Tawa ng tawa si Hannah at nilapitan si Lence, "Come on. Ang gwapo-gwapo mo kaya?" she clinged her arms on him at nilingon si Dahlia, "Let's go. Malilate na tayo."

***

"Oh my god girls! Ang gwapo gwapo ni Ideal Stone!"

"It's the Tamahome outfit diba?!"

"OMG. Eh di sana pala nag Miaka na lang ako. Asar!"

Panay ang lingon ni Reymond, hinahanap niya kasi si Jennica. Narito siya ngayon sa Cosplay Party ng Woodsen Academy. This is a yearly event na kailangan nilang salihan. Napabuntung-hininga siya. Miss na miss na kasi niya ang dalaga at gustong-gusto na niya itong makita.

"Kuya!"

"Hi Reymond." 

Napatingin si Reymond sa dalawang dumating. Sina Allyssa at ang kanyang kapatid na si Raymund. "Uhh . . . anong ginawa mo sa buhok mo Allyssa?"

"Ako si Shana ng Shakugan no Shana!" 

Tiningnan ni Reymond si Allyssa na para bang may dumi ito sa mukha. Bukod kasi sa pininturahan nito ng pula ang hanggang bewang na buhok ay may nakasukbit pang guitara sa likod nito. Ibinaling na lang niya ang tingin sa kapatid niyang parang ewan din na kinulayan ng dilaw ang buhok, "At sino ka naman?"

"Kyohei Takano." saka sinamaan ng tingin ang kasamang babae, "Sabi ng ikaw na lang si Sunako Nakahara eh. Kainis."  

He patted both their heads and said, "Kailan kaya kayo magkakasundo?"

"Kapag wala na siyang dalaw." nakangising sagot ni Allyssa.

"Aba't!" kinurot na lang ni Raymund ang pisngi ng babae.

"Bitawan mo ako bakla!"

"Reymond!" 

Napatigil sa kulitan ang dalawa nang lumapit ang nag-iisang James Moncieller, "Bro! Nakita mo ba si Jen?" 

Malawak ang ngiti ni Moncieller nang may ibinulong siya kay Reymond. Kitang kita niya kung paano ito unti-unting napangiti at agad na tumakbo paalis. Nakangiti pa rin niya itong sinundan ng tingin saka binalingan ng tingin ang dalawang naiwan, "Hi . . . Allyssa, tama ba? And Raymund. Sup?" 

Naestatwa si Allyssa ng makitang ngitian siya ni Moncieller.

Tss . . . ang OA ng reaksyon ng babaeng ito., umiling si Raymund at lumapit kay Moncieller. Nakipag-fist pump siya rito at sinabing, "Okay lang! Ikaw ba?"

"Ayos lang din pero mukhang si Allyssa hindi? Namumula siya."

"Ah wala iyan. Parte lang iyan ng costume niya."

"Ah ganun ba? Okay. I'll go ahead." muling ngumiti si Moncieller at tuluyan ng umalis.

"W-what did you told him?!" kilig-imbyerna ang nararamdaman ngayon ni Allyssa. Saka inapakan niya ang paa ni Raymund na napa-aray na lang sa sakit.

***

NASA gitna ng sayawan ang lahat nang biglang namatay ang ilaw ng hall. Tanging isang spotlight lang ang naiwan sa center stage kung saan nakatayo ang nag-iisang Ideal Stone, Reymond Dela Fuerte, "Good evening."

Ang bilis ng tibok ng puso ni Dahlia habang nakatingin sa entablado kung saan naroon ang kanyang minamahal. Miss na miss na niya ito. Kung pwede lang talaga takbuhin niya ito palapit at saka yakapin ay ginawa na niya.

"I'll be performing and I'll dedicate this to my fiancé. Spotlight please." sa totoo lang ay walang ideya ang binata kung saan nakaupo si Jennica at sa tulong ng spotlight ay natagpuan niya ang pinakaespesyal na babae para sa kanya, "There. I-i want to say how beautiful you are tonight. And I love you so much Jennica Mae Perez, I love you so much. Here you go." he started strumming his guitar, "Beauty queen of only eighteen~ She had some trouble with herself~ He was always there to help her~ She always belonged to someone else~"

The Philosopher Stones (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora