Ch. 4 P.2

5.2K 114 3
                                    

MASAYANG bumaba ng kanyang kotse si Atasha matapos niya 'yong iparada sa parking lot ng building kung saan nando'n ang penthouse niya.  Hindi na siya makapaghintay kung anong klaseng bulaklak ang ipinadala sa kanya ni Niko.  Araw-araw kasi ay iba't-ibang klaseng bulaklak ang ipinapadala nito.  Yesterday she received a bouquet of pink carnations and the day before that she had white lilies.

Pagpasok niya sa loob ng building agad siyang lumapit sa reception desk.  "Hi Milly, I think there's some package delivered for me today," wika niya sa receptioninst.

"Miss Asha, yes, meron nga pong bouquet of flowers na dumating ngayong araw na naka-address para sa inyo.  Kinuha po siya kanina ng manager niyo and he already brought it to your unit."

Nawala naman ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig.  She was fairly certain that it was not her manager.  Dahil unang-una, babae ang manager niya.  And there's only one person brave enough to say that he was her manager just to meet her.  Hindi na siya nag-atubili pa at dagli na siyang dumiretso sa elevator.  When she reached the top floor, agad niyang nakumpirma ang hinala.  Nakatayo si Trey sa tapat ng pinto niya, holding a bouquet of flowers.  Ngayon nagpapasalamat siya na sa penthouse siya nakatira, at least no nosy neighbor would see him here.

Agad siyang lumapit dito.  "What the hell are you doing here, Trey?"

"Binibisita ka, what else?" wika nito with a sloppy grin on his face.

"Nababaliw ka na ba?  What if some paparrazzi saw you coming here?  It will be a huge scandal!"

Sa kabila ng hysteria niya, hindi niya mapigilang magtaka sa ikinilos ng binata.  Trey had never been this sloppy before, he knew how bad it would be if the two of them were caught in a scandal together.  Kaya naman noon, when they still had that kind of relationship, they would meet discreetly at hotels.  Sa loob ng dalawang taon, kahit minsan ay hindi sila nagpalipas ng gabi sa penthouse niya or his house for that matter.  They would never be even seen alone together.  Gano'n sila kaingat.

"Relax, Asha.  We haven't seen each other for awhile, hindi mo man lang ba ako na-miss?  Or perhaps, you're expecting another visitor.  Maybe the one who sent you these flowers?"

Agad niyang hinablot ang pumpon ng bulaklak mula dito.  "Don't change the subject, Treyton."

"What?  Masama na ba ngayon na dalawin ka?"

Sasagot pa sana siya sa sinabi nito when she smelled a hint of alcohol in his breath.  "Lasing ka ba?"

"Nope, I just drank a little," he slurred.

She bit back a curse, mukhang may tama pa yata ito.  Bago pa siya makapag-isip ay hinigit na niya ito papasok sa loob ng penthouse niya.  "Ano ba talagang--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang siyang niyakap ni Trey mula sa likuran.  "She's back, Asha."

Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang tinutukoy nito, the slight trembling of his body was good enough answer.  Only one woman can illicit this kind of reaction from Trey.  Ang babaeng patuloy na nagpapaalala sa binata ng isang kasalanan na habang buhay na yata nitong pagsisisihan.  No wonder he got drunk.  "What happened?"

"She just walked pass in front of me, but I know it's her.  Hinding-hindi ko maipagkakamali ang mukha niya sa kahit na sino."  Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.  "I need you, Asha.  I badly need you, please don't push me away."

At sinimulan na nitong kintalan ng mumunting halik ang leeg niya.  Napapikit siya.  The moment his lips touched her skin, all the nerves in her body went into haywire.  Pero kasabay din no'n ay pumaimbabaw sa kanya ang mabangong amoy ng pumpon ng mga bulaklak na hawak-hawak.  Niko's face immediately filled her mind.  Bago pa niya mapagtanto kung ano ang ginagawa ay agad na siyang kumawala mula sa pagkakayakap ni Treyton.

Humarap siya dito.  Nang susubukan nitong abutin siya ay umatras siya palayo.  Kahit na gaano pa niya kagusto na bawasan ang sakit na nadarama ngayon ni Trey, alam niyang mali kung magpapadala na naman sila sa kagustuhan ng kanilang mga katawan.  This kind of relationship has to stop now.  Dahil wala 'yong magandang maidudulot para sa kanilang dalawa. 

Sa simula pa lang, alam naman niya na hanggang dito lang ang mararating ng relasyon nila.  She was just too foolish to admit that.  Pero ngayon, because of his engagement she finally realized how big of an idiot she was.  Yes, Trey might have given her his body but he will never give her his heart.  Dahil mula noon hanggang ngayon, isang babae lang ang nagmamay-ari no'n.  At hindi siya ang babaeng 'yon.  It was high time that she accepted that fact.  Kailangang tapusin na niya ang katangahan niya.

"We need to stop this," puno ng resolbang wika niya.

Panandalian itong natahimik bago nagdilim ang ekspresyon ng mukha.  "Why?  Dahil may nahanap ka nang kapalit ko?"

"You know damn well this is not about me.  You're getting married for Pete's sake!"

"At sinabi ko na sa 'yo that it's only a marriage of convenience.  I don't love the girl."

"But you don't exactly love me either, and that's the problem.  Pagod na pagod na 'kong umasa na darating din yung panahon na mamahalin mo rin ako.  But I guess that would never happen.  Sawang-sawa na 'kong masaktan.  At ayokong dumating ako do'n sa puntong kamumunghian kita dahil hindi ko na kayang kimkimin pa ang lahat ng sakit, ng galit, ng lungkot."  Hindi na niya napigilan ang pagkabasag ng tinig.  "So please, just let me go Trey.  Let me try to be happy."

His face became a mask of cold indifference.  "Alam natin pareho na hindi 'yon mangyayari, because you love me.  And as long as you do, no one could ever replace me in your heart."  Inabot nito ang ilang hibla ng buhok niya at dumako ang paningin nito sa hawak-hawak niyang mga bulaklak.  "I pity the guy sending you flowers.  Does he know that you're only using him as an escape goat?  Na ginagamit mo lang siya para makumbinsi mo ang sarili mo na kaya mong lumigaya nang wala ako?"

Tinabig niya ang kamay nito.  Nanginginig ang buong katawan niya, hindi dahil sa galit, kundi dahil hindi niya kayang pasinungalingan ang mga sinabi nito.  "Leave."

Hindi na niya kailangang sabihan itong umalis dahil walang lingon-likod na lumabas na ito ng penthouse niya.  Pagkalabas nito ay kusang bumigay ang mga tuhod niya at napaupo siya.  Hindi na rin niya napansin ang pagtulo ng kanyang mga luha.  Pinagmasdan niya ang yakap-yakap na mga bulaklak.  It was a bouquet of Violets.  Just looking at it made her cry even more. 

She really hated herself at that moment.  Dahil kahit na ano pang gawin niya, hindi niya kayang itanggi na tama si Trey.  She was only using Niko.  "I'm so sorry, Niko.  I'm so sorry."

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon