Chapter 5- The Devil's Charms

46K 1.3K 111
                                    

PEPSI

"Ano itong nababalitaan ko na nauubos daw 'yong baon mo dahil lang sa kakabili mo ng polbo?"

Kahit nasa kabilang linya ng telepono ay mafi-feel ko ang pagmeet ng makakapal na kilay ng kuya kong si Sprite Louie.

"Kuya naman, naniwala ka naman kay lola eh exag 'yon minsan. If I know, siya din ang nakakaubos no'n kasi napagkakamalan niyang asin minsan." sabi ko nalang habang nag-me make-up—este, polbo habang nag-aayos for school using my other hand.

Parang nasanay na ako sa sarap ng feeling ng pagkapit ng polbo sa skin ko after ko maglagay ng foundation.

"Ikaw talagang batang ka. Pangit ka na nga, mas pinapapangit mo pa ang mukha mo. Hindi ko alam kung ano'ng trip mo sa buhay."

"Wow kuya, pakyu ka ha? Makalait eh parang mala Enrique Gil ang mukha."

Actually, kamukha nga niya si Enrique. Payat nga lang at mas matangkad. Pero ang mukhang iyan ay wala pang girlfriend. Ewan ko ba sa kanya kung bakit. Siguro ay dahil masyado siyang busy sa trabaho. Mahirap kasing maging nurse sa ibang bansa. Bugbog sarado ang katawan nila, at nagtitiis pa sa amoy ng mga ibang lahi na according to him ay parang ginisang patay na daga. Not all naman pero may mangilan-ngilan sa kanila. Hindi yata kasi naliligo ng ilang days? Hindi daw siya sure kung saan ang mas mabaho—ang utot or ang kili-kili nila.

"Pepsi Marie! Tigilan mo na nga 'yang pakyu-pakyu mo na 'yan! Hindi magandang pakinggan galing sa isang babae!"

Menopausal ba si kuya? He badly needs a girlfriend na talaga.

"Opo, kuya Sprite Louie! Pero...may tanong ako." I bit my lip to stop myself from giggling.

"ANO!"

Whoa... Para naman akong tatangayin sa boses niya. Abot hanggang dito ang talsik ng laway niya. Ang sarap niya talagang asarin.

"Kapag palagi ba akong nagsasabi ng pakyu, pakgirl na ba ako?"

Tumahimik ang kabilang linya. Ramdam ko ang paglabas ng usok mula kanyang ilong. Napabungisngis nalang ako and decided to stop making asar to him. Mahirap na at hindi ako mabigyan ng allowance. Maglilintaya na naman ito ng pagkahaba-haba about teenage pregnancy and HIV at lahat nalang ng may connect sa premarital sex.

"Joke lang, kuya. Ang gwapo po talaga! Artistahin! Hollywood star! Whoo!"

"Ano'ng kailangan mo, Pepsi Marie?"

See? Alam na alam niya talaga kapag may kailangan ako.

"May project nga po pala kami next week sa Finance ha? 1,500 pesos ang share. Pakidagdag nalang sa allowance ko. Thank you! Ingat ka palagi diyan, pogi! Love you!"

Kinancel ko na ang Viber call bago pa siya makatanggi at napabuntung-hininga na lamang ako. Kapag makapagtrabaho na ako, babawi talaga ako ng bonggang-bongga kay kuya.

I looked at myself in the mirror then. Mukhang ang sexy masiyado ng outfit ko. Black skinny jeans at black long sleeve shirt na may drawing na pusa sa gitna. As usual ay magulo ang mahaba at itim kong buhok.

Siguro ay nagtataka kayo kung ano ang sexy do'n? It's the jeans. Bihira akong mag jeans kasi ayaw kong pinagpapantasyahan ng mga lalaki ang pwet at legs ko. Hindi kasi ako komportable kapag masiyado akong pinagpapansin. I'm more comfortable at being a wallflower.

Pero bakit mo isinuot ngayon, Pepsi? May pinapagandahan ka ba?

Napatigil ako sa tanong ng bwisit kong subconscious. Sa totoo lang, hindi ko alam. Feel ko lang.

Weh di nga?

Pakyu ka!

"Apo! Ano ba ang nangyayari sa'yo at sinisigawan mo ang salamin? Ano'ng kasalanan niya sa'yo, ineng? Hindi ka pa ba male-late?"

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon