CHAPTER 8

5.1K 117 2
                                    


Jamaica POV

Nakaharap ako ngayon sa pinto ng magiging room ko. Kumatok ako at bumukas naman ito. Tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki. May na sense naman akong kakaiba sa kanya. Kagaya ng Dean kanina. Alam kung hindi lang sila basta basta part ng academy na to.

"Transferee? "- he ask. I just nod to him.

"OK!  Come in "pagkatapos niyang sabihin yun. Sumunod naman ako sa kanya pumasok. Nakita kong napatingin sa akin ang magiging kaklase ko.

Ang iba nakangiti yung iba naman nakataas ang kilay sa akin.

"OK!  We have a transferee. Miss kindly introduce your self in front"- utos sa akin ng teacher.

Pumunta naman ako sa ginta at nagpakilala

"Jamaica Allison selvirino, 18"- pagpapakilala ko.

Bigla namang may nagtaas ng kamay

"What is it Ms.  Tolentino? "- sabi ng teacher sa babaeng nagtaas ng kamay. Tumayo naman ito at tinignan ako at tsaka ngumiti sa akin

"I just want to ask San kang school nanggaling?  Ang ganda mo kasi"- sabi niya sa akin. Napangiwi naman ako sa tinanong niya

Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi niya sa akin

"Haist!  Tumigil ka nga hannah nakakahiya ka "- salita nung katani niya pang babae. Medyo curly ang buhok niya na hanggang balikat lang. Maganda din siya kagaya nung hannah

"Ano kaba naman trina ok lang. Ang ganda niya talaga kasi he he"- sabi ni hannah

"Sabagay"- sabi nung trina

"Ahem.. I think pwede ka nang umupo ms. Selvirino. You can take the vacant seat at the back beside the window.. And by the way I'm Mr. Trace Ferdi your advisory for this school year"- sabi niya at pagpapakilala niya sa akin. Nag nod lang ako sa kanya at pumunta na sa magiging upuan ko. Napatingin ako sa lalaki na magiging katabi ko. Nakatingin siya sa akin ng seryoso.

Tinignan ko naman siya ng blanko at umupo sa upuan ko. Pagkaupo ko tumingin ako sa bintana. Ganito pala ang feeling ma may kasama ka sa pagaaral.

Nakinig nalang ako sa discussion  ni Sir. Ferdi

-------------------------------------------------------------

Kit POV

Gulat parin ako habang nakatingin Kay jamaica. I never knew na dito din pala siya nagaaral.

"Hoy! Para kang temang diyan habang nakatingin sa transferee? "- biglang sabi ni Carl sa akin.

Sumama naman ang timpla ng mood ko. Ano nanaman ba ang kailangan ng isang to at nanggugulo na naman sa buhay ko

"Pale mo"- bulong na sabi ko habang may halong inis. Nginitian niya ako na mukhang nangaasar

"Para ka kasing baliw. Gulat na gulat habang nakatingin kau jamaica"- sabi niya.

Napakuyom ko naman ang kamao ko sa inis at aambahan na sana siya ng isang suntok ng mapatigil ako dahil nagsalita si sir. Ferdi

"Ms. Scott and Mr. Carl Smith the two of you. What are you doing?  Oras ng klase hindi ito ang oras para maglandian"- sermon sa amin ni sir. Ferdi

Inayos ko naman ang sarili ko at tinignan si sir.

"Sorry sir / sorry po"- nagkatinginan kami ni Carl ng sabay kaming magsalita. Sinamaan ko naman siya pero nginitian niya pa ako na mapangasar.

Arrgggshhh... I hate you Carl Smith. Ililibing kita 200ft below the ground

"Seguraduhin niyo lang."- sabi sa amin ni sir ferdi

Inirapan ko naman si Carl.

"Yan kasi makinig kasi sa klase"- biglang sabi ni daine na katabi ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay

"Ako pa talaga pinagsabihan mo niyan huh!  Isumbong Kaya kita Kay sir. Na kanina ka pa nagcecellphone sa klase niya? "- pagbabanta ko sa kanya. Inirapan niya naman ako at binalik niya ang atensyon niya sa phone niya.

Sino ba kasi ang ka text ng isang to. Araw araw nalang nakahawak sa phone niya. Katulad sila ni Hilton. Adik sa phone.

-------------------------------------------------------------

Julie Ann POV

Nandito ako sa office ko at may binabasa na mga files dito sa academy.

Napatingin naman ako sa picture frame dito sa table ko. Napangiti ako at hinawakan ang picture

"I miss you"- nakangiti kong sabi at hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa nalang silang tumulo

"Prin-cess ka-musta *snif* kana?.. Miss na miss kana ni mommy.. Seguro dalagang dalaga kana? Sana mapatawad mo kami dahil hindi ka namin na ipaglaban sa council "- naiiyak na sabi ko habang hinahaplos ang munti kong anghel sa picture

Napapunas naman ako ng luha ko ng bigla nalang bumukas ang pinto. Binalik ko na ang picture frame aa dating ayos nito

Tinignan ko ang taong dumating at nginitian siya

"H-hon anong ginagawa mo dito? "- sabi ko sa kanya at nilapitan siya

Tinignan niya ako na parang sinusuri. Umiwas naman ako ng tingin

"Umiiyak ka na naman.. Hay "- sabi niya sa akin at niyakap ako. Tumulo na naman ang luha ko at niyakap siya

"Shhhh.... Tahan na"- pagpapatahan sa akin ni blue

"Hon gusto ko na siyang makita"- sabi ko sa kanya

"Ako din hon. Pero kailangan nating maghintay ramdam kong malapit na kunting tiis nalang"- sabi niya sa akin

Kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya

"Kailan?  Kapag huli na ang lahat... Ayuko "- naiiling nasabi ko sa kanya

Hinawakan niya ang kamay ko. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at awa para sa akin

"Stop crying ok...nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan"- sabi niya at pinunasan ang mga luha ko.

Tumahan naman ako

"Don't cry again ok? "- tanong niya. Nag nod naman ako sa kanya at. Nginitian siya ng mapakla.

Ngumiti din siya sa akin

"Lets go"- sabi niya. Nagtaka naman ako

"Where? "- I ask

"Let's eat I know na gutom kana. Kaya Tara na"- sabi niya at hinila na ako palabas sa office ko. Nako naman oh marami paakong gagawin don e.

Hay nako.

Book 2: The Continuation Of The SecretWhere stories live. Discover now