CHAPTER 83

2.9K 78 4
                                    


Jamaica POV

Nagpaalam na sila na mauuna na. Kaya ngayon naiwan nalang kami ni zero sa parking lot. Tinignan ko ang relo ko at 4:50 pm palang. Maaga pa.

"So San tayo? "- he ask. Nginitian ko siya.

"Sa secret place mo--"

"Natin"- pagpuputol niya sa sinabi ko.

"Hahahaha NATIN... tara na.. Gusto kitang masulo"- banat ko sa kanya t pumasok na sa kotse niya.

"Hahahahaha.. Mahilig ka nang bumanat ah" bungad niya sa akin pagkapasok niya sa kotse

Nginitian ko nalang siya at pinagsiklop ko ang kamay namin.

"E pano kasi... Mahal kita"- sabi ko pa.

"Hahahahaha"-

"Kinikilig ka? "- tanong ko pa. Napatigil siya sa pagtawa at nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan

Tsup

"Waaahhhhhh... Magnanakaw ka! "- natatawang sabi ko sa kanya.

"Hahahaha.. Ok lang kung ikaw naman pagnanakawan ko... NG HALIK"- ramdam kong namula ako dahil sa sinabi niya. Diniin niya pa talaga ang pagsabi ng halik ah..

"Tara na nga.. Baka magabihan na tayo sa pupuntahan na tin"- sabi ko sa kanya.

"Ok... Mrs. Lopez"- malanding sabi niya at hinalikan pa ang likod ng palad ko.

"Hmmm.. Bolero ka.. Dali na"- sabi ko .

Pinaandar niya ang kotse niya at umalis na kami. Habang sa byahe magkahawak lang kami ng kamay. Buti hindi mahirap sa pagmamaneho niya. Hindi naman nagatagal nakarating na kami. Namamangha pa din ako sa lugar na to.

"Let's go"- aya niya sa akin at pinagbuksan niya ako ng pinto. Sabay kaming pumasok at nakita ko na naman ang waterfalls.

Hinila ko siya sa may tabi ng ilog at umupo sa bato don. Dito sa pwesto namin makikita mo talaga ang paglagaslagas ng tubig pababa.

"Ang ganda talaga dito"- biglang bulalas ko.

"Yeah kasing ganda mo"- napatingin ako kay zero .nginitian niya lang ako at pinitik ang ilong ko.

Napahawak naman ako sa ilong ko.

"Hahahaha... Ligo tayo"- aya niya at tumayo.

"P-ero wala akong dalang damit"- sabi ko sa kanya.

"May extra akong shirt sa kotse pahihiramin ko nalang sayo yun"- sabi pa niya.

"Ok"- pagkasabi ko non bigla niya nalang hinubad ang polo niya kaya ngayon.. Shit.. Napatalikod ako bigla. Bakit parang nag iba ang ihip ng hangin

"Hahahahaha... "- dinig kong tawa ni zero

Ramdam kong papalapit siya sa likuran ko. At ngayon ramdam ko na ang hininga niya sa tenga ko

"Bakit ka tumalikod.. Ayaw mo bang makita? "-nangaakit na tanong niya

"A-nong.."- nagulat nalang ako ng bigla niya akong iharap sa kanya. Ngayon malapit na talaga ang mukha namin.

"Nahihiya ka ba? "- tanong pa niya. Nabaling ko naman ang tingin ko sa gilid

Hinawakan niya ang baba ko ay ihinarap sa kanya. Ngayon nakatingin na ako sa mukha niya

"Wag kang mahiya.. Iyong iyo lang naman ako. "

Tsup

Bigla niya na naman akong hinalikan kaya naitulak ko.

"Nakakarami ka na ah"- sabi ko sa kanya. Pero dahil sa pagtulak ko kaya kitang kita ko na ang kabuuan niya. Shit

"Hahahaaha... Hintayin nalang kita sa tubig.. Mauuna na ako"- paalam niya at bigla nalang tumakbo sa tubig at naligo.

Huminga naman ako ng malalim.

Maica ano ka ba..

Hinubad ko nalang ang suot ko kaya ngayon naka panty nalang ako attached bra. Lumapit ako sa tubig at lumusong doon. Palihim akong lumapit kay zero at niyakap siya sa likod. Ramdam kong nagulat pa siya ng bahagya. Humarap siya sa akin at tinignan ako

"Ganyan nalang kaya isuot mo pag parating dalawa lang tayo"- sabi niya. Taka ko naman siyang tinignan

"Bakit? "

"Baka hindi ko mapigilan mabuntis kita.. Tapos wala ka nang takas sa akin.. Hahahaha"- natatawang sabi niya

"Manyak ka talaga"- sigaw ko sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako sa likod. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Sana ganito nalang tayo palagi"- biglang sabi niya

"Hmm? "

"Para solo kita palagi"- dagdag niya. Napangiti naman ako. Nagtagal pa kami sa paliligo .ng mapansin naming maggagabi na talaga. Naisipan na naming umahon at magbihis. Saglit pa siyang bumalik sa kotse niya para kunin ang shirt niya don. Hindi naman siya nagtagal at bumalik rin bitbit ang kinuha niya. Inabot niya sa akin yun at sinuot ko naman. Medyo malaki sa akin ang shirt pero ok lang.

Umalis na kami at hinatid niya ako sa bahay.

"Bukas... Susunduin ba kita? "- tanong niya ng nasa harap kami ng gate at nakatayo

"A-.. Wag na... Kay uncle nalang ako sasabay"- nakangiti kong sagot sa kanya

"Hmm.. Ganon ba.. Segi hinatayin nalang kita sa parking lot? "- tanong niya ulit

"Wag mo nakong hintayin.. Mauna ka nalang pumasok bukas"- sabi ko

"Ayaw mo ba talaga? "

"Hahaha.. Ang kulit mo talaga.. Segi na babye"- paalam ko sa kanya

"I love you"- napangiti naman ako

"I love you too.. Good night"-

"Segi na.. Uwi ka na hintayin kita hanggang sa makaalis ka"- sabi ko.

"Segi bye ..kita tayo bukas"- huling sabi niya bago umalis. Tinanaw ko ang sasakyan niya papalayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang kanina ko pang pinipigilan na luha.

"I-m sorry"-usal ko sa gitna ng pagiyak ko.

Zero sana sa gagawin ko. Maiintindihan mo.. I hope mahintay mo ang pagbabalik ko. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala nang iba.

Inayos ko na ang sarili ko at pumasok na sa loob. Bumungad naman sa akin si mac.

"Prin-cess"-

"Magaayos lang ako ng gamit ko mac... Anong oras pala tayo aalis? "-tanong ko

"Ahmm.. Sabi ni boss.. Exactly 2 In The morning "- sagot niya. Tumango nalang ako.

Magsasalita pa sana siya ng umakyat na ako sa kwarto at nahiga sa kama doon. Naiyak na naman ako.

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon