CHAPTER 68

3.3K 80 2
                                    


Ashton POV

Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko sila mom at dad na nakaupo sa sala.
Parang hindi sila mapakali at parang alalang alala sila.

"Mom! Dad anong nangyayare? "- bungad na tanong ko sa kanila. Napatingin sila sa akin at parang nakahinga sila pareho

"Son! Where have you been? Alalang alala kami sayo na baka may nangyari sayong masama? It's almost 8:00 dapat kanina ka pa nandito sa bahay"- galit na tanong ni dad sa akin.

"Tapos sabi ng tita Kate mo.. Wala din sa bahay nila si Hilton.. Saan ba kayo nagpunta? "- tanong ni mom.

"Mom! I'm fine.. Binisita lang namin si maica..nagkasakit kasi siya"- sabi ko sa kanila.

"Bakit ba alalang alala kayo? May nangyari ba? "- tanong ko sa kanila. Hindi naman sila makasagot at kapwa natahimik pa.

"Mom? "- tawag ko sa kanya.

"I think gutom kana.. Kumain ka n--"-

"Mom! What happened? "- putol ko sa sasabihin niya. Kita kong napabuntong hininga siya.

"Sinugod ng mga black assassin ang isang HQ ng empire at malaking damage ang nangyari. Almost 300 na underlings natin ang nasugatan at ang iba ay namatay.. Hindi namin alam na susugod sila kanina at nasa UG kami non nag momonitor"- paliwanag ni mom.

"WHAT!? Paano nangyari yun? "- tanong ko pa sa kanila

"We don't know...hindi namin aakalain na magpaparamdam na naman sila... Ilang weeks na sila hindi nagparamdam yun pala may pinaplano na sila"- sabi ni dad.

"Kaya ganon nalang ang pagaalala namin sa inyo na baka pati kayo napahamak"- sabi ni mom

"Mom! We can handle our self.. Kahit hindi niyo kami nababantayan.. We understand. Marami kayong ginagawa kaya naiintindihan namin yun."

"Thanks son"- sabi ni dad sa akin at niyakap ako. Sumunod naman si mom.

"So anong Plano niyo? "- tanong ko sa kanila .nakita ko naman na naging seryoso silang dalawa.

"Magsisimula ulit na I- train lahat ng underlings natin...at kasama kayo sa i-tititrain "- sabi ni mom

O.O

"Ano! Pe-"

'Son! Para rin to sa inyo "

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi ni dad.

"Ok fine.. But any news to my sister? "- tanong ko sa kanila.

"Ginagawa na namin ang lahat para mahanap siya. " sabi ni mom

"Mom ako nalang ang kikilos para hanapin siya"- sabi ko sa kanila

"How? "- seryosong tanong ni mom

Napayuko naman ako. Paano nga ba. Ni hindi ko nga alam kung anong palatandaan niya na siya ang kakambal ko kundi ang mga mata niya lang. At wala nang iba.

"See? Sabi ni Kris sa amin na gusto mo ngang ikaw nalang ang kumilos at maghanap sa kanya pero paano mo gagawin? "- tanong pa ni mom

"Hon! Kumalma ka... Ok!.. "- sabi ni dad kay mom. Napatingin naman siya sa akin"son! Hayaan mo na kami ng mom mo ang maghanap sa kanya.. "- sabi ni dad.

Nag nod naman ako sa kanila. Tsk! Bakit kasi ang hirap niyang mahanap. Pinahanap ko na Kay Hilton ang kapatid ko pero wala talaga. Wala siyang makita ni kahit isa.

zero POV

Pagkauwi namin ni Karen sa bahay dumeretso na kami sa kanya kanyang kwarto namin. Pasalampak akong humiga sa kama ko at nilagay ang braso ko sa noo ko at pumikit.

gruuuuuu

"Tsk! Nagugutom na ako"

Tumayo ako sa pagkakahiga at naglakad papunta sa pinto. Bnuksan ko naman Ito at hindi ko maiwasan na mapatingin sa office nila dad ng may nakita akong nakaitim na pumasok don.

Namalikmata lang ba ako? O may nakita talaga akong pumasok don?

Naisipan kong maglakad papunta sa pinto ng office nila dad. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa doorknob.

No! Hindi.. Sila mom at dad.. No! Papaano?

"Boss nagawa na po namin ang pinaguutos niyo"

"Ganon ba"

"Almost 300 po ng underlings nila ang naapektuhan"

"Hon! Maganda yun! Hahahaha"

"Soon malapit nang bumagsak ang empire Mafia"

"Hahahahaha"

Hindi ko na kaya ang narinig at mga nakita ko. Sinara ko ang pinto at bumalik sa kwarto ko. No! Hindi magagawa nila mom yun.

Galit sila sa empire Mafia. Ang Mafia nila ashton. Pero papaano? Mag ka business partner sila mon at tita Julie papaano?

At ang hindi ko matanggap tanggap sila ang namumuno ng blackassassin. Hindi ako makapaniwala. Paano nila magawang itago sa amin ni Karen yun? Sa loob ng mahabang panahon nagawa nilang itago sa amin yun.

Cringgggg cringgggg

Kinuha ko ang phone ko at nakita ko si Ashton ang tumatawag. Napapikit ako ng mariin bago ko siya sagutin

'Bro! Nakauwi na ba kayo? "- bungad na tanong niya sa akin.

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang phone ko. Hindi ko magawang makapagsalita.

"Bro! Hey! Are you ok? .nandiyan ka pa ba? " dinig ko pang tanong niya

"Bakit? "- tanong ko. Napahilot ako sa sintido dahil sa sinabi ko

"Huh? Hahaha.. Anong pinagsasabi mo? Ayus kalang? "- tanong niya

"Ahmm.. O-o naman.. Sa tanong mo kanina..yes nakauwi na kami"- sabi ko

"Si Karen? "-tanong niya

"Natutulog na yata sa kwarto niya... At teka! Tinawagan mo lang ba ako para tanungin tungkol kay Karen?.. Tsk"-inis na sabi ko sa kanya

"Hahahaha.. Di ba obvious? "- siya

"Tsk! Tawagan mo nalang siya.. Istorbo ka e"-

"Hahahaha.. Ano bang ginagawa mo? "

"Nagiisip ako"

"Hahahaha.. Nang ano.. Ay sino pala hahaha? "-

"Tsk tigilan mo ako"-inis na sabi ko sa kanya

"Hahaha.. Oo na titigil na.. BTW bro kanina sinugod ng mga black assassin ang isang HQ sa Laguna"- sabi ni ashton .parang naramdaman ko na naman ang kaba.

"P-a-paano? "- utal na sabi ko.

"Bigla nalang silang sumugod"-

"Ganon ba.. So anong Plano nila tita Julie "- tanong ko pa

"I-titrain daw nila tayo.. Hindi ko lang alam kung kailan at kung saan"- sabi niya

"Ahmm.. Bro it getting late.. Ibaba ko na"

"O segi"-sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at binabaan na siya. Nakayuko ako habang nakatingin sa phone ko. Paano ko sasabihin kila ashton ang totoo?

"Bullshit!! "- mura ko at hinagis ang pinakamalapit na unan sa akin.

Humiga nalang ako sa kama ko at pilit na matulog. Nawala na yata ang gutom at pagod ko dahil sa nalaman ko. Tsk.

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon