Ch. 9 P.2

4.1K 97 0
                                    

CLOSURE.  'Yon ang kailangan ni Atasha.  Kaya naman nandito siya ngayon sa harapan ng building ng Reagent Recording.  Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Niko, nagdesisyon siya na oras na para mag-usap sila ng masinsinan ni Treyton.  They needed to end things properly.  That's the only way she can close that chapter in her life.  The only way she can finally move on.

At gamit ang lahat ng inipon niyang lakas ng loob, pumasok na siya sa building.

Sumakay siya ng elevator at pinindot ang top floor where Trey's office was located.

"Miss Asha, may appointment po ba kayo?" tanong ng secretary ni Trey nang makarating na siya sa tapat ng opisina ng binata.

"I don't, pero hindi naman ako magtatagal.  I just need to talk to him."  Hindi na niya ito hinintay na makasagot, agad na niyang binuksan ang pinto ng opisina at pumasok sa loob.

Nakasandal si Trey sa swivel chair, may nakapasak na headphones sa mga teynga nito.  Nakapikit ito na wari bang ninanamnam ang kung ano mang pinapakinggan nito.  Hula niya ay recording 'yon ng isa sa mga artist na hawak ng Reagent.  Nagmulat ito ng mga mata na para bang naramdaman ang presensiya niya.  Parang hindi man lang ito nagulat na makita siya do'n.

Pinakatitigan muna siya nito bago nagwika, "Asha, what brings you here?"  Tinanggal nito ang suot na headseat.  "Let me guess, may kinalaman ba 'to do'n sa nangyari sa restaurant?  Hindi mo na kailangang mag-alala pa, that sort of thing won't happen again.  I already dealt with it."

Naupo siya sa upuan na nasa tapat ng desk nito.  "Somehow, it's hard to imagine you dealing with Miya."

Bahagya nang dumilim ang ekspresyon ng mukha nito pagkarinig sa pangalan na binanggit niya.  "By the way, ayos ka lang ba?" pagbabago nito sa usapan.  "Bigla-bigla ka na lang tumakbo paalis do'n sa restaurant.  I tried to run after you but your date beat me to it."

"Then mabuti na lang pala hindi mo ako sinundan, kawawa naman yung fiancee mo kung iniwan mo siya do'n."

"Well, you're more important so she just has to deal with it," walang kaabog-abog nitong wika.

Kung noon siguro nito sinabi sa kanya 'yon ay baka nagwawala na ang puso niya sa sobrang kasiyahan.  But now, she only felt sorry for his fiancee.  "Hindi ako pumunta dito para pag-usapan ang nangyari sa restaurant."

"Then why did you come here?"
Huminga muna siya ng malalim bago sabihin ang mga katagang dapat ay noon pa niya sinabi.  "I came here to say goodbye."

Ilang sandali rin siguro itong natahimik bago nakahuma sa sinabi niya.  "Meron kang kontrata sa recording company ko, so I don't think you can just say goodbye to me like that."

"Hindi 'yon ang tinutukoy ko.  I will still be here, I will still be an artist under Reagent.  I'm only saying goodbye to my feelings for you.  Tama ka Trey, I could never be happy as long as I have those kinds of feelings for you.  But I finally made myself to let go.  Hindi ko alam na posible ko palang magawa 'yon.  It's not easy, heck, I didn't even think it was possible.  Not until him."  Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.  "Nagbago ang lahat simula nang makilala ko siya.  Maaari ngang tama ka nang sabihin mo sa 'kin that I was only using him as an escape.  But even then, he's already someone special to me.  And now, I don't think I can be happy without him.  He showered me with so much love that everyday I feel like my heart would just burst from it.  Pagmamahal na sa tingin ko ay hindi naman karapat-dapat para sa isang katulad ko.  That's why I need to end things properly with you, para kahit paano, masabi ko naman that he deserves me."

"Then you must not really love me kung gano'n kadali mo lang akong nakalimutan," ani Trey, hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.

Umiling siya.  "No, Trey.  I loved you.  Pero nakakapagod kang mahalin.  Being in love should give you feelings of joy and wonder.  But when I'm with you, I only felt empty and hopeless.  Akala ko nung una, sapat na na kasama kita pero hindi pa rin pala.  Because you can never give me the one thing I wanted.  Your heart.  But I finally accepted that now.  Medyo natagalan lang, but I'm glad I did."

Isang pagak na tawa naman ang kumawala dito.  "Wow, you really know how to hurt a guy."

"No, you don't care enough to be hurt."

Bigla namang sumeryoso ang mukha nito.  "That's where you're wrong.  I care about you, Asha.  Maybe not in the way you wanted me to, but I do care.  Mahalaga ka para sa 'kin."

Napangiti siya.  "'Yan na yata ang pinaka-romantic na bagay na nasabi mo sa 'kin sa buong panahon na nagkakilala tayo."

"I always thought that if I ever loved someone again, it would be you."

"Then I guess you thought wrong."

Tiningnan siya nito ng diretso sa mga mata.  "Do you love him?"

"Yes," walang pag-aalinlangang sagot niya.  She loved Niko, with all her heart and soul.

"Then I wish the both of you all the happiness in the world."

"Salamat.  Ikaw din, sana mahanap mo na ang kaligayahang hinahangad mo sa piling ni Nadine."

"Hindi na ako umaasa, but we'll see."

Nagpaalam na siya dito.  And with a much lighter heart, lumabas na siya sa opisina ng binata.

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon