Chapter 32- A Day with Mr. Snyder

36.8K 925 130
                                    

PEPSI

🎶"Ikaw na ngaaaa. Ang hinahanap naanng puuuusooo. Ang siyang magbiiibigay ng saya, ng tamis, at lambing...sa buhaaaaay ko."🎵

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. At the back of my sleepy mind ay nanotice ko na naman ang bagong ringtone ko.

Shit si lola na naman. Nakalimutan ko palang palitan ang pattern ko kagabi. Pinalitan na naman nito ang ringtone ko ng kanta ng ultimate crush niyang si Willie Reviliame.

🎶"Ikaw na ngaaaa. Ang bawat paaaanaginiiiip kooo. Sa piling mo'y nagkatotoo, ang lahat ng mga, pangaraaaap kooo."🎵

Letseng buhay to!

Sino kaya ang tumatawag? Istorbo naman to. Interesting na sana ang panaginip ko eh.

Parang may isang palaka kasi na kulay maroon na nasa loob ng elevator, at biglang sumabog ito.

Yung palaka ha, hindi yung elevator.

And then naging kulay maroon ang loob ng elevator. Ano yun?

Yung isa pang scene na naaalala ko ay si Jace, na pinasok ko daw siya sa backpack ko, at pagkatapos ay pumunta ako sa National Bookstore, at biglang may swimming pool dun. At may pating.

Ay ewan! Nakaka stress lang sa brain cells.

I tried to open my eyes, pero ang bigat-bigat nila. Parang naka-super glue din ang katawan ko sa kama.

Patuloy pa rin ang tawag, and I chose to ignore it. Napuyat kasi ako kagabi. Mga bandang alas singko na ng umaga ako nakatulog. Eh papano naman kasi, hindi ako makatulog and I didn't know why.

Hindi ako mapakali sa kama. Si Jace kashi eh...

Ang dami-dami kong iniisip tungkol sa kanya. Unang bes ay hindi mawaksi sa isipan ko ang mga halik niya.

Just like right now, the feeling of his expert lips sucking mine is like a song that is stuck on replay...

Ugh. Am I doomed?

Lasang ano kasi, eh. Uhm, ano ba. Hindi ko madescribe. Basta parang nasasarapan ang taste buds ko, saka mainit ang hininga niya. Nakakatuliro.

Marami ding pumapasok sa isip ko. Katulad nalang kung ano ang mangyayari kung maging kami. What would it be like being in a relationship nga ba?

First time ko to eh. Well, kung sasagutin ko siya. Asa naman siya. Pwe!

I also wonder kung anong mangyayari sa pamilya niya, kung magugustuhan ba nila ako, kung ano ang reaction ng mga friends niya sa school, lalo na si Angel, kung magkakabalikan ba sila, kung hahayaan ko nalang ang sarili ko na tuluyan nang mahulog sa kanya...

Sumakit bigla ang ulo ko. Kaya ayaw ko sa mga ganito eh.

🎶"Ikaw na ngaaaaaaaaaa. Ang hinahanap nggg--" 🎵

Tumunog ulit ang cellphone ko. Tongue-inang kanta. Nanunukso eh. Sarap kumuha ng martilyo at ihampas iyon dito, pero sayang naman ang pera.

Nang sa wakas ay naimulat ko na ang aking mga mata ay chineck ko kung sino ang tumatawag.

Jason Feelingero.

Shit. Biglang parang nakaubos ako ng 69 na bote ng Gatorade--yung pink ha kasi masarap--- sa biglang pag-surge ng energy sa katawan ko. Nawala bigla ang antok ko.

Yung walang hiya ay ni hindi man lang nagtext kahit goodnight kagabi tapos ngayon ay kay aga-aga ngangaragin niya ako. Isang oras lang ang naging tulog ko dahil sa kakaisip sa kanya!

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon