang taong hawak hawak ko. Kaya nawalan siya ng Malay. Nagtago naman ako sa isang puno ng pagpuputukin niya ang baril niya. King'ina

Napatingin ako sa paanan ko ng makita ko ang isang baril. Pinulot ko yun at sinilip ang kalaban ko na pinagpuputukan pa din ako. Yumuko ako at tinutok sa kanya ng palihim ang baril na hindi niya nahahalata. Binaril ko siya at bumulagta siya. Lumabas naman ako sa puno na pinagtataguan ko habang nakahawak sa tagiliran ko na siniko kanina ng isang kalaban ko.

Tinignan ko ang mga kasama ko at bakas sa kanila ang pagod at may ilan na din silang sugat sa katawan. Napasandal ako sa puno at napatingala.

Jamaica POV

Boogggsshh

Boogggshhh

Boogggggsshhh

Sipa ,suntok, iwas yan lang ang ginagawa ko habang nakikipaglaban kay Eve. Isa siya sa mga boss at babae siya .kaedad niya lang si uncle creg.

"Segi pa princess... Atake pa! "- sigaw niya sa akin. Sinugod ko naman siya habang mahigpit kong hawak ang dagger ko. Dalawa lang ang hawak kong dagger at yun lang ang nagsisilbing sandata ko Laban sa kanya. Habang siya naman ay katana. Tinuturuan niya akong gamitin ng mabuti ang dagger na hindi ko mabitawan habang sa labanan.

Sinipa ko siya at iniwasan niya naman. Umikot ako at akmang isasaksak ko na sa balikat niya ng iharang niya ang katana niya.

Nag smirk ako sa kanya at yumuko at sinipa ang paa niya

BLAAGGGG

tatayo na sana siya ng tapakan ko ang likod niya at itutok sa leeg niya ang dagger ko

"Suko na ako"- sigaw niya. Huminga ako ng malalim bago ko siya pakawalan.

Clap clap clap

Walang emosyon kong tinignan ang taong yun. Hindi niya na ba talaga ako titigilan sa loob ng mga araw na pananalagi ko dito sa empire wala siyang sinasayang oras para bwisitin ako.

"Ang galing mo talaga princess! "- sigaw niya sa akin. Nilapitan ko naman siya

"Ano na naman ang ginagawa mo dito? "- tanong ko sa kanya. Nagkibit bakilat siya sa akin at ngumiti. Tsk. Nakita ko naman si rid at mac na papalapit sa amin.

"Dumating na sila"- sabi ni rid pagkalapit sa amin. Napakunot naman ang noo ko. Sinong dumating?

"Napaaga yata sila.. Segi susunod ako sa loob mamaya"- tumango si rid sa kanya tapos sa akin at umalis na sila ni mac. Tinignan ko naman si david

"Sinong pinaguusapan ninyo? "- tanong ko sa kanya

"Ang council.. Dumating na sila"- sagot niya.

"Pero kanina bakit ka niyukuan ni rid at mac? "- tanong ko pa

Tinignan niya ako ng maigi at nag smirk sa akin

"Gusto mong malaman? "- he ask. I just nod"sumunod ka sa akin"- makahulugan na sabi niya at nagsimula nang maglakad. Wala naman akong nagawa kundi ang sundan nalang siya.

-----------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretWhere stories live. Discover now