CHAPTER 84

3K 79 5
                                    


Jamaica POV

Hindi na ako nagabala pang matulog. Nakatingin lang ako sa buwan at bituin habang nakaupo sa veranda. Inaalala ko ang mga pinagsamahan namin nila ashton. Kung paano ko sila nakilala. Kung paano ako nakaramdam ng mga ibat ibang emosyon dahil sa kanila. Ang tumawa at makipagkaibigan. Mga bagay na hindi ko nagawa ng sa loob ako ng empire. In my entire life puro training at pagbabasa ang ginawa ko. At higit sa lahat ang hindi ko inaakala na mahuhulog pala ako sa isang tao. Isang tao na magtuturo sa akin kung paano magmahal ng totoo at maging masaya.

Zero.. I hope sa pagaalis ko hindi mo ko makakalimutan. At patawad.

"Princess "- nagitla naman ako ng marinig kong may tumawag sa akin sa labas. Pinunasan ko Muna ang mumunting luha sa pisngi ko bago ko siya hinarap.

Nakita ko naman si mac na nakatingin sa akin.

"Its time.. "- sabi niya at pumasok ng tuluyan sa kwarto ko. Napatingin siya sa mga dala ko at nilapitan yun

"Tulungan na kita sa pagbuhat nito"- paalam niya. Nag nod nalang ako.

Kinuha ko na ang iba ko pang dala at bumaba na kami. Naabutan naman namin sila uncle na nakaayos na.

"Tara na bago pa tayo sikatan ng araw dito"- sabi ni rid at nauna nang lumabas sa pinto. Sumunod naman kami sa kanya. Dalawang kotse ang dala namin. Si rid at mac ang sasakay sa isa habang kami naman ni uncle sa kotse niya. Nauna na akong pumasok sa loob at sinalpak ang headphone ko. Napatingin ako sa katapat naming bahay. Kung saan ang bahay nila kit. Nakapatay ang mga ilaw at segurado ako tulog pa ang mga tao don. Huminga ako ng malalim at sinandal ang ulo ko sa upuan.

Nakita ko naman na pumasok na driver seat si uncle. Bahagya pa siyang napasilip sa akin. Bago niya istart ang makina at umalis na. Sa kahulihulihan napatingin pa ako sa bahay namin bago ituon ang paningin sa unahan.

Goodbye.. I promise kapag natapos na lahat ng to... Babalik ako.

Zero POV

Nagising ako dahil sa katok sa pinto ko. Pinagbuksan ko naman yun at nakita ko si maxine na nakangiti sa akin.

"Morning kuya.. Magayos kana nako! Hala segi ka baka malate ka ...magagalit sayo si ate maica"- pagbabanta sa akin ng magaling kong kapatid.

"Tsk! Alis magaayos na ako"- pagtataboy ko sa kanya. At isasara ko na sana ang pinto ng mahagip ng mata ko si dad na nakatingin sa amin. Tsk.

Sinara ko na ang pinto at pumasok na sa banyo. Naligo na ako at pagkatapos nag ayos na. Pagkababa ko nasa dining na silang lahat. Hindi ko binata o maski tinapunan ng tingin sila mom at dad. Simula ng malaman ko ang totoo hindi ko na magawang respetuhin silang dalawa. Para ano pa.. Tsk.

Dali dali akong kumain

"Hahahaha.. Kuya hinay hinay naman... Makikita mo naman si ate maica"- natatawang sabi ni Maxine.

"Ok na yun.. Kaysa dito sa bahay makikita ko lang ang mga tao dito"- sabi ko. Bahagya pa silang napatigil sa kinakain nila. Uminom ako ng tubig at nagpunas ng bibig. "Alis na ako... Maxine bilisan mo sabay na tayo pumasok"- sabi ko bago ko sila iwan sa mesa. Lumabas na ako sa bahay at pumunta sa kotse ko.
Hindi naman nagtagal nakita ko si maxine na tumatakbo papalapit sa akin.

"Pasok"- utos ko. Sinunod niya naman at sumakay na ako. Pinagbuksan kami ni manong ng gate at pinaandar ko na ang kotse ko at umalis na.

"Anong sinasabi mo kanina kuya?.. Nagaaway ba kayo nila mom at dad? "- biglang tanong ni maxine.

"Maxine pls! Wag natin silang pagusapan ok? "- inis na sabi ko sa kanya

"Kuya naman kasi"

"Maxine I said stop it"- sabi ko. This time ramdam ko nang nagagalit na ako.

Tumahimik naman siya At hagang sa pagkarating namin sa parking lot walang may gustong magsalita sa amin. Nagtatampo pa ata siya.

"I'm sorry"- biglang usal ko bago siya makalabas sa kotse. Tinapunan niya lang ako ng tingin at lumabas na. Napabuntong hininga ako dahil don. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si maica

Nagtaka ako ng nakapatay ang phone niya. Tinawagan ko pa siya pero nakapatay talaga. Lumabas nalang ako at tumuloy na sa building namin. Dumeretso ako sa room at pumasok. Nagtaka ako ng mapatingin sa akin ang lahat.

"Hindi mo kasama si maica? "- tanong ni ashton

"Hindi.. Sasabay daw siya sa uncle niya papasok"-sabi ko. Napatango naman siya sa akin at bumalik na sa upuan.

Umupo naman ako sa upuan ko. Bakit ganito.. Bakit parang may hindi magandang mangyayari.

Cringgggggg cringgg

Nagbell na hudyat na class hour na. Pero wala parin sila maica. Kahit si rid wala pa rin. Hindi ko alam sa sarili ko pero kinakabahan ako. Can down zero baka nalate lang sila. Yah late lang ang mga yun.

Biglang bumukas ang pinto and this time nagtaka na talaga ako dahil hindi si sir creg ang pumasok kundi si tito Blake.

Nagkatinginan kami nila ashton. Pati sila nagtataka din.

"Ok class.. From now on I will be your class adviser"- kumunot ang noo ko.

"Sir Blake... Si sir creg po nasan? "- tanong ng isa kong kaklase

"O! Nag resign na si sir creg and sabay ding may dropout sila Mr. Tan and Ms. Selvirino.. Nakakapagtaka nga"- Sabi ni tito.

Parang hindi kayang I proseso ng utak ko ang nalaman ko. Pero bakit sila nag drop out. Kagabi ok naman siya. Wala naman akong alam na rason kung bakit nagdrop out siya.

"Zero"- dinig kong tawag pa sa akin ni trina. Hindi ko na napigilan at napatakbo na ako palabas papunta sa dean's office. Kailangan kong malaman kong anong rason niya.

Maica..

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretWhere stories live. Discover now