Chapt. 51 Always Beside you

Start from the beginning
                                    

Nagulat kami sa compliment ni Mama kay Andrew. Pati si Andrew nanlaki din ang mga mata niya. "Mygosh! Ang gwapo ng boyfriend ng anak natin!" Sabi ni Mama sabay yugyog kay Papa.

"Malaki na talaga ang anak natin! Anak, masaya ako para sayo." Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Yey! Supporter ko na din si Mama, hehe.
How 'bout you Papa?

"You've got handsome visuals." Sabi ni Papa at linapag ang iniinom niyang kape sa coffee table. "Please... Huwag mong iwan ang anak namin. She's all we have." Sabi ng Papa ko.

"Pangako po. Hinding hindi ko iiwan ang anak niyo po. Kapag maisip ko palang na iiwan siya, nasasaktan na po ako. Siya kasi bumubuo ng araw ko." Kinikilig na naman ako! Hehehe!
I kennatttt >.<  Napatalon kami ng konti nang biglang kumidlat. Bwesit, ang epal naman. Nagmomoment pa 'tong puso ko oh! >///////<

Tumayo si Papa at kinuha ang kamay ni Andrew. "Salamat. Ano pala ang pangalan mo?"

"Andrew Tan po, Mr. Rodrigo." Infernes, ang formal ni Alien pagdating sa usapan kasama ang mga matanda ah. Pero kapag sakin, parang bata siya amp. Hays.. Alien ng buhay ko :3

Napatingin ako kay Andrew at ganun din siya. Ngumiti kami sa isa't isa at tsaka napatingin siya sa labas ng bintana. Lumalakas na pala ang ulan, paano na makauwi si Andrew? Ayaw ko naman magkasakit siya dahil sakin. What to do?

"Ahm... Kailangan ko na pong umuwi, Mr. and Mrs. Rodrigo." Pagpaalam ni Andrew at tsaka tumayo na kaya tumayo na din ako. Lumapit siya kay Papa at tsaka nag shake hands. Nung lumapit siya kay Mama, instead na tanggapin ni Mama yung kamay ni Andrew ay yinakap niya si Andrew.

"Ang bango naman ng boyfriend mo anak. Amoy baby."

"Ma!!" Tumawa si Mama. Poteks, nakakahiya 'tong si Mama. Bwiset naman oh! Nagpaalam na si Andrew kay Papa at Mama at akmang lalabas na sana ng pintuan ng biglang kumidlat na naman. Muntikan na si Andrew, nagulat din ako.

"Grabe! Nakakagulat naman yun bweset!" Sabi ko at sinipa yung pintuan. Tumawa naman si Andrew sa ekspresyon ko. Puta, anong nakakatawa? Eh sa naiinis ako sa ulan.

"Mom! Paano na makauwi si Andrew? Baka magkasakit siya!" Sabi ko kay Mama kaya napaisip siya.

"Andrew..." Sabi niya at linapitan kami. "Dito ka nalang kaya magpalipas ng gabi?"

Pumalakpak yung tenga ko sa naisip ni Mama. Wuhoo the best talaga ni Mama, tularan! \(-__-)/ Buti pa si Papa matalino, kaya sa kanya ako nagmana eh hindi sa baliw kong nanay.

"Ah hindi na po... Nakakahiya naman po sa inyo." Sabi ni Andrew at napakamot sa batok niya. Oo nga nakakahiya ka Mama!!! >////////<

"Andrew naman, hindi mo kailangan mahiya samin. Maging son-in-law naman kita eh." Napaubo ako sa sinabi ni Mama at napalunok sa sarili kong laway. Kahit kailan, hindi talaga ako makapaniwala na ina ko siya.

"S-Son-In-Law po?" Napatango naman si Mama at ngumiti nang napakalawak samin. "Sandali... May kukunin lang ako." Sabi ni Mama at biglang umalis. Naiwan kami ni Andrew sa harap ng pintuan.

"Uhm... Andrew..." Tawag ko sa gwapong alien na katabi ko. "Oh?"

"Pagpasensyahan mo na ang mga magulang ko ah? Especially si Mama. Minsan, hindi sa tamang isip si Mama eh. Nakakahiya nga." Sabi ko at namula dahil sa kahiyaan. Natawa siya ng konti at ginulo ang buhok ko.

"Gusto ko na ang mga magulang mo. Naging komportable na agad ako habang kinakausap sila kanina."

"Talaga?"

"Yep."

Bago pa man ako makasalita, bumungad samin si Mama na may dalang unan at kumot. "Eto Andrew." Sabay abot niya kay Andrew yung kumot at unan na dala niya.

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now