On-cue na tumulo ang luha ni Dahlia nang makita kung paano siya titigan ng lalaki. Hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng ganitong moment. Akala niya sa pelikula at nobela lang nangyayaring ang lalaking may ibang mahal ay magmamahal ng iba.

"I drove for miles and miles~ And wound up at your door~ I've had you so many times~ But somehow I want more~"

Hindi alam ni Dahlia kung saan nanggaling ang buong PS na ngayon ay inaalalayan siya palakad ng entablado. Habang palapit siya ng palapit ay saka lang niya napansin na umiiyak din pala si Reymond.

"I don't mind spending every day~ Out on your corner in the pourin' rain~ Look for the girl with the broken smile~ Ask her if she wants to stay a while~ And she will be loved, and she will be loved~" 

Nakita ni Dahlia kung paano tumayo si Reymond at hawakan ang kanyang kamay. Napatingin din siya kay Christian na siya na ngayong umuupo sa high stool na kanina ay inuupuan ni Reymond.

"Tap on my window, knock on my door~ I want to make you feel beautiful~ I know, I tend to get so insecure~ It doesn't matter anymore~"  

Napatili si Dahlia nang bigla siyang buhatin ni Reymond at tinakbo papasok sa back stage, "Reymond!" 

Tanging ngiti ang isinukli ng binata at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Reymond! Saan ba tayo pupunta?"

"Binibining Miaka kung maari ay manahimik ka muna kung ayaw mong makatikim ng isang matamis na halik mula sa akin." 

Namumulang hinampas ng dalaga sa dibdib ang binata, "Eh saan nga kasi—" napatigil sa pagsasalita si Dahlia.

"May isa akong salita binibini." pilyo siyang ngumiti matapos halikan ang dalaga saka nagpatuloy sa pagtakbo.

***

"REYMOND."

"Hmmnn?"

"Dinala mo ako rito para lang mag-star gazing?" nilingon ni Dahlia ang binata. Nakahiga sila ngayon sa damuhan habang nakatitig sa kalangitan. Nakaunan siya dibdib ng binata na ngayon ay nakapikit.

"Don't underestimate the power of stars mahal ko."

"Bakit? Ano bang kaya nilang gawin? Dekorasyon lang naman sila sa langit natin." muling tiningnan ni Dahlia ang mga bituin, "Wala naman silang natutulong sa Solar System."

"They can connect people."

Napaupo ang dalaga, "Paano?" 

Dinilat ni Reymond ang kanyang mga mata at tiningnan ang kanyang minamahal. Bumangon na rin siya at hinaplos ang mukha ng dalaga, "Mahal ko, mawawala ako. Kailangan kong mangibang bansa."

"W-what?"

"May mission akong aasikasuhin sa Mexico."

"Okay. That's so sudden." nanlulumo niyang tiningnan ang kasintahan, "Nagbibiro ka ba?"

"No."

"Okay, eh di ilang buwan?"

"Mawawala ako ng tatlong taon."

"I-ilan? At teka, t-taon?" 

Mabilis na hinila payakap ni Reymond ang dalaga, "Sandali lang naman iyon mahal ko."

"Wow ha?! Anong sandali?! Eh 12 times 3, 36 months din yun! Tapos 36 times 30, isang libong araw mahigit din iyon! Tapos 1,000 times 24, 24000 hours! Tapos 24000 times 60! Ilang daang libong minuto ka rin mawawala Reymond?! Tapos sasabihin mong 'sandali' lang iyon?!" 

"Jen . . . " nakangiting kumalas ng pagkakayakap ang binata, " . . . hindi lang naman ikaw ang mahihirapan eh." 

Natigilan ang dalaga sa sinabi ng binata, "R-reymond, I-im . . . I'm sorry." tuluyan na siyang umiyak.

Hinalikan ni Reymond ang noo ng dalaga, "I'll be back." sunod ay ang tungki ng ilong nito, "I promise." saglit siyang tumigil nang hahalikan na sana niya ang labi nito, "I love you." saka tulyang sinakop ang mga labi nito.

Agad na tumugon si Dahlia sa halik ng kanyang minamahal. Malungkot siya ngayon pero alam niyang tutuparin nito ang pangakong babalik. Alam niyang babalik ito sa kanya. Napaungol na lamang siya nang lumandas na ang halik ng binata sa kanyang leeg, "Reymond . . . " 

Napasinghap si Reymond at agad na binitawan ang dalaga, "I'm sorry. It's just that—"  

"Damn it Reymond." siya na mismo ang humila sa binata at hinalikan ng mariin.

"You little cat." Reymond bit her lips giving his tongue an easy access to hers. His kisses went down to her jaw line, to her neck, and goes up again to her earlobe, "Stop me Jennica . . . " bulong niya rito saka ibinalik ang paghalik sa leeg nito.

Saka lang napansin ni Dahlia na si Reymond nalang ang tumatawag sa kanya ng Jennica. It's fine with her. She breathe heavily at inilandas ang kamay sa dibdib ng binata, a way of saying, 'I won't stop you.'. 

Reymond groaned at sinimulan na ring paglakbayin ang mga kamay sa mga sensitibong parte ng katawan ng dalaga.

Napadilat si Dahlia at napatingin sa mga bituin, magsisilbi itong witness sa kanilang pag-iisa at ito rin ang magsisilbing koneksyon nila sa isa't isa sa oras na magkalayo sila, "I love you Reymond."

"I love you more Jennica. I love you more . . . "

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon