Chapter xv ~ Detention

21.7K 364 31
                                    

Chapter xv

Bahagya kong sinisipa sipa ang sahig. Nakayuko ako habang nakalagay sa likod ang dalawa kong kamay. Late na naman ako kaninang umaga kaya may detention na naman ako. Kasalukuyan kaming sinisermunan ng teacher na nakilala ko noong isang araw. Katabi ko si boy manyak at kasama ko na naman sya sa paglilinis. Nakakainis nga eh. Dahil sa second detention na ito, naparusahan kami na maglilinis sa school ng halos dalawang linggo.

Ngayon ko lang napagtanto na ganun pala kaseryoso ang Princeton sa late policy rule. 

Mag-uumpisa na sanang magsalita ang teacher namin ng bigla na lang may pumasok sa loob ng pinto. Hingal na hingal syang napahawak sa may pinto. 

"Hi ma'am," nagulat ako ng makita na si Nyree ito. Kagat labi syang napayuko habang papasok sa loob. Ngumiti sya sa akin at tumingin sa teacher. "Sorry po late ako." 

Sunod namang pumasok sa loob si Kelly pati ang isang lalaki sa likod nya na kung hindi ako nagkakamali, Rico ang pangalan. Tulad ni Nyree, nakayuko silang pumasok sa loob at humingi ng tawad sa pagkaka-late. Nakatayo kaming nakalinya sa harap ng teacher, nakalagay ang mga kamay sa likod at nakayuko. May mangilan ngilan ding ibang estudyante bukod sa amin. Sa loob ng ofifice na ito, halos hindi kami baba sa sampu.

Napahawak sa ulo ang teacher. "Hay kayong mga bata kayo. Late na nga sa klase, late pa pati sa detention. Ano nang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Hay buhay." Humalukipkip sya at humarap sa tatlong bagong dating. "Kayo naman, ano ang mga excuse nyo aber? Bakit kayo late?" 

"Ma'am may inasikaso lang po para sa gagawing music video ng banda namin," sabi ni Nyree na sinang-ayunan naman ng kapatid na si Kelly. 

"Ako naman ma'am," napakamot sa ulo si Rico "Band at basketball practice po. Ikaw kasi 'tol eh iniwan mo ako kanina. Hindi mo ako tinulungang mag-ayos ng mga equipment sa gym" turan nito kay Nathan na katabi ko. Napatingin ako sa kanya. 

"Trabaho mo kayo iyon," reklamong sagot naman ni Nathan. 

"Sabi kaya ni coach dalawa tayo!" 

"Ang narinig ko ikaw lang kaya." 

"Stop!" muling napahawak sa ulo ang teacher namin na tila ba sumasakit ito dahil sa mga estudyanteng nasa harapan nya. 

Natahimik silang dalawa at mabilis na itinikom ang mga bibig. Umayos sila ng tayo. 

"Mr. Rodriguez," tawag ng teacher sa kanya. 

"Yes ma'am?" 

"Nalinis nyo na ba ni Ms. Dela Torre ang lahat ng pinapinta kong vandalism doon sa may pader?" 

"Opo ma'am." 

"Good. Kunin nyo itong pintura at may ipapagawa ako sa inyo." 

May inabot sa aming pintura yung teacher. Asul, dilaw, pula, puti at itim. Pinabuhat nya ang lahat ng iyon sa kasama ko samantalang ako, sa akin nya pinabuhat ang mga brushes at ang mangilan ngilan pang mga gamit. 

"Alam nyo naman na kung saan ang pwesto nyo diba? Ituro nyo iyon kanila Ms. Fray at Mr. Del Rosario. Magmula ngayon, kasama nyo na silang maglilinis sa pwesto na iyon."

Pasimple kong kinalabit si Nyree na nasa tabi ko. Fray pala ang apelyido nya? 

"Na-late ka rin?" bulong ko sa kanya

"Oo eh, sa isang subject." 

"Pati si Kelly?" 

Tumango sya. "Sabay kaming pumapasok. Nagkaroon kasi ng problema yung kotse namin kaya medjo nahuli kami sa klase. Buti na lang nakagawa ng paraan si manong Raul, yung driver namin."

The Seventh RoseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin