Kaya naman bago pa ako tuluyang malilo ng mahal ko eh agad na akong tumayo at naghandang umalis nang…

“Baby Karr naman eh saan ka pupunta?!” I smiled secretly dahil sa endearment niya sakin, but it faded instantly dahil narinig ko sa boses niya yung hurt dahil sa mga pangi-ignore ko sa kanya. I’ve always felt guilty, pero what I know is this is the best thing.

“Third period. Go to your class male-late ka na.” I can’t help but let that slip out of my mouth. I want him to feel even a small portion of my love. Hindi naman talaga ako yung sinasabi nilang cold guy, may reasons lang talaga ako para mas piliing wag pansinin ang lahat, maliban syempre kay Yhannie, dahil kahit andaming lalakeng naglalaway sa kanya eh wala lang sa kanya and sa akin pa rin siya dumidikit.

As I was walking away, there’s this feeling inside me na gustong baguhin ang ginugusto kong tadhana, yung pakiramdam na mas gustong makapiling si Yhannie, nalilito na naman ako. Siguradong mahaba-habang debate na naman to.

---------------------------------------------------

Cleo’s POV

“Nagtataka talaga ako dun sa Karr na yun Labs, alam mo bang si Yhannie lang ang kinakausap nun? Kahit teachers namin di nun pinapansin sa recitation eh, mabuti na lang talaga at bawing-bawi siya sa recitations and tests.” Ang chika ko sa boyfie ko habang kumakain kami sa Caramel, bigla kasi akong nag-crave for cupcakes kaya imbes na sa fine-dining resto kami kumain ay dito na lang, cozy naman ang place eh. :3

“Siguro nga’y may gusto talaga yun sa bestfriend mo Labs, pero ang pinagtataka ko eh kung bakit ayaw niyang gumawa ng move gaya ko diba?” Tugon sakin ni Labs habang sinusubuan niya ako ng choco cupcake. Hang shwit talaga ng boyfie ko hart hart

At dahil nga maganda ako, kumuha rin ako ng isang cupcake at sinubuan din siya. Grabe kahit pagnguya ng kumag gwapo pa rin.

“Alam mo Labs, ang swerte ko.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit naman Labs, dahil gwapo ang boyfriend mo?” Saad nito habang nag-pogi sign pa, gagi talaga haha

“Kapal mo talagang kumag ka hahaha hindi lang dahil dun, ang swerte ko kasi ang gentleman at ang bait ang boyfriend ko. At kahit nga ang gwapo niya eh ako lang ang maganda sa paningin niya.” I could see how his eyes glittered with happiness dahil sa sinabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla ako nitong halikan sa labi, not minding the weird glances of the people around us.

“Ano ka ba Labs maraming tao oh!” Inis kong bulong sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya, which in turn ay tinawanan lang ng loko, ay manhid lang ang peg?

“Sus wag ka nga Labs kinikilig ka naman eh.” Panunukso niya na mas lalo pang nakapagpaigting ng blush ko na kanina pa pala prominent sa aking pretty face. Tinalo ko na siguro ang red hood ni red riding hood sa sobrang pula ko ngayon.

“Three letters lang labs ah. ASA. Char!” Tugon ko at nang magsasalita pa sana siya ay sinubuan ko agad siya ng cupcake. Manahimik na lang siya diyan haha charaught

“Alam mo ikaw Labs kahit na hinayaan mo akong pagalitan ni Mrs. Macandog kanina eh love na love pa rin kita.” Sabi niya sabay pitik sa ilong ko. Ouch shet

“Aray naman Labs enebe love na love rin naman kita eh.” Sabi ko naman na kinikilig na talaga like super over na harhar

Tuluy-tuloy lang kami ni Labs sa paglandian este sa pag-usap nang biglang mag-ring ang  phone ko. Agad ko itong kinuha at nagulat ako dahil ang nagtext pala ay si Mommy, asking me to bring my new boyfriend home, right now.

Sht. Pano naman nila nalaman agad?

-__________- Ay oo nga pala, yung magaling na si Kim eh love of his life ng Kuya Dovid ko kaya’t siguradong chumika na rin yung baklang yun. Hayyy…

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now