Ch.4 P.1

5.7K 133 3
                                    

"CUT!" malakas na sigaw ng direktor.

Pagkarinig niya no'n ay agad na lumayo si Atasha mula sa aktor na si Andres Refrea.  Ito ang featured actor sa music video niya.  Kanina pa siya naiinis sa binata.  Wala na kasi itong ginawa kundi makipag-flirt sa kanya, which really infuriated her.  Kaya nga ba ayaw niya na ito ang kunin para makasama niya sa music video eh, alam kasi niya na hindi ito titigil sa kakalandi sa kanya.  Pero wala naman siyang magawa dahil ang music label mismo na may hawak sa kanya ang nagdesisyon na gamitin si Andres.  Because aside from being a big flirt, isa rin ang binata sa pinakasikat na aktor sa bansa.  And his presence in her misic video will help in promoting her new album.

Nando'n sila ngayon sa studio ng isa sa pinakamalaking tv station sa bansa.  They were shooting some indoor scene for her music video, ilang eksena na lang at matatapos na sila.  Then she will be finally be rid of this guy's presence.

"Hey Asha, kailan ka ba papayag na lumabas kasama ako?" tanong ni Andres na sinundan siya patungo sa dressing room niya.  "Ang tagal-tagal na kitang niyaya pero hindi mo pa rin ako pinagbibigyan."

Nilingon naman niya ito.  "Siguro kasi wala akong balak lumabas kasama ka.  And besides, it's not as if you're lacking for female company."  Hindi naman kasi kaila sa kanya na halos linggo-linggo ito kung magpalit ng babae.  "So just spare me, will you?"

"True enough.  But I always wonder how it would be like to date a girl like you.  Kaya bakit hindi mo na lang ako pagbigyan para matapos na ang curiousity ko?" then he flashed her a charming smile.

Kung ibang babae siguro ang nasa katayuan niya ngayon, baka kanina pa 'yon nagkandarapa na pumayag sa gusto ni Andres.  Kahit naman kasi gaano pa kalandi ng lalaki, he was still undoubtedly very handsome.  But unfortunately, his charm doesn't work on her.  Thank God for small reprieve. 

"Then I guess you just have to keep on wondering," at pumasok na siya sa loob ng dressing room niya, closing the door behind her.

Kakaupo pa lang niya sa isa sa mga couch na nando'n nang pumasok ang PA niya.

"Rina, ano pang naka-schedule na gagawin ko ngayong araw after this shooting?" tanong niya sa PA.

"Meron kayong guesting sa isang musical variety show, then libre na kayo for the rest of the day," sagot nito. 

May itatanong pa sana siya dito nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya.  Awtomatiko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang pangalan na nakalagay sa caller i.d.  Dagli niya 'yong sinagot.  "Hi Niko!" masigla niyang bati sa binatang nasa kabilang linya.

"Hi, ahm, natanggap mo ba yung pinadala kong bulaklak?"

Mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa narinig.  "Nope.  I'm still at the studio, tiyak na mamaya pag-uwi ko pa makikita ang maganda mong bulaklak."  Sa building address kasi ng penthouse niya naka-address ang mga bulaklak na pinapadala nito.  Since two weeks ago, simula nung nagkakilala sila, not a day went by nang wala itong pinapadalang bulaklak sa kanya.

Hindi na tuloy niya napigilang alalahanin ang naging pag-uusap nila habang napapaligiran ng napakadaming magagandang bulaklak. 

"Then do you want to be my boyfriend?" tanong niya while still cupping his face.

Hindi niya alam na posible, pero mas lalo pa yata itong namula dahil sa tanong niya.  Halatang hindi nito alam kung ano ang isasagot sa kanya.  Then, sa wakas ay tumingin rin ito sa kanya.  "Pwede bang ligawan muna kita?"

A hearty laugh escaped her throat at bago pa niya napigilan ang sarili ay nayakap na niya ang binata.  Hindi siya makapaniwala na magagawa pa niyang tumawa, not after having her heart broken.  But here she was, laughing her heart out.  Ang lahat ng samu't-saring negatibong emosyon na nadarama niya kanina was slowly subsiding.  Alam naman niya na hindi 'yon agad-agad mawawala.  But at least she doesn't feel like crying anymore.  At 'yon ay dahil lang sa binatang yakap-yakap niya ngayon. 

"Hindi na kailangan.  I would gladly say yes to you right now."  And she will.  Dahil ng mga sandaling 'yon, she knew that the only person who could save her from this unwanted heartache was Niko.

