Chapter 55- Answers

22.6K 606 63
                                    

JACE

After 6 months...

Patakbo-takbo ako sa gitna ng kagubatan. Madilim. Mausok. Hindi ko alam kung nasaan na ako. Sounds of howling can be heard around, giving the forest an uncanny atmosphere.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa may nakita akong liwanag sa unahan.

Nakakasilaw ang liwanag na ito.

Mas binilisan ko ang pagtakbo papalayo sa nakakasira ng ulo na kadiliman.

Napalingon ako nang may marinig akong malalim na ugong na nag-eecho sa paligid. Grabe ang takot ko nang makita ko na may nakasunod pala sa akin na isang itim at napakalaking nilalang na may mahahabang sungay at nakalabas ang napakahaba nitong dila. Kulay pula ang mga mata nito na nagliliwanag sa dilim at nakatutuok sa akin.

Shit!

Patuloy ako sa pagtakbo, my heart almost jumping out of my ribcage in fear, and weirdly, kahit hindi ako nakaconcentrate sa dinadaanan ko ay tila hindi ako nababangga sa mga puno.

Nang marating ko na ang dulo ay bigla akong napatigil nang makita ko ang taong matagal ko nang hinahanap.

Si Pepsi.

Lumundag ang puso ko. Napakurap ako para masigurado ko kung siya nga talaga ito.

And she's still there.

Nakalugay ang kanyang itim at mahabang buhok at nakasuot ito ng puting bestida na mahaba. Kahit nakatalikod ito sa akin ay alam ko na siya ito. Nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling iyon na siya ito.

"Baby?" sabik na sabik na patawag ko sa kanya. I was panting, and my eyes were tearing up in the overwhelming feeling that I have finally found her.

Ngunit hindi ito sumagot. Gusto ko sanang lapitan siya para yakapin pero tila hindi ako makagalaw.

What the hell is happening?

I tried to move my hands and feet, but I can't. It was like I'm paralyzed.

Napasinghap nalang ako nang marealize kong may nakayakap pala sa akin mula sa likuran ko.Napasigaw ako sa wagas na takot nang makita ko ang mga itim na bisig ng diyablo na mahigpit na nakapalibot sa aking katawan.

"Jacey boy..." The demonic creature hissed.

His malevolent laugh next to my ear caused the hairs on my body stood on end. I shouted at the top of my lungs the moment his dark, slick tongue filled my ear.

"Huwag!!! Baby tulong!!!!"

Humingi ako ng saklolo kay Pepsi. Bahagyang lumingon lang ito sakin at laking pagtataka ko dahil hindi ito nabahala nang makita ako, o kahit gumalaw man lang. Instead, she just grinned...an evil one.

Napakurap ako at napasigaw sa gulat nang bigla nalang itong tumalon sa bangin.

"NOOOOO!!!!"

....

Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama. My chest was heaving, and my white shirt was wet from my cold sweats of fear.

Mga ilang sandali pa ang nakalipas at nang mapagtanto ko na hindi totoo ang lahat ng iyon ay napakapit nalang ako sa aking ulo.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon