Chapter 44- An Item or Not?

29K 771 97
                                    

PEPSI

Napakislot ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay napasinghap ako sa gulat nang madama ko ang ulo ni Jace sa bandang dibdib ko.

Kasalukuyang nakatagilid ito at nakayakap sa akin habang ang isang binti nito ay nakadantay sa ibabang parte ng katawan ko.

I was literally tangled up in him, and I don't know why it felt so...right.

Malamig ang ambiance dito sa kwarto niya kahit na nakapatay ang aircon dahil nakabukas ang bintana mula sa balcony at pumapasok ang malamig na hangin mula sa labas.

A blue light was coming from there, most probably from the fusion of the post-rain atmosphere of the night sky and the moonlight.

Teka, anong oras na ba? Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga kamay para kunin ang cellphone kong nahigaan ko sa bandang balakang ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong alas-kwatro na pala ng kinaumagahan at malamang ay hinahanap na ako ni lola sa bahay.

Shit. Ganun ba katagal kaming nakatulog? Mula kahapon ng hapon hanggang kinaumagahan?

Grabe... Napasarap siguro ang tulog ko.

Napangiwi nalang ako nang makita ang 69 missed calls at text messages nito.

Bigla ko nalang naalala ang lahat nang nangyari kahapon. May reporting pala ako dapat sa last subject ko kanina, pero dumiretso ako dito dahil sa lubos na pag-aalala kay Jace. Hindi na ako nakabalik sa school dahil nakatulog din ako sa kakabantay sa kanya, and take note, sa tabi niya mismo.

Magkatabi kaming natulog pero walang nangyari! Nandito lang naman ako dahil kasalanan ko rin naman ito kung bakit nagkasakit siya! Inosente ako! Hindi ako isang pakgirl!

Girl, kalma lang. Wala namang umaaway sayo.

Nang kumalma na ako ay sinapo ko ang leeg at noo nito para icheck ang lagay ng lagnat nito. Good thing the fever has kind of cooled down already. Medyo malumi na ang temperatura ng balat nito.

I peeked down to see his face once again and saw how he was sleeping peacefully beside me. The way his yummy biceps and muscled arm was thrown across my chest was such a delight to see.

Teka, may sinabi ba akong yummy? Ano ba tong mga iniisip ko?

Nag-vibrate ulit ang cellphone ko at napabalikwas ako ng bangon nang makitang tumatawag si lola. Buti nalang at hindi nagising si Jace.

I carefully slithered my way out of his arms and walked towards the balcony.

Sinalubong pa ako ng malamig na simoy ng hangin at nanuot sa aking ilong ang amoy ng after-rain. Oddly, it feels kind of... satisying.

"Hello la," mahinang pagsagot ko sa tawag niya. Napatingala ako sa kulay asul na kalangitan at sa maliwanag na parte nito ay naaninag ko ang araw na nagtatago pa sa likod ng mga ulap.

"Hay salamat naman sa Diyos at buhay ka! Saang lupalop ba ng mundo ka sumuot apo ko? Hindi ako makatulog sa kakaalala sa iyo! Malamig na ang tinola ko dito oh." malungkot na sabi nito. Parang nakonsensya naman ako bigla. Hinintay talaga nila ako ng forte niyang tinolang manok.

Napalingon ako sa may pintuan para silipin si Jace. Baka nagising ito at nakikinig sa usapan namin.

"La, huwag ka sanang magagalit ha pero andito ako ngayon sa bahay nina Jace."pabulong na sabi ko.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon