Ch.5 P.2

5.6K 111 3
                                    

INILIBOT ni Atasha ang paningin sa loob ng kwarto na pinagdalhan sa kanya ni Niko.  It has a queen sized four poster bed with a flower pattern bed sheet.  Kumpleto rin 'yon sa mga kagamitan like a cabinet and a bed side table.  Pero ang pinakanagustuhan niya ay ang verandah which was overlooking the whole flower field.  Nilanghap niya ang sariwang hangin and she immediately smelled the scent of flowers. 

Nilingon niya si Niko na kasalukuyang pinapatong ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama.  "This is a very wonderful room, Niko.  Thank you."

"Mabuti naman at nagustuhan mo.  Tiyak na matutuwa si Trishia, siya kasi ang nag-ayos ng kwartong 'to."

"Then I will tell her that I like it very much.  Nasaan nga pala siya?"

"Nasa school pa.  Baka mamaya pa ang dating no'n.  Tiyak na magwawala na naman 'yon sa sobrang saya kapag nakita ka."

"At mas lalo pa siyang matutuwa kapag naibigay ko na sa kanya yung sorpresa ko," aniya na ang tinutukoy ay ang bago niyang album na sa susunod na buwan pa lalabas sa market.  Lumapit siya sa binata at hinawakan ang kamay nito.  "Thank you, Niko.  Thank you for coming to get me and bringing me here."

Kung hindi siguro ito pumunta sa penthouse niya ay baka nagmumukmok pa rin siya sa kwarto niya.  Thinking of ways on how to push him away.

Umiling ito.  "Ako nga dapat ang magpasalamat dahil sa dinami-dami ng lugar na pwede mong pagbakasyunan, you chose this place.  Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya dahil do'n."

Para namang lomobo ang puso niya dahil sa sinabi nito.  Nobody ever told her that she made them happy just by simply being with them, pero walang kaabog-abog na sinabi 'yon sa kanya ni Niko.  She made him happy and at that moment, it was all that mattered to her.

Pinagsalikop nito ang mga palad nila, entwining their fingers together.  "Come, let me show you the greenhouse.  I didn't have the time to show it to you the last time.  Tiyak na matutuwa ka kapag nakita mo yung mga bulaklak na inaalagaan namin doon."

At magkahawak-kamay silang lumabas ng bahay. 

Habang naglalakad sila ay hindi niya mapigilang mapansin how big his hands were.  It was rough and callused, isang palatandaan na batak sa trabaho ang binata.  So unlike Trey's soft hands.  But to her surprise, she liked the feel of Niko's hands more.  Because it was full of warmth, just like everything else about Niko.

Nakarating sila sa flower field at noon lang niya napansin ang ilang mga taong nando'n, collecting flowers.  Agad na napahinto ang mga ito sa ginagawa pagkakita sa kanila.  Binati ng mga ito si Niko habang binibigyan siya ng kahina-hinalang tingin.  Mukhang hindi pa yata mahilig ang mga ito sa mga manganganta dahil sa tinging binibigay ng mga ito sa kanya.  O baka iniisip ng mga ito na sasaktan lang niya si Niko.  And they might be just right about that.  Pero agad din niya 'yong pinalis sa isipan, walang magandang maidudulot ang pag-iisip ng gano'n.

"'Wag kang mag-alala, nasabihan ko na sila na 'wag sabihin sa kahit na sino na nandito ka.  So you don't have to worry about reporters barging in here," wika nito na napansin yata ang pagtitig niya sa mga tauhan nito.

Bahagya naman siyang nagulat sa sinabi nito, ni hindi man lang niya naisip ang tungkol sa bagay na 'yon.  Pero naisip 'yon ni Niko, napangiti siya, he really cared about her well-being.  Lumampas na sila sa flower field at nagpatuloy na naglakad hanggang makarating sila sa greenhouse. 

Pagkapasok niya sa loob ay talagang labis siyang namangha sa nakita.  Kung maganda na ang flower field, then the inside of the greenhouse was a different matter altogether.  Para siyang nakarating sa isang isla na punung-puno ng mga exotic flowers.  Napakadaming bulaklak doon na hindi man lang niya alam kung ano ang tawag.  But she didn't really care what they were called, because all of them were beautiful.

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon