CHAPTER 41

3.8K 86 0
                                    


Jamaica POV

" open your eyes"- dinig kong bulong sa akin ni zero. Sinunod ko naman ang sinabi niya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko

"Wow"- nasabi ko nalang habang tinitignan ang ibaba.

"See"- sabi niya sa akin.
Nginitian ko naman siya. Tinignan ko sila Ashton at katulad ko na amaze din siya sa nakita niya.

Pagkababa namin mabuti nalang at Hindi kami sumuka ni Ashton.

"What's next? "- tanong ko.

"I want to eat"- nakangusong sabi ni Karen. "Hmm.. Kain na muna tayo"- sabi din ni zero

Napatango nalang kami ni ashton at humanap na kami ng makakainan dito.

-------------------------------------------------------------

Dahil wala silang ganang kumain sa mamahaling kainan. Ang bagsak namin ay dito sa

IHAWAN NI MANG PEPENG

"kumakain ba kayo nito? "- tanong ko sa kanila. Hindi pa kami pumapasok sa loob at nakatingin lang kami sa ihawan dito sa labas

"Smile* oo naman ate maica ano akala mo sa amin kahit mayamam kami hindi na kami kumakain nito? "- tanong sa akin ni Karen.

Ngayon napatunayan ko nang iba talaga sila sa ibang mga mamayanan na napapanood ko sa mga balabas sa tv. Na maaarti at mapali.

"Let's go. Nagugutom na ako"- sabi ni Ashton at nauna nang pumasok. Sumunod nalang kami. Pagkapasok mo palang makikita mo na ang daming tao ang kumakain dito.

"Kayo pala mga ijo at ija mukhang kulang kayo ngayon ah"- biglang kausap sa amin ng isang matandang lalaki

"Hehehe... Mang pepeng naman. May ginagawa ang mga you "- sabi ni karen

"Ganon ba... Segi upo muna kayo at sabihan niyo lang ako kung ano ang order niyo"- paalam sa amin ni mang pepeng.

Umupo na kami sa bakanteng upuan na nasa gitna. Kita ko din na napapatingin sa amin ang ibang kumakain dito.

"Dating gawi ba? "- biglang tanong ni zero. Tumango naman sa kanya si Karen. Huh? Anong dating gawi. Nakita ko naman na tunayo si zero at nilapitan si mang pepeng may sinabi siya rito at tumango naman sa kanya ang matanda. Pagkatapos niyang makipagusap bumalik na din siya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Anong dating gawi? "- I ask them. Tinignan nila akong tatlo

"Malalaman mo din "- nakangiting sabi sa akin ni Zero.

Nabigla nalang ako ng bigla nalang may mga pinggan na nilagay ang dalawang babae sa lamesa namin at lahat yun ang dami. Parang lahat ata ng nakita kong nakadisply sa labas inorder nila.

"Salamat milli and lily"- sabi ni Karen sa dalawang babae. Ngumiti ang mga ito"walang anoman yun mam Karen, suki na kayo dito e"- sabi ng milli yata

Napatawa naman si karen sa Manila at nagpaalam na silang dalawa na babalik na.

"Sino ang mga yun? "- tanong ko kay karen

"Mga anak sila ni mang pepeng.. Tara kain na! "- sabi ni karen at kumuha ng BBQ. Mukhang yan lang ata ang alam kong niluluto dito.

Tinignan ko sila Ashton at zero sarap na sarap silang kumain ng parang uod. Yuck!

"Ate maica.. Just try to eat one "- sabi sa akin ni karen at may inabot siyang mga bilog na maliliit na nakatuhog sa stick.
"Ano to? "- ngiwing tanong ko sa kanila pagkakuha ko non.

"Prrfftt... Bola bola. Masarap yan"- sabi ni ashton. Wala na akong nagawa pa at pikit matang kinain ang sinabi niyang bola bola.

Ng maramdaman ko ang bola bola sa loob ng bibig ko. Hindi ko Alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na may hawak na isa pang stick nito.

"Wahhh ang sarap "- sabi ko

"Prrfftt... Hinay hinay naman ate maica di ka naman mauubusan niyan... Pwede ka pa namang mag order kay mang pepeng"- sabi ni karen. Tinignan ko naman siya kung nagsasabi siya ng totoo. Tumango naman siya.

"MANG PEPENG SAMPUNG ORDER NGA PO NG BOLA BOLA"- sigaw ko. Naagaw ko pa ang lahat ng atensyon ng mga kumakain din. Pero wa kong pake sa kanila.

"Ito na ining "- sabi ni mang pepeng. Nginitian ko naman siya"thank you po"- sabi ko at kumain ulit

------------------------------------------------------------

Karen POV

Nakatingin lang kami kay ate maica habang parang batang kumakain ng bola bola. Ang cute niya habang kumakain.

"Kahit ganyan siya kumakain maganda parin siya "- biglang sabi ni kuya.

"Yeah.. She's beautiful as ever"- dugtong ni Ashton. Ang kaninang malapad kong ngiti naging pakla na.

Pagkatapos naming kumain doon naisipan na naming umuwi. Napagusapan namin na ihahatid muna namin si ate maica. Kaya ngayon nandito kami sa harap ng bahay nila.

"Bye.. Thanks ulit.. I enjoy this day"- sabi ni ate at pumasok na sa loob. Sumakay na ulit kami sa sasakyan ni Ashton at ngayon papunta na kami sa bahay

Nandon sila ni kuya sa unahan habang ako nandito sa likod. Napatingin ako sa labas ng bintana.

"Wait! "- sigaw ko kay Ashton kaya tinigil niya ang sasakyan.

Tinignan nila ako na nagtataka.

"What's the problem? "- kuya ask.

"Black assassin"- sabi ko sa kanila na may pagalala.

Narinig ko pang nagmura silang dalawa.

"Shit how did they enter the village? "- inis na sabi ni ashton

"Ashton they're black assassin. Madali lang sakanila yun. "- inis na sabi ko

Black assassin. Isa sa mga kalaban namin. Nabuo ang organization nila ng simula ng mabuo din ang grupo namin. Nagtaka nga kami dahil sumabay talaga sila sa amin. At isa lang ang segurado namin kung bakit sila nabuo. They want us dead. Hindi namin alam kung bakit. Sinabi namin ito kila tita Julie pero wala silang sagot sa amin. But I know may Alam sila tungkol sa black assassin.

"Shit we need to get out of here! "- sigaw ni ashton at pinaandar na ulit ang sasakyan ngunit hindi pa kami nakakaalis bigla nalang nabasag ang bintana ng sasakyan. Napayuko naman ako.

"Karen! "- sigaw ni kuya.

Hinawakan ko ang kamay na pinansuntok ng black assassin sa bintana at pinilipit ito. Alam kong nasaktan siya behind those mask.

Pinakawalan ko ang kamay niya at napilitan na kaming tatlo na lumabas. Pagkalabas ko palang inambahan na kaagad ako ng tadyak ng isang assassin. I know siya ang kanina kong pinilipit.

Umilag kaagad ako at hinawakan ang paa niya. Hinila ko ito at napasama siya. Tinapon ko siya sa gilid ko. Bumunot ako ng isang kunai at tinapon sa kanya. Natamaan naman siya sa noo. Kaya malamang patay na siya.

Nilibot ko ang paningin ko at fuck ang dami Nila. Inabangan talaga nila kami kung ngayong tatlo lang kami sa grupo

Asar

------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretWhere stories live. Discover now