Chapter 27- Mysteries Unveiled

31.3K 966 74
                                    

PEPSI

Mula sa bintana ko dito ay natatanaw ko si Jace na naglalakad papalabas ng subdivision namin.

Papano kaya niya natunton ang bahay namin nang hindi ko siya napapansin?

Nainis kasi ako nang bigla nalang itong sumulpot kanina sa kwarto ko, and worse, nakita pa niya akong walang makeup.

Fresh na fresh pa naman kasi ako kanina dahil medyo katatapos ko lang maligo at nagmumuni-muni ako sa ilalim ng buwan.

Mukhang nabighani ito sa hitsura ko...

'Yan kasi ang problema sa mga lalaki ngayon. Masyadong superficial.

Kapag maganda ang babae, agad-agad liligawan kahit pa na hindi muna nila kinikilala nang mabuti.

'Pag maganda ang babae, titiisin muna ang ugali if ever bitchy ito, then if magsawa na sila, if natikman na nila, hahanap na naman ng bagong putahe.

It's just a cycle...

It was all about their ego. Siyempre 'pag maganda ang girlfriend, magiging proud siya dahil maiinggit ang mga tropa niya. They would look good together in selfies... Then they will post it on Facebook and Instagram at marami ang magla-like...

It would make them feel good.

Not that I'm insecure or whatever and I'm not generalizing. Sadya lang talagang ganun ang observation ko sa kanila at hindi mo rin ako masisisi dahil nabiktima na ng mga katulad nila ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko...

Kaya pumutok ako sa galit kanina. I have already expected his reaction upon seeing me. At hindi nga ako nagkamali.

Hindi na rin ako magtataka 'pag bigla niyang sasabihin na mahal niya ako.

Ano, dahil maganda pala ako? Kababawan.

Masiyadong malawak ang salitang pag-ibig.

Kung mahal mo ang isang tao, you love everything about her...everything from her imperfections to insecurities...And not just the good things about her.

Papano na yung mga hindi nabiyayaan ng maamong mukha? Won't they be given a chance to find their Prince Charming?

Forever nalang silang hindi papansinin ng mga crushes nila?

Dahil ang mga crush nila, nakatuon ang pansin sa mga crush din ng mga ito na magaganda, and just like their female counterpart.

Bihira nalang ngayon ang mga lalaking ganun...na hindi tumitingin sa hitsura.

You can lust or infatuate after the physical characteristics...You can love their beauty with your eyes and body...

But loving them with your heart? It requires time. A connection. A certain force that will bring your hearts together...

Wait, at bakit si Jace pa rin ang iniisip ko when I thought about that?

And speaking of the devil, nakita ko siyang tumatakbo pabalik sa bahay.

Why is he running as if takot na takot?

Tiningnan ko sa malayuan kung sino ang humahabol sa kanya.

Napangisi ako nang makita ko si Kuting sa malayuan, ang malanding aso namin na pati si Karen na pusa namin ay walang takas.

Naghahanap na naman siguro ng ka sex ngayong gabi.

Pagala-gala kasi 'yan sa gabi at naghahanap ng mga pusakal at askal para babuyin.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon