Chapter 28- Overflowing Emotions

29.2K 820 28
                                    

A/N: This chapter contains too much drama 😂 Pasensya na guys! Sana masustain pa rin ang interes niyo sa mga mangyayari after ng witch-arc... But tell you what, bibigyan ko kayo ng clue...nagsisimula palang tayo 😉

Enjoy! 😘

*****

PEPSI

"So..." Napakagat-labi ako. "Galit ka ba?"

Seryoso lang itong nakatingin sa'kin after all my revelations.

Siguro, nagulat talaga ito at hindi pa masiyadong nagsink-in sa kanya ang lahat ng mga sinabi ko.

But at least, hindi na siya magiging aso 'di ba?

At least, mapapanatag na siya...

Natatawa nga ako at nagkakandarapa itong malaman ang tungkol sa ikalimang kondisyon...

He just can't wait to finish all my made-up tasks para mabawi ko na ang sumpa just like what I have promised to him.

Ang buong akala niya ay magiging aso na siya bukas dahil lang sa scheduled na full moon.

Actually, when you look outside the window, the moon was already in its full form.

"Pasensiya ka na ha. Hindi ko naman sinasadya eh. Kasalanan mo naman kasi dahil ang kulit-kulit mo." I just pouted like a guilty little girl.

Nagpa-pout at nagpapacute ako everytime guilty ako sa kasalanan ko kay kuya at kay lola...and now, why am I being like this to him as well?

Ang sabi niya kanina, mahal niya raw ako...and I hated the look of sincerity in his eyes.

My mind is telling me that he was just bluffing but my heart says otherwise...

Ang hirap talaga kasi magtiwala eh. Hindi ko alam kung bakit...

Nakakatakot lang.

Umiba ang mukha nito na parang nanggigigil.

To my surprise, he suddenly closed the gap between us at akmang pipisilin ang cheeks ko pero napaatras ako at natumba sa higaan.

Napasinghap nalang ako nang maramdaman ko ang katawan niya na pumaibabaw sa'kin, pero hindi ang bigat nito ang nasa isip ko ngayon but the heat between us and our proximity...

Nanlaki lang ang mga mata ko at pinigilan ko ang hininga ko when I realized how close our faces were, at akmang sisigaw na sana ako ng "RAAAAPEE!", but my mouth betrayed me.

Hindi siya gumalaw. Napatitig nalang ako sa mga nangungusap niyang mata na mataman lang na nakatitig sa mukha ko.

Uhm, wala ba itong planong bumangon? Mga 69 siguro ang kilo nito at 49 lang yung sa'kin, hello?

Ang lakas ng kabog ng dibdib nito...Or sa akin ba 'to? Hindi ko na alam. Wala na akong may marinig kundi ang heartbeat lang ng kung sino man sa'ming dalawa.

Biglang naging mapupungay ang mga mata nito and his lips slowly curved up into a shadow of...desire?

Jason Snyder, the most popular guy at school and the man I hated the most, is currently on top of me, and is about to...kiss me. At ako naman si tanga ay naghihintay na naman ulit.

I wanted to push him away, pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.

Palipat-lipat lang ang tingin niya sa mga mata at labi ko...that same, familiar look he gave me the first time we kissed.

My room was dim at tanging ang mga kandila lang ang nagbibigay liwanag sa'min.

"God, you're really beautiful I think my heart will explode right now. My emotions are overflowing. They are everywhere..." his hot breath fanned my face.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon