Ch.2 P.2

6.2K 133 1
                                    

HINDI malaman ni Atasha kung anong klaseng masamang espiritu ang sumanib sa kanya at nagawa niyang sabihin ang mga bagay na 'yon sa lalaking kaharap.  Do you believe in love at first sight?  Seriously Atasha?  Nababaliw ka na ba?, lihim na lang niyang pagkastigo sa sarili.  No wonder the guy looked spooked, natakot marahil ito sa kanya.  Baka nga iniisip na nito ngayon na wala siya sa tamang katinuan.

Who could blame him?  One moment she was crying like a lost kid then the next she was laughing and out of nowhere bigla na lang niya itong tinanong kung naniniwala ito sa love at first sight.  Kahit siya ay iisipin niya na nababaliw na siya.  Dahil ng mga sandaling 'yon, she really thought that he's the saviour sent to her by heaven.

Balak na sana niyang sabihin dito na nagbibiro lang siya nang bigla na lang pumaimbabaw sa paligid ang isang matinis na tili.  Nakita niya ang pagtakbo sa kanya ng isang batang babae.  Bago pa siya makapag-react ay bigla na lang siya nitong sinugod ng yakap.  Nagsimula nang magsalita ang batang babae at base na rin sa ekspresyon ng mukha nito, malaki ang posibilidad na fan niya ito.

"I'm really a big fan of yours, Asha," pagkumpirma ng bata sa hinala niya.  "Hindi ako makapaniwala na nandito ka talaga.  I can't wait na ikwento 'to sa mga kaibigan ko."

Marahang inilayo naman sa kanya ng lalaki ang bata at nagwika, "Pasensiya ka na sa pamangkin ko, she's just really excited."

Nag-angat siya ng mukha at noon lang niya muling tiningnan ang lalaki.  He looked very boyish.  Hindi ito yung masasabi mong napakagwapo sa unang tingin.  Maaari ngang sabihin na mapupunta lang ito sa kategorya ng 'may itsura'.  But he has this certain openness in him.  Na para bang napakadali lang na sabihin dito ang lahat ng problema mo and that he will listen to you and somehow make it easier.  Hindi nga ba't kanina lang ay nagawa na nitong pagaanin ang loob niya.  There must be really something special about him.

Hinawakan ng bata ang kamay niya na nakapagpabalik dito ng atensiyon niya.  "Alam mo ba I have all your albums, lahat ng kanta mo gustung-gusto ko.  You're my favorite singer kasi hindi lang maganda ang boses mo, you're also very pretty," sunud-sunod na wika nito.  Then bigla itong huminto na para bang meron itong naalala.  "Ako nga pala si Trishia."

Tuluyan na siyang napangiti, nakakaaliw naman kasi talaga ang bata.  Tumalungko siya para magpantay ang mata nila ni Trishia.  "It's very nice to meet you, Trishia."

Lumawak naman ang pagkakangiti nito.  "You should come with us!" biglang wika nito.  "Malapit na yung farm namin dito.  Para mapapirmahan ko sa 'yo yung lahat ng CDs mo then I can show you my room--"

"Trishia, I'm sure Miss Abueva is very busy para sumama sa atin," putol ng lalaki sa kung ano pa mang sasabihin ni Trishia.

"But Tito Niko--"

Napatingin siya ulit sa lalaki.  So Niko pala ang pangalan niya.

"Trishia, 'wag kang makulit." 

Bigla namang yumapos sa kanya ang bata.  "No!"  Tumingala ito sa kanya, parang anumang oras ay iiyak na ito.  "Please, Asha, come with us."

"Trishia, you're being really difficult right now."  Akma na sanang hihigitin ni Niko ai Trishia palayo sa kanya pero mas lalo lang hinigpitan ng bata ang pagkakayakap sa kanya.

Tiningnan niya ang bata, mariing nakapikit ang mukha nito habang nakayakap sa kanya.  Wari bang pinagdadasal nito sa sumama siya sa mga ito.  How could she refuse this child?  Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo nito and ruffled her hair.  "Okay, I'll come with you."

Agad naman itong nagmulat ng mga mata at halos kumislap na ang mga 'yon dahil sa labis na kasiyahan.  "Yey!" nagtatatalong wika nito bago siya muling niyakap.  "Thank you, Asha!"

"Are you sure about this?" tanong ni Niko. 

"Tito, Asha already said yes."  Bumaling ito sa kanya.  "Asha, I'll ride with you para maituro ko sa 'yo yung daan papunta sa farm namin.  Or we can just follow Tito Niko, right Tito?"

Bago pa sila makasagot dalawa ay agad nang tumakbo si Trishia papunta sa kotse niya at sumakay sa may passenger's seat.  Makailang sandali ay narinig niya ang marahas na pagbuntung-hininga ni Niko.

"I'm really sorry about this.  Napakakulit lang talaga ng batang 'yon.  And just like she said, she's your biggest fan."

Napangiti naman siya.  "It's okay, I don't mind." 

Isa pa, wala na din naman siyang iba pang gagawin.  Wala na siya sa mood para ituloy pa ang shooting ng music video niya.  Sa katunayan nga, nagpapasalamat siya that she got to meet these two.  Palihim niyang sinulyapan ang binatang katabi.  Especially him.  Hindi rin niya maipaliwanag.  Ni wala nga siyang alam tungkol sa binata, and yet she was already fond of him.  Siguro kasi sa gitna ng kalungkutan na nadarama niya, he gave her a little bit of happiness.

"Ah, ako nga pala si Nikolo Montreal, pamangkin ko yung makulit na batang nasa loob ng kotse mo ngayon.  Ang again, pasensiya na sa matinding pang-aabalang 'to, Miss Abueva."

"Atasha," pagtatama niya sa sinabi nito.  "Please call me Atasha."  Halata namang nagtaka ito sa pangalang binanggit niya.  Hindi naman niya kasi ginagamit ang tunay niyang pangalan, to everyone she was Asha.  "It's my real name."  And I want to hear you say it.

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon