Ikalabing-tatlong Kabanata

Start from the beginning
                                    

Naglakad lang ako papasok sa school. Hindi naman kasi 'ko sanay mag-drive kaya hindi ko rin magagamit ang kotse na binili ng mga magulang ko. Pero one of these days ay kukuha ako ng driving lesson para hindi mabulok ang sasakyan ko. Sa pamilya namin ay si Tatay lang ang sanay mag-drive. Nagpaturo siya dati sa kasamahan niya sa trabaho dahil minsan ay kailangan nilang bumili ng materyales. At isa pa, mainam na rin daw 'yong sanay siya para in case of emergency ay may driver kami.

Habang naglalakad ay napaisip ako. Nakapagtataka kung paano ko narinig ang usapan nina Tatay at Ate Shahara gayong nakatingin lang naman sila sa mata ng isa't isa. Napatigil ako sa paglalakad. Hindi kaya . . . natupad na ang hiniling ko kay Rosa? Pero paano ko naman kaya gagamitin ang kapangyarihang ibinigay sa akin?

Pagpasok ko sa classroom ay nagtitinginan pa rin sa akin ang mga kaklase ko. Hindi ba sila napapagod? Ano-ano pa bang tsismis ang nasasagap nila tungkol sa akin?

Naupo na ako sa upuan ko at pagkaupong-pagkaupo ko'y namataan ko na nakatingin sa akin ang dalawa kong kaklase. Bigla naman silang umiwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanila. Pero bago pa tuluyang makalingon ang isa ay natitigan ko na siya sa mga mata.

"Grabe! Talagang nagbago na si Sydney. Ibang-iba na ang itsura niya. Kagaya na rin siya nina Kimmy na bad girl ang dating. Tapos punong-puno na rin ng makeup ang mukha niya."

Pumikit muna ako at unti-unting napangiti. Kailangan ko lang palang tingnan ang mga mata ng isang tao para mabasa ang iniisip niya, sa sarili man niya o sa ibang tao.

Tumayo ako at nilapitan ang dalawa kong kaklase. Nang malapit na ako sa kanila ay naririnig ko silang nagbubulungan, pinag-uusapan pa rin nila ako.

Pumunta ako sa harapan nilang dalawa at kitang-kita ang gulat sa kanilang mga mata.

"S-Sydney . . ." ani Colline, isip niya ang nabasa ko kanina.

Ngumiti lang ako at saka tinitigan sa mga mata ang katabi niyang si Paola.

"Nagbago na talaga si Sydney. Napabayaan na niya ang pag-aaral niya. Nasayang tuloy 'yong scholarship niya. Nawala pa siya sa honors. Nakakapanghinayang."

Pagkatapos kong basahin ang isip ni Paola ay pumikit ako sandali. So kinaaawaan na ako ng mga tao ngayon? Sa yaman kong 'to ay naaawa sila sa akin?

Tumayo ako at saka idinilat ang mga mata. Muli kong tiningnan ang dalawa kong kaklase na ipinanganak siguro ng mga tsismosa. Ngumisi ako.

"Alam n'yo, nanghihinayang nga rin ako sa sarili ko. Sayang 'yong scholarship ko, 'no?" Nakita ko namang nagulat sila pareho. Nagtataka siguro kung paano ko nalaman ang pinag-uusapan nila. "Pero na-inform ba kayo na kayang-kaya ko nang bayaran ang tuition fee ko? Actually nabayaran ko na nga ng buo, e. At na-inform din ba kayo na kaya kong bayaran ang lahat ng graduation fees natin?"

Hindi pa rin sila sumasagot. Nagtitinginan lang silang dalawa.

"O, e, bakit ayaw n'yong magsalita ngayon? Kanina'y todo ang kuwentuhan n'yo, a?" Tumawa ako. "Ah! Alam ko na kung bakit kayo napahinto sa pag-uusap. Kasi, ako ang pinag-uusapan n'yo. Ako rin ang mga nasa isip n'yo. Hinuhusgahan n'yo 'ko sa isip n'yo. Tama ba?"

Napayuko silang dalawa kaya lalo akong napangisi.

"Sa susunod na pag-uusapan n'yo 'ko, medyo lumayo-layo kayo para hindi ko naririnig. Nakakahiya naman kasi na ang lapit-lapit n'yo lang sa akin pero nagagawa n'yo 'kong pagtsismisan. Pero babalaan ko kayo. Sa susunod na marinig ko pa kayo na pinag-uusapan ako, kayang-kaya ko kayong pabagsakin. Hindi na ako 'yong Sydney na binu-bully n'yo noon dahil mahirap lang ako. Mayaman na ako ngayon. Marami na akong pera. At alam n'yo naman siguro kung ano'ng puwedeng gawin ng pera, 'di ba?"

Rosa MagicaWhere stories live. Discover now