Marahan itong kumawala sa pagkakayakap niya.  "But I do want to court you.  I want you to get to know me better.  And I want to know more about you.  If this thing between us can lead into something special, then I want us to have a solid foundation.  Alam ko na walang sense itong mga sinasabi ko, heck, I don't even know what I'm saying or doing right now.  Ang tanging alam ko lang ay ayokong magtapos lang dito ang lahat.  I don't want to be someone you just met on passing.  I want to be more than that."

Tinitigan niya ang kulay tsokolate nitong mga mata, eyes that spoke volumes of emotions.  Nakikita niya kung gaano ito kaseryoso sa mga sinabi.  It was probably the sweetest thing that anyone could ever said to her.  At lahat ng 'yon, mula sa isang lalaki who was practically a stranger to her.  But somehow, she couldn't help but feel that that fact doesn't matter.  Well, it probably never really did.

Nag-aalangang tumingin ito sa kanya, his hands starting to fidget.  "Would you let me?"

After all that talk, he was still embarassed and unsure.  Ginagap niya ang palad nito.  "Yes, I think I would."

Simula noon ay wala na itong palya sa pagpapadala ng bulaklak sa kanya.  Araw-araw ay tinatawagan siya nito and they would just talk about anything and everything under the sun.  Minsan ay nakakausap din niya si Trishia, na kagaya nung unang beses ay napakadaldal pa rin.  In a short span of time, napakadami na niyang nalaman patungkol sa binata.  Nalaman niya na matagal nang wala ang mga magulang nito at ito at si Trishia na lamang ang tanging magkasama sa buhay. 

Minsan hindi niya mapigilang matakot kapag nagiging masyado ng personal ang pag-uusap nila.  Because he had been so open and honest with her, she's afraid that she can never be the same with him.  Napakadaming bagay ang hindi niya kayang sabihin dito.  She can never tell him that she was an addict in the past.  Baka kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya kapag nalaman nito 'yon.  Ni hindi nga niya sigurado kung kaya niyang sabihin dito ang tungkol sa naging relasyon nila ni Treyton.

"Atasha?" tawag pansin ng boses ni Niko sa kabilang linya.

Agad niyang pinalis ang iniisip at itinuon ang buong atensiyon sa pakikipag-usap sa binata.  "You know, hindi mo naman ako kailangang padalhan ng mga bulaklak araw-araw.  Malapit nang magmukhang flower shop yung penthouse ko eh," pagbibiro niya.

"I'm so sorry, I didn't mean for it to bother you," parang nakosensiya namang wika nito.

"Hey, Niko, nagbibiro lang ako.  You know how much I adore your flowers,"  agad niyang wika.  "Iniisip ko lang na baka sobrang naaabala ka na, sending me flowers everyday."

"No, kahit kailan hindi ka magiging abala sa 'kin.  Ang pagbibigay ko sa 'yo ng bulaklak ang tanging paraan na alam ko para maipakita ko sa 'yo how much I appreciate you."  What he said gave her stomach a tiny flutter.  Pero agad din itong natahimik pagkasabi nito no'n, as if he finally realized what he said.  "I-I'm sorry.  I don't really know what I'm saying."

Napangiti naman siya.  Sometimes he can really say the sweetest thing without even realizing it.  Tiyak niya na namumula na ito ngayon sa kabilang linya.  Ito pa lang yata ang lalaki na nakilala niya na napakabilis mamula.  A twenty-eight year old blushing man.  Kung sa iba sigurong babae ay nakaka-turn-off ang gano'n, but for her, she found it refreshing and adorable.  Dahil ibig-sabihin no'n, Niko was not the type of person who would manipulate anyone.  Napakalayo ng ugali nito kay Trey.  They were like two opposite poles.

"Then, I'm happy to know that you appreciate me," nakangiti niyang wika, trying to get any thoughts of Trey out of her head.  "Iniisip ko nga pala na magbakasyon," pagbabago niya sa usapan.  "Pwede ba akong magbakasyon d'yan sa flower farm?"

"Oo naman," mabilis nitong wika.  "Tiyak na matutuwa si Trishia kapag nagbakasyon ka dito."

She chuckled, hindi man lang kasi ito nagdalawang-isip na pumayag.  "Eh ikaw?  Matutuwa ka ba kapag nagbakasyon ako d'yan?"

"I think you already know the answer."

Napatawa naman siya.  "Yes, I already do."

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon