Ch.6 P.2

5.1K 130 2
                                    

KINAGABIHAN, nasa tapat ng isang maliit na food stall sina Atasha, kumakain sila doon ni Trishia ng squid balls.  Hinihintay nila do'n si Niko na kasalukuyang kinakausap ng event planner na siyang in charge sa program na magaganap ngayong gabi sa may plaza.  Hinigit ito kanina ng babae dahil nagkaroon daw ng problema sa program at nanghihingi ito ng tulong sa binata.

Sinulyapan niya ang direksyon na pinuntahan ng dalawa at agad naman niyang nakita ang mga ito.  They were huddled close together, kahit nasa malayo ay hindi nakalampas sa kanya na nagpa-panic na ang babae.  Inakbayan naman ito ni Niko na wari bang inaalo ito, trying his best to comfort her.  Hindi niya maintindihan pero hindi niya talaga nagustuhan ang nakita.  It was as if tiny needles were prickling her insides.  Making her want to just go to them at kaladkarin ang babae palayo kay Niko.  Agad niyang pinilig ang ulo para palisin ang iniisip. 

"Don't worry Ate Asha, may asawa na si Tita Lina at may mga anak na rin.  So rest assured na hindi niya aagawin si Tito Niko," biglang wika ni Trishia na ang tinutukoy marahil ay ang event planner.  Nakita siguro nito na nakatingin siya sa dalawa kaya nito nasabi 'yon.

"Bakit mo naman naisip na nag-aalala ako?"

"Well, for one mukhang gusto mo na siyang sakalin, as if you're jealous or something."

Natigilan naman siya sa sinabi nito.  Was she jealous?  'Yon ba ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nainis sa pagkakalapit ni Niko at ng Lina na 'yon?  Pero imposible.  Why would she be jealous?  Maski nga kay Treyton ay hindi naman siya gano'n kabilis magselos.  Does this mean she was over him?  No, that would be too good to be true.  Then why does she feel these overly possessive feelings for Niko?

Hindi na niya nasagot ang tanong dahil sa paglapit nina Niko sa kanila, nakaakbay pa rin ito kay Lina.  Pero dahil nalaman niya na may asawa na ang babae, di hamak na nabawasan ang pagkainis niya dito.

"Anong problema?" tanong niya nang makalapit na ang mga ito, mukha pa rin kasing problemado ang babae.

"Nagback-out kasi at the last minute yung guest singer na sana kakanta before mag-start yung program," sagot ni Niko sa kanya.

"Hindi ko na alam ang gagawin.  Tiyak na magagalit si Mayor kapag nalaman niya 'to.  He would never hire me again," nagpa-panic nang wika nito.

Hindi naman siguro magagalit ang mayor dahil lang sa hindi pagdating ng isang guest singer.  Pero mukhang hindi gano'n ang iniisip ni Lina.  She looked lik she might go crazy any minute now.

"I can help," wika niya bago pa magbago ang isip.

"At paano ka naman makakatulong?" tanong nito, not too kindly.

"I can be your guest singer."

"Are you sure?" mabilis na tanong ni Niko, worry obviuos in his eyes.

"In case you haven't heard, ang kailangan ko ay sikat na singer o kahit hindi sikat, basta may pangalan.  I don't even know you," ani Lina.

"Dalhin mo ako ngayon sa back stage kung saan gaganapin yung program and you will know exactly who I am."

Mataman naman siyang pinagmasdan ni Niko bago nagwika, "It's okay Lina, you can trust her."

Pinalipat-lipat ni Lina ang tingin nito sa kanila ni Niko, sa bandang huli ay napabuntung-hininga na lang ito.  "Ah bahala na nga!  Sumunod ka sa 'kin," wika nito sa kanya.

"Sigurado ka ba talaga dito?" tanong ulit ni Niko bago siya sumunod kay Lina.  "Pwede kang video-han ng mga tao na manonood sa plaza and the press will know you're here."

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon