CHAPTER 99

4.3K 88 22
                                    


Zero POV

2 araw na ang nakakalipas mula nang nangyari ang labanan. Sinisimulan na din nila tita Julie na ayusin ang academy at buti nalang napagtakpan nila ang pangyayari. Ang ibang students naman ay maayos na at nagpapagaling. Nagkausap na din kami  ni papa at sa bahay na niya kami maxine nakatira. Wala na din ang mga sugat ko at ramdam kong ok na ang pakiramdam ko.

Ang iba naman sa amin ni Carl ay nakauwi na sa kani kanilang bahay at maayos na din. Si tita Julie at ang iba nakauwi na kahapon pa. Maliban nalang kay maica na hindi parin nagising. Seguro napagod talaga siya. Ngayon nandito ako sa kwarto niya at ako ang nagbabantay sa kanya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na siya talaga ang kakambal ni ashton. At hanga ako sa tapang niya para lang mailigtas at protektahan ang pamilya niya at iba pang mahal niya sa buhay.
Ang mga council naman at ang lolo ni tita Julie  nagpaalam sa amin na babalik na sila sa empire daw at nakilala din namin ang pinakabata sa kanila. Nakaramdam pa ako nong una nang inis sa kanya dahil nalaman ko kay rid na palagi niyang dinidikitan si maica noong magkasama sila. Naiinis ako dahil wala ako sa tabi niya para itaboy ang lalaking yun. Muntik ko pa siyang mabugbog ng biruin niya akong may gusto siya kay maica at sabihin niyang aagawin niya sa akin. Tang'ina kung hindi lang siya council napatay ko na siya. Pasalamat siya mataas ang posisyon niya kaysa sa akin.

"Bro! "- gulat kong tinignan ang taong tumawag sa akin. At nakita ko naman si ashton na papalapit sa pwesto ko at kasama si maxine

"Ikaw na bahala sa kakambal ko. Hihiramin ko na muna to"- paalam niya sa akin. -_-

"May magagawa pa ba ako? Kahit yata hindi ako pumayag.. Aalis parin kayo.. Tsk wag kayo sa akin magpaalam.. Magpaalam kayo kay papa"- saad ko sa kanila. Nakita ko naman na napakamot si ashton sa batok niya at napangiwi ang magaling kong kapatid

"Kuya naman!!  "- maktol ni maxine.

"Ge geh!  Bahala kayo sa buhay niyo Alis"- may tuno ng pagtataboy ko sa kanila.

"Hahaha.. Thanks bro"- paalam ni ashton at akmang aalis na sila ng may marinig kaming nagsalita. Pareho kaming tatlong napatigil

"Saakin hindi kayo magpapaalam? '- gulat kong tinignan si maica at nakita kong napatingin siya sa amin ng seryoso. Pero di kalaunan nakita namin siyang nag smirk

"Ano!! ? Tsk ..karapatan ko naman yatang malaman kung saan kayo pupunta..paalala lang kakambal mo ako ashton? "- sabi niya pa at tinuro pa niya ang sarili niya

"G-ising k-ana? "- di ko makapaniwalang tanong sa kanya

"Aba!  King'ina anong gusto mong mangyari ang hindi na ako magising? "- inis na tanong niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at niyakap siya

"H-oy"- dinig ko pang sabi niya at tinapik ng bahagya ang likod ko

"I thought di ka na gigising .napagod ka yata talaga"- bulong ko sa kanya

"A-no bang sinasabi mo? "- tanong niya. Napangiti ako

"I miss you"- pagsabi ko non. Naramdaman kong napatigil siya

"Yiieee... Tara na ashton iwan na natin sila"dinig kong sabi ni maxine at narinig ko pa ang pagsara ng pinto. Bumitaw ako sa yakap at hinarap siya.

"Bakit ka umalis? Parang mamatay na ako tuwing iniisip ko noon na wala ka sa tabi ko at hindi kita masisilayan? "- tanong ko sa kanya

Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Patawad..ginawa ko lang ang alam kong tama"- paliwanag niya sa akin.

"I know.. Kaya nga nahintay kita "- nakangiti kong sabi pero napaseryoso ako ulit at nagsalita "pero bakit hindi mo sinabi sa akin.. Sa amin na ikaw pala ang kapatid ni ashton? "

"Hindi ko din alam noon. Kung hindi ko pa nabisto si lolo di niya din seguro sasabihin sa akin"- nakanguso niyang sabi

"Ganon ba. Pero nakapagusap na ba kayo ni ashton tungkol sa bagay na to? "- tanong ko. Pero tinignan niya ang ng masama

"Engot ka ba?  Kita mong kakagising ko lang sa tingin mo nakapagusap na ba kami? "- sarcastic niyang sabi. Napakamot naman ako sa batok ko. Hahaha.. Engot mo zero

"Tsk ..nagugutom na ako"- napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Hahaha.. Sandali bibili lang ako sa baba.. Babalik din ako kaagad"- paalam ko sa kanya.

"Dalian mo ah"- sabi pa niya. Nginitian ko naman siya at umalis na.

Karen POV

Pagkaalis namin ni ashton sa kwarto ni ate maica. Bumaba na kami at nagtaka ako dahil papunta kami sa food court ng hospital.

"What are we doing here? "- I ask him

"Basta.. Tara na ayun sila"- nagtaka ako sa sinabi niya at tinignan ang tinitignan niya. Nakita ko naman si mac at rid. Hinila ako nk ashton papunta sa kanila.

"O!  Ayan na pala sila"- nakangiting sabi ni mac

Napatingin ako kay rid at napatingin siya sa akin. Tapos sa kamay namin ni ashton.

Baki. ganito iba ang kutob ko dito.

Hinarap ako ni ashton sa kanya at nginitian

"I think kailangan niyo munang mag-usap na dalawa.. "- nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Tinignan ko si rid.. Ano naman ang paguusapan namin

Tinapik pa ni ashton ang balikat ni rid bago sila umalis ni mac at lumipat sa kabilang table. Huminga ako ng malalim at napilitang umupo sa katapat na upuan niya.

"Rid.. Anong paguusapan natin? " deretsong tanong ko sa kanya.

Kakaiba ang nakikita ko sa mga mata niya. May halong lungkot at pagshihinayang

"You know Karen.. Hindi ako magsisinungaling pa.. I like you."- hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Is he confessing his feelings ?pero bakit ginawa to ni ashton sa amin? Nalilito na ako

"R-id but y--"

"I know.. You love each other kaya wala na akong magagawa.. But for now all I want you to know my feelings toward you.. Ang hirap palang itago.. From the first time I saw you on my condo.. Nahulog na yata ako sayo"- natatawang sabi niya.

I member that time. Niligtas ako ni ferox non at dinala sa unit niya.

"Pero Karen.. I-m happy para sa inyong dalawa ni ashton. "- sabi niya at tinignan sila ashton at mac na naguusap.

"I think nakamove on na yata ako hahaha"- saad pa niya. Taka ko siyang tinignan at napangiti ako sa tinitignan niya.

"You like her.. Do you? "- biglang tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.

"What are--"

"Oh!  Don't lie to me rid.. Hahaha.. Halata ka na.. You like mac"- sabi ko pa.

Napailing pa siya sa sinabi ko.

"Ewan.. Hahahaha"- natatawa siya habang sinasabi yun

"Mukhang ok na kayo ah? "- napatingin ako sa nagsalita non at nakita ko si ashton

"Ok na bro!  I think kayo naman ang magusap.. Date kayo"- sabi ni rid sabay tayo. Nginitian naman namin siya

"Thanks bro"- sabi ni ashton sa kanya

"Hahaha.. Mac alagaan mo yan! "-sigaw ko sa kay mac. Taka niya naman akong tinignan. Nagsmirk ako kay rid

"A-haha.. Alis na kami "- sabi ni rid. At hinila na si mac paalis.

Tinignan ko naman si ashton na nakatingin din sa akin.

"Haha.. What? "-I ask

"Tara na.. Date na tayo! "- sabi niya sa akin. At hinila na din ako.

Book 2: The Continuation Of The SecretDonde viven las historias. Descúbrelo ahora