Chapter xii ~ Clarity

23.8K 376 22
                                    

Chapter xii 

Matagal na rin noong huling tumawag sa akin si papa. Hindi ko alam kung isang magandang balita nga ba na hindi sya nagpaparamdam o hindi. Gayunpaman, masaya ako na sa mga huling araw na nakakalipas, walang panibagong buhay ang nagwakas sa mga kamay ko. Ayoko munang isipin ang natitirang mga pangalan sa listahan na kailangan kong tapusin.

Kahit ngayon lang...

I want to feel that I'm living a normal life. 

Kinausap ko na ang office tungkol sa pagpapapalit ko ng Music and Arts subject pero nabigo ako. Wala na raw kasing natitirang available subject sa listahan na ibinigay ko. Alam kong dapat akong makaramdam ng lungkot. Pero bakit ganun? Sa loob loob ko, ang saya saya ko?

Magmula ng makita ko ang malungkot na mukha ni Nathan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya sa school sa tuwing may pagkakataon ako. Ang mga ngiting iyon... Ang mga tawa. Hindi ko mapigilang mapaisip kung paano nya nagagawang maging masaya sa kabila ng totoong damdamin na nararamdaman nya. Alam kong mukha syang masaya. Pero noong nakita ko na may ganun din pa lang syang side, kahit anong gawin ko, kahit anong iwas ko, wala akong nakikita sa mga mata nya kundi lungkot. 

Palagi pa rin nya akong kinakantiyawan sa tuwing nakikita nya ako sa may hallway ng school. Tinatawanan nya ako at pinagtritripan sa tuwing may pagkakataon. Hindi ko na lang ito binibigyan ng pansin dahil sa lahat naman ng babaeng makaharap nya ay iyon ang ginagawa nya. Gusto kong makaramdam ng simpatya sa kanya pero sa tuwing ginagawa nya ang lahat ng iyon, lalong lalo na ang kamanyakan nya at pagiging number one playboy sa academy, lahat ng pakiramdam ng simpatya sa dibdib ko ay nabubura.

Siguro nga ay nadenggoy lang ako sa kaartehan nya. Siguro hindi totoo ang mga luha na sandali kong nakita at ang lungkot sa mukha nya. Habang tumatagal tuloy ay nagiging isang malaking pala-isipan sya sa akin. 

Sino nga ba ang tunay na sya? Yung nakita ko sa loob ng music room o yung pinapakita nya sa lahat ng tao? O baka naman sa pinapakita nya sa girlfriend nya, iyon ang tunay na sya?

Maaga pa lang ay nandito na ako sa school. Wala pang gaanong tao kaya sobrang tahimik sa paligid. Nakasandal ako sa tapat ng locker ko habang nagmumuni muni. Ano kayang pwedeng gawin ngayong araw na ito?

 

"Handa ka na ba? Naidala mo na lahat ng kailangan mo?"

"Opo."

"Sigurado ka bang susunduin ka ng mokong na yun?" 

"Opo." 

"Wag mong kalimutang idala yung cellphone mo para makatawag ka sa akin anytime na may kailangan ka."

"Opo."

Napasilip ako ng kaunti sa kabilang pader matapos marinig ang dalawang boses na iyon. Si Jace at si Serene. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Aalis na sana ako ng bigla na lamang silang nagsimulang humakbang papunta sa direkyon ko. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa pag-uusap kaya medjo naipit ako sa tinataguan ko. Idagdag mo pa na halos huminto sila malapit kung saan ako nakatayo,mahirap na talagang tumakas. Gayunpaman dulot na rin ng kyuryosidad, tahimik akong nakinig. 

Huminga si Jace ng napakalalim. Iritado nyang tiningnan ang kausap. "Serene I'm trying to be serious here. Wala ka bang ibang isasagot kundi opo?"

"Eh kasi naman po masyado kang seryoso. Dinaig mo pa ang tatay ko sa pag-iinterview sa dami ng tanong mo. Magiging ayos ako roon kaya wag kang masyadong mag-alala sa akin okay?"

"Nag-iingat lang ako."

Napukaw ang atensyon ko matapos marinig ang bagong tono sa boses ni Jace. Mula kasi noong umpisa ko syang makilala wala akong narinig sa tono ng boses nya kundi kasungitan. Yung para bang lagi syang galit, yung boses na napakalamig. Pero ngayon sa unang pagkakataon, nakarinig ako ng emosyon sa boses nya. Emosyon na hindi ko pa narinig na sinabi nya sa kahit kanino man.

The Seventh RoseWhere stories live. Discover now