“Ano ba Kim! True-lalu nga kasi ang sinasabi ko. He cares for me. Ayaw niya akong ma-late sa class. Waaahhhh” Di ko pa rin talaga mapigilang kiligin sa sinabi ni Karr kanina, feeling ko malapit ko na siyang maging asawa tapos magha-honeymoon kami sa bawat sulok ng mundo. HART HART!!

Di ko namalayang naglakbay na pala ang wonderful mind ko sa maaaring mangyari sa honeymoon namin ni Karr at natulala na lang ako hanggang sa…

“Ay nabaliw na nga, yan ang sinasabi nilang Too Much Love Will Kill You mga teh, make Yhannie as the greatest example.” Nakaturo saking saad bigla ni Cleo na kasalukuyang sinusubuan ni Ram ng leche flan. Leche nang-iinggit ba ang mga ‘to?!

“Hoy kung maka-Too Much Love Will Kill You ka naman teh! Patay na ba ako? Bawal pa akong mamatay kasi hindi ko pa natitikman si Karr eh!”

“Hindi ka pa nga patay, papunta ka palang dun. And about dun sa pag-sabi niya nun sayo, medj naintriga din ako Yhannie-beks, malay mo may gusto na talaga siya sayo. Well, sino nga ba ang hindi mahuhulog kung araw-araw mo siyang kinukulit at inaakit diba?” Hindi ko alam kung ikatutuwa o ikaiinis ko ang sinabi ni Cleo-beks, hayyy ito na lang kayang si Ram ang tanungin ko mukhang medyo nasa tamang pag-iisip pa naman to eh hindi tulad ng mga bestfriends ko.

“Ikaw Randell, anong masasabi mo sa sinabi ni Karr sakin? In love na nga ba talaga siya sakin?” Madrama kong tanong kay Ram at napa-roll eyes naman si Cleo, gesturing Ram to answer my intelligent inquiry bago nag-face palm.

“I’m not sure ah. Pero when a person starts to care about you, may posibilidad na may feelings nang involved.” Napangiti naman ako dahil sa sagot ng boyfriend ni Cleo, tama nga ako at siya ang may pinaka-sensible na sagot. PRAISE THE LORD!!!

Sana nga may feelings na talaga para sakin ang cold guy KO, I can’t wait for us to bear children na talaga :3

----------------------------------------------

Karr’s POV

Puro na lang problema. Kailan ba ako makakaalis sa mundong ‘to? Gusto ko nang mamatay. Tss..

“Hi Baby!!!!” Mula sa pag-iisip ng walang katapusan kong mga problema ay nalipat ang atensyon ko sa boses ni Yhannie. Sa mundong to na parang wala nang tama, siya na lang ang nag-iisang lakas ko. But why do I keep on pushing him away? Dahil ayokong ma-attach sa kahit na sino, para pag namatay na ako, walang masasaktan, walang makakaalala.

Hindi ko siya tinignan at patuloy na tumingin sa kawalan kahit gustung-gusto ko na siyang lapitan and hold him in my arms. Hindi maaari Karr, sisirain mo ang mga plano mo dahil sa kanya.

“Ano na naman?” I said making my voice as bored as possible, he has to know na hindi ko gustong kausapin siya ngayon. Even ever, but I think Yhannie is not that kind of person, well, he’s never that kind of person. Sa buong semester ay nakadikit siya sakin at walang ibang ginawa kundi mas lalo pa akong paibigin kahit hindi naman na niya talaga kailangan pa dahil unang kita ko pa lang sa kanya noon ay tinamaan na ako. Ang problema nga lang ay ang pagkakataon, umo-oo ang puso ko pero ang pagkakataon na ang humihindi.

“Baby naman kasi kailan ba kita magiging boyfriend?” I tried my very best not to say yes. Sa pagkakasabi pa lang nito ay alam kong naka-pout na naman ito. Para talagang bata.

“Kulit. Never.”

“Bakit never?! Di ba nga sabi ni Justin ‘Never say Never’? Wag ganun. Di ka manlang ba naaakit sa alindog ko?” Saad niya at bigla akong pinaharap sa kanya. Nagulat naman ako when he suddenly did his most seductive face, it’s a very good thing that I already mastered my poker face kaya’t hindi niya nakita ang kagustuhan kong halikan siya senseless.

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Where stories live. Discover now