CHAPTER 31

4.3K 101 14
                                    


Ashton POV

"Mom, dad, tita, Tito? "- sabi ko na gulat paring napatingin sa kanilang lahat.

Kahit sila hilton nandito din. Akala ko ba pumasok ang mga to?

"Son we glad na nandito ka din pala. Mom call us na gusto niyang ipatikim sa amin ang bago niyang recipes"- nakangiting sabi ni Mom sa akin. Napatingin naman ako Kay lola at nginitian niya nalang ako.

"Ms. Selvirino nandito ka din pala."- sabi ni mom at napunta ang lahat ng atensyon Kay Jamaica na nasa tabi ko

"Hello po mam julie"- sabi ni Jamaica

"Hay! Tama na nga yan
Nagugutom na talaga ako. La nasan na po yung niluto niyo gusto ko nang matikman"- sabi ni Carl at hinihila pa si lola papunta sa kusina

"Hahahaha... Segi mabuti pa nga hali kana Carl tulungan mo nalang ako. Samahan mo na din kami kit"- sabi ni lola at ito naman si kit parang hindi mapakali

Napatango nalang siya at umalis na silang tatlo.

"So what's the reason kung bakit magkasama kayo ni Jamaica? Ashton? '- tanong ni tita Kate sa akin. Kita ko din ang mga nakakalukong ngiti sa mga mukha nila.

Langya kahit mga matatanda na sila. Lakas makapangtrip. Akala seguro nila mga binata at dalaga parin sila.

"Tita! Kung ano man Yang mga iniisip niyo. Nagkakamali kayo. Nabasa lang kami kanina sa ulan kaya naisipan naming dito nalang Kay Lola tumuloy, alam ko naman na sesermonan na naman ako ni mom eh! "- paliwanag ko sa kanila

"Wait! Bakit naman kita sesermonan? ...may ginawa ka bang kalukuhan? "- tanong sa akin ni mom

Napaisip naman ako.. Oo nga no. Wala naman akong kasalanan.

"A-hehe" napakamot nalang ako batok ko.

"Nako wag niyo nang pakealaman ang mga bata.. Kayo talaga.. Hayaan niyo na sila kung ano ang gusto Nila"- nakangiting sabi ni Lola habang bitbit ang tray na niluto niya.

Langhap ko na din ang amoy.. Hmmm.. Mukhang masarap ah!

"Ma naman! Bata pa yang baby Ashton ko"- sabi ni mom

Wengya tinawag ba naman ako baby. Sinamaan ko naman ng tingin sila Carl na nagpipigil ng tawa.

"Ma!! I'm not a baby anymore.. " sabi ko sa kanya

"Ayy... Oo nga naman.. Hehehe.. May nagugustuhan na pala ang baby ko"- dugtong pa niya.

Napasimangot naman ako

=_=

Wala na... Umandar na naman pagkaisip bata ni mom

Bipolar talaga nanay ko. Ipatingin ko kaya sa mental to baka malala na. Hindi pala namin nahahalata. Nalilito na din ako sa kanilang dalawa ni dad. Sino ba sa kanilang dalawa ang under. Minsan si dad. Minsan naman si mom

"OY!mukhang wala naman kaming alam diyan... Sino yun bro? "- tanong sa akin ni hilton. Isa pa to

"Ano ka ba naman Hilton.. Tinatanong pa ba yan.. Ayan na oh! Si Jamaica. Hahaha"- natatawang sabi ni trina

"Huh! ...h-hindi.. Nagkakamali kayo ng iniisip tungkol sa amin ni Ashton.. Ang totoo mga niyan parang kuya na ang turing ko sa kanya e"- paliwanag ni jamaica

Napangiti naman ako sa sinabi niya

"Yah! Parang little sister ko na siya.. Hahah"- natatawa Kong sabi at inakbayan si Jamaica.

Nagtataka naman akong napatingin Kila mom kasama sila tito at tita ganon din si Lola at dad ng bigla nalang silang sumeryoso at natahimik

Ok! Anong nangyayari ?

"Bakit po? "- tanong ni jamaica

"Ehem... Ahmm.. Ano.. Tara tikman na natin ang niluto ni mom"- sabi ni tita jane

"Mabuti pa nga "- sabi pa ni tito kiezer

Tinikman niya naman ang niluto ni lola

"Hmmm... Wahhh ang sarap"- dugtong pa niya

Napatingin naman ako Kila mom ng hawakan ni dad ang kamay niya at inakay sa pagupo.

May hindi ba sila sinasabi sa akin?

------------------------------------------------------------

Ethan POV

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi nila Ashton.

Napatingin kami Kila princess at kuya blue. Kita Ko ang lungkot sa mga mukha nila. Alam kong mahirap para sa isang magulang ang mawalay sa kanyang anak ng sapilitan.

Kita Kong tinulungan ni kuya blue si princess na makaupo at dinamayan Ito. Kahit hindi ipakita sa am in ngayon ni princess alam Kong kapag wala ang mga bata ngayon. Segurado ako kanina pa siya umiiyak.

Napailing nalang ako bago binaling ang paningin ko sa babaeng kasama ni Ashton at masayang nakikipagusap Kila Hilton.

Hindi ako makapaniwala na tinuturing siyang parang nakakabatang kapatid ni Ashton. Seguro nga kahit hindi alam ni Ashton ang lahat. Nararamdaman niya naman ang pangungulila ng isang kapatid.

Pagkatapos naming kumain. Kami nalang ang naiwan sa hapagkainan. Naisipan kasi ng mga bata na lumabas muna ng bahay at pumunta sa garden.

Hindi na napigilan ni princess at kusa nalang tumulo na naman ang mga luha niya. Umiwas nalang kami ng tingin. Masakit para sa amin na nakikita naming nasasaktan ang kapatid namin.

"Coz.. Tahan na pls"- pagpapatahan sa kanya ni Kate.

Napailing naman Ito at humagulgol na naman ng iyak. Yinakap siya ni kuya blue. Kailan ba kasi matatapos ang paghihirap na to?

"Blue dalhin mo na muna si princess sa kwarto niya. Seguro kailangan niya ding magpahinga"- sabi ni mom

Napabuntong hininga naman si kuya blue baho tumango

"Hon let's go..magpahinga ka na muna"- sabi ni kuya blue at inalayan niya na si princess papunta sa taas.

Pagkaalis nila nagkatinginan kaming lahat

"We need to find Allison as soon as possible. Hindi ko na kaya na nakikita si princess na nasasaktan. Naaawa na ako sa kanila ni kuya blue"- sabi ni neon

"But the question is how? Ne hindi nga natin alam kung ano ang ginagamit na pangalan niya ngayon o nasan man lang siya"- sabi ni zenia

"Isa lang ang maari nating lapitan tungkol dito"- seryosong sabi ni kuya blake

Napakunot naman ang noo namin. What is he mean?

"Sino? "- tanong namin

"Si lolo Miguel "- dugtong pa niya

Yah! Tama siya sa aming lahat si lolo Miguel lang ang nakakaalam kung nasan ngayon si Allison after all he's the head of the council of empire Mafia.

"So nasan siya? "- tanong ni mica

Natahimik naman kaming lahat. Wala kaming alam kong nasan siya ngayon. Matagal na siyang hindi nagpapakita sa amin. Simula ng kinuha ng council si allison kasabay non ang pagpaalam sa amin ni lolo Miguel na aalis siya. At hindi na namin siya nakita pa simula noon.

Haist! Bakit mas naging humirap ang sitwasyon namin ngayon.

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretWhere stories live. Discover now