Ch.10 P.1

9K 140 30
                                    

PUNUNG-PUNO ang studio kung saan ginaganap ang live telecast ng pinakasikat na musical variety show sa bansa.  Isa sina Niko at Trishia sa napakadaming tao na nasa audience area.  Nando'n sila sa unahan nakaupo.  Kanina pa napapansin ni Niko na hindi mapakali sa sobrang excitement ang pamangkin.  Kahapon pa ito walang tigil sa kakasabi sa kanya kung gaano ito ka-excite na mapanood sa studio ng live ang naturang musical variety show.

Naging posible ang pagpunta nila dito dahil kay Atasha.  Mag-gu-guest kasi ito ngayong araw kaya inimbitahan sila nito na manood doon.  Dahil sa dalaga ay hindi na sila pinagbayad ng entrance fee, nabigyan din sila ng magandang puwesto sa unahan.  Sabi ni Atasha sa kanya, ito daw ang mag-o-open ng show.  Hindi na siya makapaghintay na marinig itong muling kumanta ng live.  The first time he heard her sing live was during their town fiesta and he had shivers all over after her performance.

Ang tanging hiling lang niya pagkatapos ng show na 'to ay makapag-usap silang muli.  Pagkatapos kasi nung naging pag-uusap nila sa penthouse nito tatlong araw na ang nakakaraan, hindi na sila muling nakapag-usap pa.  Oo, hiniling nito na maghintay siya.  Pero hindi naman siguro ibig-sabihin no'n na hindi na sila dapat mag-usap.  He missed talking to her.  Sa mga nakalipas na linggo ay parang naging parte na ng araw-araw na buhay niya ang marinig ang tinig nito.  But every time he was tempted to call her, maiisip niya agad na kailangan ng dalaga ng oras para makapag-isip without him bothering her.

Ayaw man niya, he can't help but to feel hurt nang malaman niya ang tungkol sa naging relasyon nito kay Trey.  Alam naman niya sa simula pa lang na meron itong ibang minamahal.  Pero hindi pa rin pala siya handa na makaharap ang lalaking 'yon.  To be honest, malapit na siyang mawalan ng pag-asa na siya ang pipiliin ni Atasha.  Ano nga bang panama niya sa lalaking naging malaking parte ng buhay nito?  He was there during the time when she needed someone to lean on.  Binago nito ang buhay ng dalaga.  Anong maipanlalaban niya do'n?  The only weapon he has was his unwavering love for her.

Yes, he loved her.  Hindi niya alam kung kailan nagsimula, maybe during the time their eyes first met or when she first smiled at him.  Pero hindi naman na mahalaga pa 'yon.  Ang mahalaga ay ang kasiguraduhan niya sa kanyang nararamdaman.  Mas napagtibay pa 'yon after that moment they made love.  He didn't expect that loving someone could be like that.  'Yon bang tipong nalulunod ka na sa sarili mong damdamin and the only way you could prevent yourself from drowning was to be one with that special person.  It's like she was his missing piece.  A piece that will fill him completely.

Narinig niya ang pagsasalita ng stage director, signalling the audience that the show was about to start.  Maya-maya pa ay pumaimbabaw ang isang voice over, welcoming them to the show.  Then namatay ang lahat ng ilaw.  At nang muling bumukas 'yon ay nasa gitna na si Atasha.

"Ate Asha looked so pretty," buong paghangang wika ni Trishia.

And he couldn't agree more.  Nakasuot ito ng kulay itim na goth-dress that barely reached her knees.  May mga kulay asul na highlights ang mahaba't itim na itim nitong buhok.  She looked like a very beautiful goth doll.  Pero para sa kanya, pinakamaganda pa rin ito ng walang make-up.

Lumapit si Atasha sa mic stand at nagsimula nang tumugtog ang banda sa likudan nito.  Hindi siya pamilyar sa melody ng kanta na tinutugtog ng mga ito, but than no longer mattered as soon as Atasha sang.

"I'm not a perfect person.  There's many things I wish I didn't do.  But I continue learning, I never meant to do those things to you.  And so I have to say before I go, that I just want you to know..."

He was instantly captivated.  By her voice, by the music, by the lyrics of the song.  She was singing it with so much heart na talagang madadala ang sinuman sa emosyon na ipinaparamdam ng kanta.  At hindi nito inaalis ang mga mata sa kanya habang inaawit nito 'yon.

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon