May tatlong bangkay ng lalaki na kasalukuyang tinitignan ng mga forensic at mga police. Nandito na din sila dean at nakikita ko pa si uncle.

"Black assassin"- napabaling ang tingin ko kay daine dahil sa bulong niya. Ng titingin siya sa gawi ko umiwas na ako kaagad.

Lumapit ako kay uncle na nakatingin na ngayon sa isang bangkay.

"Uncle"- tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"Anong nangyari.. Sino may gawa sa kanila niyan? "- taka kong tanong sa kanya

Tumayo siya sa pagkakaupo at hinawakan ako sa braso at hinila sa isang sulok kong saan walang katao Tao. Ng tumigil kami hinarap niya ako at tinignan ng seryoso.

"Sila rid ang may gawa non.. Mac called me a while ago.. Sinabi niya sa akin ang nangyari na may nagmamanman na saakin na mga black assassin. Pinigilan nila ni rid kanina yun kaya ganyan ang nangyari"- seryosong sabi niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagaalala kila rid.

"How's them? "

"May tama si rid sa balikat "-napayuko naman ako sa narinig ko. Marami nang napapahamak.

"But he's fine now.. Wag ka nang mag--"

"No uncle"- putol ko sa sasabihin niya. Ramdam ko ano mang oras tutulo na ang luha ko.

"Marami nang nadadamay... Ano ba dapat kong gawin.. Paano kapag hindi sa balikat natamaan si rid? "- may bahid ng pagaalala kong sabi

Hinawakan ni uncle ang braso ko at pinaharap sa kanya. Tinignan niya ako ng maigi

"Maica..alam ni rid kong ano ang dapat niyang gawin kaya wag kang magaalala sa kanya. Kung anong desisyon mo irerespeto namin yun"- sabi niya. Napailing naman ako.

Tinapik ni uncle ang balikat ko at umalis na. Napahawak naman ako sa railing at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. I think I don't have any choice.

-----------

Maaga pinauwi ang mga students dahil sa nangyari. Nagpaalam ako kay zero na wag niya na akong ihatid at sasabay nalang kay uncle. Habang nagdadrive si uncle pauwi sa bahay. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pinagiisipan ko kung tama ba to ang gagawin kong desisyon. Dahil ito nalang ang sa tingin kong tama at makakabuti sa lahat.

Ng makarating kami sa bahay. Tahimik lang akong pumasok at nakita ko naman si mac at rid na nakaupo sa sofa habang ginagamot ni mac ang sugat ni rid sa balikat.

"Ok ka na ba? "-may pagaalalang tanong ko sa kanya at tinignan ang sugat niya. Kita kong malalim ito.

"Hmm"- nag nod lang siya sa akin. Pumasok naman si uncle at napatingin sa amin

"Pasok na po ako sa kwarto"- walang buhay na paalam ko at umakyat na.

Pagkapasok ko sa pinto napabuntong hininga nalang ako.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising at nagayos ng sarili. Pagkababa ko naabutan ko naman sila uncle na naguumagahan sa baba.

"Morning"- walang emosyon kong bati sa kanila. Napatigil sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin na puno ng pagtataka. Anong nangyayari sa mga to? Ganito naman talaga ako dati pa ah

"Ok kalang princess? "- taka pang tanong ni mac sa akin. Tinignan ko sila at tinuon ko naman pagkatapos ang atensyon ko sa kinakain ko

"Bakit? "- tanong ko pabalik.ramdam kong Nagkatinginan pa silang tatlo

"Naninibago lang... Huli kasi kitang nakitang naging cold ay nong nasa loob tayo ng empire"sabi ni uncle

Tinigil ko ang pagkain ko at hinarap sila.

"Ganito naman talaga ako dati pa."- sagot ko sa kanila.

"BTW.. Gusto ko nang bumalik sa empire"- doon nakita ko silang napatigil at hindi makapaniwalang tinignan ako.

"Akala ko ba---"

"Hmmm.. I change my mind"putol ko sa sasabihin ni rid

"Per---"

"Tapos na akong kumain.. Una na ako"- paalam ko sa kanila at tumayo na. Iniwan ko na sila don at kinuha ang bag ko. Nagpakawala pa ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako lumabas sa pinto.

Sana tama ang desisyon ko at hindi ko yun pagsisihan

Rid POV

Ng makaalis na si princess. Wala paring gustong magsalita sa aming tatlo. Ramdam kong hindi rin sila makapaniwala sa desisyon ni princess.

"Uncle"- napabaling ang atensyon ni uncle sa akin at napabuntong hininga siya

"Wala akong alam sa pagbabago ng desisyon niya.. Pero magpasalamat nalang tayo at nabago yun.. "- saad niya

"Tatawagan ko si master mamaya para ipaalam sa kanya na babalik na tayo sa lalong madaling panahon"- sabi pa niya.

Napatungo nalang ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat pa nga magging masaya ako dahil babalik na kami sa empire. Pero bakit parang nalulungkot ako?

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretWhere stories live. Discover now