/36/ The Newcomer

Start from the beginning
                                    

"Here," namalayan ko na lang na nasa isang coffee shop na pala kami. "Okay ka na ba?"

Tumango ako at tinaggap yung binigay niyang inumin. Actually, kanina pa ko okay, siguro nashocked lang ako sa mga mabibilis na pangyayari. Ni hindi ko lubos maisip na makikidnap ako ngayon at heto buhay na buhay pa rin ako. Kung nakita ko lang yung future... Mali... Hindi ko dapat isipin yon.

"Thank you nga pala." Sabi ko tsaka humigop. Pasado alas nueve na ng gabi at mangilan-ilan na lang yung tao rito sa coffee shop.

"Wala yon. Buti na nga lang nasagot ko yung tawag mo, hindi ka sumasagot kaya nag-alala ko. Naisip kong itrack ka, buti na lang at pinuntahan kaagad kita." Sabi niya, "delikado na talaga ang panahon ngayon." Naging seryoso yung boses nya at nakatingin sa labas. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong seryoso si Enriquez. Sa totoo lang, hindi maganda ang aura niya kapag seryoso, parang naging misteryoso, at nakakatakot. "Pero ang mahalaga, ligtas ka na." biglang nag-iba yung mood niya, mula sa seryoso ay naging masaya. Ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman sa mabilis na pagswitch nya ng mood.

"Oh, bakit natulala ka na naman sa awesome face ko?" kaagad ko namang iniwas yung tingin ko. Jill, you can't look at his eyes or else... "I know, nagiging gwapo pa ba ko lalo sa paningin mo?"

"Enriquez." Napansin naman nya na seryoso ako kaya kaagad din siyang tumino.

"Yes babe?"

"Babe mo yung muka mo."

"Kidding." He laughed, then coughed "Yes, why?"

"May alam ka ba tungkol sa Memoire?" nakita ko na napahinto siya saglit at dinako na naman yung tingin sa labas. Kitang-kita ko sa repleksyon ng salamin yung mga mata niya, seryoso, walang buhay.

"Memoire?" nakapangalumbaba siya habang tumitingin sa labas, "Bakit mo naman natanong?"

"Sila ata yung nagpakidnap  sa'kin." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. "Gusto kong malaman kung sino sila at kung ano ang kailangan nila sa'kin."

"Kaunti lang yung mga naririnig ko tungkol sa kanila. Isa yata silang malaking organisasyon na nagpapatakbo ng iba't ibang kumpanya," may tinuro sa labas si Enriquez at napatingin naman ako kaagad doon, "nakita mo yung building na 'yon? Yung Black Diamond Tower, ang sabi nila under din daw yun ng Memoire." Pagpapaliwanag niya. Weird, pero paano naman niya nalaman yung tungkol doon? "Marami rin kasing kilala sa business world si dad kaya minsan nakukwento niya sa'min ni mom."

Napaisip ako. Kung ganon pala hindi basta-basta yung organisasyon na 'yon? Siguradong sigurado ako na hindi nila ko basta na lang kinidnap ng dahil lang sa mababaw na dahilan, galing ako sa prominenteng pamilya pero hindi naman siguro dahil lang sa pera, kung gusto nila akong ipapatay bakit hindi pa nila kaagad ginawa? At anong dahilan? They want something.... Something special... from me. Hindi kaya...

"Jill?" I snap out, "Are you sure okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya habang nakahawak na pala sa kamay ko. Binawi ko yon at iniwas na tumama ang tingin sa mga mata niya.

"Yeah." Tumango ako at huminga ng malalim, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, "Naisip ko lang... Ang hirap piliin ng mga taong dapat mong pagkatiwalaan. Sa dami ng mga kakaibang nangyayari sa'kin ngayon pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko hindi na katiwatiwala." Ewan ko ba kung saang banda ko hinugot ang loob para masabi yan kay Enriquez. First time kong mag-open ng isang topic tungkol sa mga bagay-bagay sa kanya, at sa dinami-rami ng pwedeng buksan, tungkol pa sa 'tiwala'.

The Peculiars' TaleWhere stories live. Discover now