Chapter xxiv ~ Salamin

18K 418 56
                                    

Chapter xxiv

Tutal sa  isang shoe store kami unang nagkakilala, napagdesisyunan kong pasukin ang lahat ng shoe store na mahagip ng aking paningin -- kasama ang tagabuhat slash assistant ko syempre. Matagal ko ng gustong libutin itong mall. Mas lalo na ang pumasok sa bawat shoe store dahil ito ang hilig ko. Noong una ayaw pa ni Nathan pero noong makita kung saan ang destinasyon namin, nabuhayan sya ng dugo.

Meron akong isang sapatos na nagustuhan. Kulay itim sya na may sintas na kulay puti. May disenyo ito sa gilid na isang bulaklak - isang rosas na buhay na buhay habang tumatagal na tinititigan. Kulay pula ito na may konting pagkakulay dalandan. Namamangha ako sa disenyo dahil napaka-astig tingnan. Gustong gusto ko itong bilhin ang kaso tulad ng dati kong dahilan, wala akong sapat na pera. Sabi na nga ba dapat hindi ako nadala sa pagbili ng libro kanina. Nagkulang tuloy ako sa pera.

"Hoy Dora, tara na! Saan ang susunod na destinasyon natin?"

Sobrang saya ng mukha nya. Sa kamay nya ay hindi lang ang mga pinamili ko kanina. May bago syang dalawang plastik na dala. Bagong sapatos na halos kabibili lang nya.

Tumingin ako sa mga ito bago tumingin sa kanya. May simangot sa mukha ko.

Mabuti pa ang mga tulad nyang mayayaman, walang problema sa pera.

"Anong problema mo? Bakit ka ganyan makatingin?"

"Ang swerte mo."

"Bumili lang ako ng sapatos, swerte na?"

"Nila-'lang' mo ang pagbili ng sapatos? Wow. Siguro maliit lang na bagay sayo yan. Pero sa iba? Kayamanan na yan."

Marami pa kaming pinasukan na store. Kumain din kami at lahat ng yun syempre libre nya. Todo pa nga ang reklamo nya noong kumain kami. Nag-order lang kasi ako ng nag-order. Para pang fiesta ang mesa namin. Nanlaki ang mga mata nya dahil sa katawan ko.

"Rico, is that you?" sabi pa nga nya sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin.

Noong naglalakad na kami ulit, para na syang isang sampayan sa sobrang dami ng dala. Gayunpaman, hindi ko pa rin sya tinulungan. Natutuwa ako na nakikita syang naghihirap. Tawanan ba naman ako ng tawanan sa restaurant kanina. Para syang timang na nakahithit ng ipinagbabawal na gamot.

"Naiihi na ako. Hoy Dora. Hinto muna tayo rito. Hintayin mo ako saglit!"

"H-Hoy! Saan ka pupunta? Iiwan mo lahat ng yan sa may gilid? Ayos ka lang?"

Ibulagta ba naman kasi ang lahat ng pinamili sa baba. Hindi pa man din nya inayos nagkalat tuloy sa sahig. Nagmukha itong basura na nakahanda na para pick-up-in ng truck.

"Sa washroom saan pa nga ba? Alangan naman umuhi ako rito!"

"Fine, fine! Idala mo rito."

Dumiretso kami sa may bakanteng upuan. May ilan sa mga babae ang ngumiti kay Nathan. Sinuklian naman nya ito ng kindat kaya nagsisitili sila sa kilig. Tinaasan ko sya ng kilay.

"What? Atleast, sa mata nila hindi ako baliw. Bakit, nagseselos ka ba Dora. Halikan kita jan eh."

Babatuhan ko na sana ng sapatos ang loko pero tumakbo na sya palayo. Panay ang tawa nya. Marami mang tao ito pa rin ang maririnig mo.

Halik? Psh. Halik mo ulol! Walang gustong humalik sa makasalanan nyang mga labi. 

Huminga ako ng malalim at saka umupo. Sa may kanan ko ay ang isang matandang babae. Ngumiti sya sa akin.

"Boyfriend mo ineng? Aba't kay guwapo naman at kay bait. Pinagbubuhat ka nya at sinasamahan ka pa rito sa mall para mamili."

Ngumiti na lang ako kay lola. Naku kung nya lang. Mabait? Yung manyak na yun? Kung hindi ko nga lang sya tinulungang makatakas, hinding hindi nya ako sasamahan na magpunta rito.

The Seventh RoseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang