Ch.5 P.1

5.2K 122 1
                                    

KANINA pa nakatitig lang sa kisame ng kwarto niya si Atasha.  She was finally given a three week vacation, pero nandito siya ngayon, nakahilata lang sa kama.  Bago pa niya hingin ang bakasyon na 'to sa manager niya, nakaplano na kung saan siya pupunta.  She was supposed to go to Montreal Flower Farm.  Pero pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Trey, parang hindi na niya kayang harapin pa si Niko.  Maski nga ang pagsagot sa mga tawag nito ay hindi na niya magawa.  Because everytime she thought about him, she can't help but be filled with overwhelming guilt.

What Trey told her two days ago really hit her hard.  Napakamakasarili niya.  She was willing to use a very kind man para lang kahit paano ay mabawasan ang sakit at kalungkutan na nadarama niya.  She was doing the exact same thing Treyton did to her.  Using another person to forget another.  Niko doesn't deserve this, napakabait nito.  From day one he had been nothing but kind to her, and she chose to exploit that kindness.

Kailangang tapusin na niya ang kahit na ano pa mang komunikasyon dito.  Habang maaga pa, habang wala pang nasasaktan sa kanilang dalawa.  Pero sa tuwing maiisip niya na hindi na niya muli pang makikita si Niko, agad siyang nababalot ng matinding kalungkutan.  Na para bang isang parte niya ang mawawala kung hahayaan niyang lumayo ang binata.  She knew that it was unfair of her to feel that way.  Ni wala nga siyang karapatan na makaramdam ng gano'n.  But she can't still help but to think of Niko as her sanctuary.  Her very own safe haven.

Naputol ang pag-iisip niya dahil sa sunud-sunod na pagtunog ng intercom niya na naka-konekta sa reception desk sa ibaba.  Naisip niya nung umpisa na 'wag na lang 'yong pansinin, pero nang hindi pa rin 'yon tumigil sa pagtunog ay wala na siyang nagawa kundi bumangon.  Lumabas siya ng kwarto at dumiretso malapit sa may pintuan kung saan nando'n ang intercom.

Pinindot niya 'yon.  "What?"

"Miss Asha, meron pong lalaking naghahanap sa into dito sa baba.  Nikolo Montreal daw po ang pangalan niya."

Bigla ang pagdoble ng tibok ng puso niya nang marinig niya pangalan ng binata.  "L-let him in." 

Parang lalabas na ang puso niya sa katawan habang hinihintay ang pag-akyat ni Niko.  Maya-maya pa ay tumunog na ang doorbell.  Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto.  At parang gusto na naman niyang maiyak nang mapagbuksan si Niko.  With his unruly hair and shy smile, he looked like a teenage boy standing there in front of her.

"Niko," tanging nawika niya.

"Hi, I didn't mean to come unannounce.  Pero hindi mo kasi sinasagot yung mga tawag ko and you said that you would go to the farm but you didn't, hindi ko mapigilang mag-alala kaya pumunta ako dito to check up on you."  Then a smile of relief crossed his lips.   "Thank God you're okay.  Akala ko talaga may nangyari nang masama sa 'yo."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi para mapigilan ang sarili sa pag-iyak.  Sa nakalipas na dalawang araw, nag-aalala siya kung paano ito itutulak palayo, samantalang ito ay nag-aalala sa kalagayan niya.  He cared for her.  All the more reason why she should push him away.  Pero paano niya gagawin 'yon, when after seeing him all her worries just seemed to vanish.

"Atasha, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.

Hindi siya sumagot at sa halip ay niyakap niya ito, burying her head on his wide chest.  "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Niko."

Pansamantala lang itong natigilan dahil sa ginawa niya, pero agad din naman itong nakahuma.  Unti-unti ay naramdaman niya ang pag-ganti nito ng yakap sa kanya, engulfing her completely.  "I know what we should do.  Pupunta tayo ngayon sa farm and let you have that long-needed vacation."  Bahagya siya nitong inilayo and smiled down at her.  "Ano sa tingin mo?"

She should say 'no', she should end this now.  But being the selfish bitch that she was, mas pinili niyang gumanti ng ngiti dito at nagwika, "I'd love that."

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon