Chapter 19- Breaking Walls

34.1K 889 98
                                    

PEPSI

Nakayukom ang mga kamay ni Angel at malalaki ang mga hakbang nito papunta sa'min. Ang hitsura nito ay parang kakainin ako ng buhay at haggard.

Teka, ako ang mangkukulam sa istoryang ito, 'di ba? Pero ba't parang ako pa yung takot?

"Okay ka lang, Peps?" Napatingin si Jace sa kamay kong mahigpit na nakakapit sa braso niya.

"Jace, si Angel..." sambit ko. Napatingin din siya sa direksyon ng tiningnan ko pero parang cool lang ito. Hindi ba ito natatakot na magselos ang jowa niya at biglang mag eskandalo dito?

Or...baka naman break na sila?

Baka bigla nalang akong sugurin ng bitch na ito at ubusin ang buhok ko. Pero okay lang naman, halos patay na din naman kasi lahat.

Magsasalita na sana ako nang bigla kong napansin na hindi pala sa'kin nakatingin si Angel...

Parang...parang sa bandang ibaba nakatuon ang mga mata nito?

Sa pagtataka ko ay yumuko ito habang parang may hinahabol...

Wait, ano yun?

Anak ng ipis, may isang itim na pusang ligaw pala itong sinusundan. Mayroong kagat-kagat na wallet na kulay pink ang pobreng pusa. Bigla ko tuloy namiss si Karen, ang pusa naming sexually abused ng aso namin.

"Kaya pala parang uneasy ka diyan. 'Wag kang mag-aalala, hindi niya ata tayo nakita." sambit ni Jace na parang wala lang si Angel sa kanya.

Sabagay, natatabunan kami ng malaking Acacia tree.

Pero sa laki ng mata ni Angel ay imposibleng hindi niya kami nakita. Panigurado ay binabantayan niya si Jace. Imposible ring hindi nakarating sa kanya ang kumakalat na chismis na parati itong mokong na 'to nakikisabay sa'kin sa bench na ito.

"Akala ko ay katapusan ko na." sabi ko nalang.

Gigil na gigil na inalog ni Angel ang pusa hanggang sa bitawan na nito ang wallet nito. Biglang uminit ang ulo ko sa ginawa nito.

Animal abuse 'yon ha?

Ewan ko ba pero everytime na sinasaktan ang isang pusa, ay para na din akong sinasaktan.

Umalis na ito nang makuha na nito ang wallet nito. Makakahinga na sana ako nang maluwag nang bigla itong napalingon sa'kin at binigyan ako ng tingin na parang nagsasabi ng,

"Humanda ka sa'kin na gaga ka. Papatayin kita soon."

Napangiti nalang ako ng one-sided.

So nakita niya pala talaga kami...

Goodluck na lang din sa'yo, Jace.

"Hayaan mo na si Angel. Alam mo..." He sighed and looked up at the red-orange streaked sky. "...minsan, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa babaeng 'yan."

He got my full attention.

"What do you mean?"

"She's my dream girl, you know, totally my type, physically. I liked her company, her presence. She was like my female bestfriend...Pareho kami ng mga trip sa buhay like partying, taking selfies, and traveling..."

Pang elite ang mga trip nila ha? Which made me realize na ang layo ko talaga kay Jace...

"Pero...?" I encouraged him to continue.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon