CHAPTER 79

3K 81 5
                                    


Rid POV

Hinintay namin ni mac na makaalis sila zero bago kami lumabas sa kusina. Doon nakita namin si princess na nakaupo at nakasandal ang ulo sa sandalan.

"I think alam na namin ang sagot mo"- tipid na ngiti kong saad sa kanya. Napabangon siya at napatingin sa akin.

"R-id"- tawag niya.

Napabuntong hininga ako
"I think kailangan mo nang sabihan si uncle para hindi na kami umasa pa na babalik ka"- huling sabi ko sa kanya bago ako umakyat sa kwarto ko.

"Rid! "- dinig ko pang tawag niya sa akin. Pero kinaway ko nalang ang kamy ko sa kanya at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. Pasalampak akong umupo sa kama at napahilamos ng mukha

Wala na ba talaga? I think wala na nga kaming magagawa kundi bantayan siya sa kung ano man ang desesyon na gagawin niya. Yun nalang ang magagawa namin dahil hindi na siya babalik pa sa empire.

Jamaica POV

Napabuntong hininga ako ng hindi ako pinansin ni rid. Tinignan ko si mac na tahimik na napatingin sa akin.

"Mac"

"Princess wala akong sasabihin dahil naiintindihan kita.. Pero sana maintindihan mo din na may reponsibilidad ka din sa empire at hindi lang ang kaligtasan mo ang iniisip namin kundi pati ang empire "- huling sabi niya bago umalis din sa harapan ko.

Napayuko nalang ako. Ano ba talaga ang gagawin ko? Ang empire na simula ng bata pa ako ay nagsilbi ko nang tahanan. Sila lolo na nandiyan sa tabi ko para ipapalala sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Fck! Pero hindi ko magawang iwan sila ashton at si zero.. Habang iniisip kong maiiwan ko sila at hindi ko alam kung makakalabas pa ako kapag pumasok ako ulit sa empire. Parang pinapatay na ang puso ko. Ang hirap

Kinabukasan

Hindi ko alam sa sarili ko kung nakatulog ba ako kakaisip sa dapat kong gawin. Dapat maging masaya ako dahil sa wakas kami na ni zero pero kapag iniisip ko ulit ang reponsibilidad ko sa empire. Nalilito ako

Tinignan ko ang orasan at 6:40 am na.

Ringggggg Ringggggggg

Kinuha ko ang phone ko at sinagot ito

"Hello? "

"Morning babe"- napatingin ako sa screen name at nakita ko ang pangalan ni zero. Napabuntong hininga ako

"Morning.. "- nakangiti kong sabi sa kanya

"Kakagising mo lang? "

"Hmmm yeah"

"Hahahaha... Magayos kanya.. Susunduin kita"- nakangiti naman ako.. How sweet

"Ok.. Kasama mo si Karen? "- tanong ko habang kinuha ko ang towel ko at pumasok sa loob ng banyo

"Nope.. Sinundo siya ni ashton kanina.. Sa labas daw sila mag be- breakfast"- sabi niya

"Ganon ba.. Wait maya ka na tumawag maliligo na ako"- sabi ko sa kanya

"Ok.. See you babe"

"Hmm. See you"- sabi ko at binaba ko na ang tawag. Sinimulan ko nang maligo. Hindi naman nagtagal natapos na ako sa pagligo. Nagayos na ako ng sarili at bumaba na.

Nakasabay ko pa sa pagbaba si rid na nakaayos na din. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at nilagpasan nalang ako pababa. Nagpakawala naman ako ng isang buntong hininga

Beep beep

Ng marinig ko ang busina dali Dali akong bumaba at pumunta sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko sa labas si zero. Nakangiti siya sa akin

"Morning.. Kumain ka na? "- tanong niya. Umiling naman ako

"Sa labas na rin tayo kumain"- aya niya sa akin.

"Segi.. Wait magpapaalam lang ako nila uncle"- sabi ko sa kanya.

"Samahan na kita"pumasok kami sa loob at pumunta kami sa kusina at napatigil sila sa pagkain don at napatingin sa amin.

"Uncle magpapaalam pala ako sa labas nalang ako kakain.. Niyaya ako ni zero"- paalam ko sa kanya.

"Hmmm. Ganon ba.. Ok.. Magingat ka"- sabi niya sa akin. Tinanguan ko nalang siya at kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami.

"Akin na bag mo"- sabi niya at inabot ko naman sa kanya ang bag ko. Pinagbuksan niya ang ng pinto ng kotse niya at pumasok na din siya. Umalis na kami

"Ang aga mong mangbulabog ah"- asar na sabi ko sa kanya

"Bakit.. Hindi ko na ba pwedeng bulabugin ang gf ko? "

"Hahahahaha"- tawa ko sa sinabi niya

Hininto niya ang kotse niya sa malapit na restaurant sa academy. Pinagbuksan niya akong pinto at pumasok na kami sa loob nh resto.

"Table for two sir? "- tanong ng waiter

"Ah.. Yes pls"-sagot ni zero sa kanya

"This way sir, mam"- ginayak kami ng waiter sa pangdalawahang table. Pagkaupo namin binigay sa amin ng waiter ang menu nila.

"Hmm.. What do you want? "- tanong ni zero

"Hmmm... Kung ano nalang sayo"- sagot ko

"Ok.. Can we have this.. This.. And this"- dinig kong sabi ni zero sa waiter habang may tinuturo sa menu. Ako naman nilibot ko ang paningin ko sa loob ng resto.
Maganda siya at mula dito kita ang gate ng academy.

Hindi naman nagtagal sinerve na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain naisipan na namin na umalis na. Baka kasi malate din kami.

Pagkarating namin sa loob ng academy. Agaw pansin na naman kami. Bigla nalang kasing hinawakan ni zero ang kamay ko habang naglalakad kami sa corridor.

"Sila na ba? "

"Jyaaaahhhhhhh ang sweet nila"

"Sila na yata"

"Shock! News na to"

"Ohmyghod! Sila na ba? "

Dinig naming bulungan ng mga estudyante habang naglalakad kami. Napayuko naman ako Dahil sa hiya

Pagkapasok namin sa room napatingin sa amin lahat ng kaklase namin

"Yun hahahaha nandiyan na ang new couple! "- napangiti nalang ako dahil sa sinigaw ni zen

"Hahahahaha..ang lawak ng ngiti ni zero tang'ina in love na talaga ang gago! "- sigaw pa ni Carl

"Ulol.. Tigilan mo ko"- bulyaw sa kanya ni zero. Naiiling nalang akong umupo sa upuan ko nakatabi ni zero. Kahit nakaupo kami hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko. Paano ko ba iiwan ang isang to kung ganito ang pinaparamdam niya sa akin.

------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretWhere stories live. Discover now