Ch.7 P.2

4.9K 104 3
                                    

"SIR NIKO, may mga reporter na naman pong naghahanap sa inyo sa labas."

Napabuntung-hininga na lang si Niko sa sinabing 'yon sa kanya ng isa sa mga tauhan niya sa farm.  Nando'n siya ngayon sa may greenhouse at nilalagyan ng fertilizer ang garden niya ng stargazers.  "Hayaan niyo na lang sila, mapapagod din ang mga 'yon."

"Eh sir, totoo po ba talaga yung balita na kasintahan niyo na raw po si Miss Asha?"

Nilingon niya ito at nginitian.  "Bumalik ka na sa trabaho mo."

Pagkaalis nito ay napaupo na lang siya.  Oo, kasintahan na nga niya si Atasha, but he wouldn't kid himself into believing that she's fully his.  Alam niya that there's still some part of her that belonged to some man.  Ang lalaking rason kung bakit niya ito nakitang umiiyak sa may gilid ng daan noong una silang nagkita.  Kahit na hindi pa nito sabihin sa kanya ay alam niyang tama ang kanyang hinala.  Because that moment when he first saw her, she had the look of someone who just had her heart crushed.

Malaki nga ang posibilidad that she was only using him as a rebound, but honestly, he doesn't really give a damn.  Sa simula pa lang naman kasi ay tanggap na niya na magkaiba sila ng nararamdaman.  One look at her and he was immediately bewitched.  Her heart-shaped faced, her golden eyes, her angelic voice, everything about her was enchanting. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan why she took any interest on him.  Pero kahit na ano pang rason nito, he was just glad she did.  Dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ito.  Hindi na lang ito basta isang sikat na singer na idolo ng pamangkin niya, she became someone relatable, someone he can laugh with and spend time with.  At aaminin niya na mas nagustuhan niya ang dalaga nang mas makilala pa niya ito.

Sa tatlong linggo na nakasama nila ito ni Trishia, she didn't act like she was a famous star.  Wala itong reklamo sa mga pagkain na inihahanda niya.  Very vocal din ito sa pagsasabi na gusto nitong tumulong sa mga gawaing-bahay.  Kung hindi nga siguro niya ito napigilan ay baka tumulong na rin ito sa pagtatanim sa flower field.  Dahil sa pangungulit nito ay hinayaan na niya ito na tumulong sa kanya sa greenhouse, putting fertilizer and watering the plants.  Hindi ito yung tipo ng babae na takot madumihan, another thing he liked about her.

But the one thing he appreciates most about her was how patient and kind she was with Trishia.  Base na rin sa karanasan niya, alam niya how tiring and annoying his niece can be sometimes.  Pero ni minsan ay hindi niya nakita na nainis o nawalan ng pasensiya ang dalaga sa bata.  Sa katunayan nga, he would often find her looking at Trishia with adoration and fondness.  Kaya naman mas lalo pang napalapit dito ang pamangkin niya.

That's why he really wanted to do his best to make their feelings mutual.  Hindi pa siguro 'yon mangyayari ngayon, pero naniniwala siya that it will certainly come true.  Hindi siya susuko hangga't hindi nangyayari 'yon.  Because if there's one thing he realized during the time they were together, it's that he wanted to spend his life with her.  He wanted to wake up every morning with her by his side.  He wanted to experience the joy of life with her.  At kahit na gaano pa kahirap, gagawin niya ang lahat matupad lang 'yon.    

Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya.  Napangiti siya nang makita ang pangalan na nasa caller i.d.  "Hi Atasha," masigla niyang bati.

"Hi Niko, ginugulo ka pa rin ba ng mga reporter na 'yon?"

"Ah, I think nasa labas pa rin sila ng gate ko hanggang ngayon."

Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito.  "Pasensiya ka na.  Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi na sana ako nag-prisinta na kumanta do'n sa program."

"Hey, wala kang kasalanan.  Gusto mo lang namang makatulong, and Lina was so thankful for what you did."

"But still, bigla na lang nagulo ang tahimik mong buhay dahil sa nangyari."

"There's that.  Pero ayos lang sa 'kin na magulo ang buhay ko, as long as it meant that I can be with you."

Panandalian itong natahimik sa kabilang linya at waring noon lang niya naisip kung ano ang sinabi.  Hindi na tuloy niyang napigilang mamula, mabuti na lamang at walang nakakakita sa kanya.  Kung minsan talaga, he just blurt out whatever it was on his mind without thinking too much about it.  That's why he always ended up blushing sa oras na ma-realize na niya kung ano ang sinabi.

"I bet you're blushing right now," biglang wika ni Atasha sa kabilang linya.

"Yes, I am," pag-amin niya.

He could already feel her smiling.  "How I wish I could see you right now," wika nito.

"Ako rin, gustung-gusto rin kitang makita."

"How about we go on a date?"
Napatawa naman siya.  "Hindi ba dapat lalaki ang nagyayaya ng date?"

"Okay, then ask me."

Lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya sa narinig.  "Atasha, do you want to go on a date?"

"I'd love to!" mabilis nitong wika.  "Magpapa-reserve na ako sa isang private restaurant so that those reporters won't bother us.  Sunduin mo na lang ako dito tomorrow night."

Hanggang matapos ang pag-uusap nila ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya.  Gusto na niyang dumating agad ang bukas.  So that he can finally see her beautiful face again and her smile that can immediately brighten up his day.

I Said I Fell For You At First Sight, I'm Sorry I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon