Chapter v ~ Pasukan

30.1K 508 57
                                    

Chapter v   

Alam mo yung feeling na sobrang bilis ng tibok ng puso mo dahil sa kaba? Yung parang hindi mo na alam ang gagawin mo kundi manatili na lang sa isang sulok dahil sa bagong lugar na napuntahan mo. Napakaraming tao, napakaingay. Kung sa misyon nga, patayan at barilan wala akong nararamdamang takot pero ngayon dito parang gusto ko na lang ay magtago sa sulok, tumakbo pauwi at hinding hindi na muling babalik pa rito kahit kailan.   

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Kabadong-kabado.   

Matatanggap kaya nila ako rito sa bago kong school? Kapag nalaman kaya nilang parte ang pamilya ko sa isang gang itataboy nila ako? Iiwasan and worst baka matakot sila sa akin tulad ng mga tao sa lugar namin. Kaya nga wala akong nagiging kaibigan eh. Dahil sa kung ano ako at kung ano ang katayuan ng buhay ng pamilya namin.   

Napatingin ako sa dalawa kong kamay. Sa unang pagkakataon naramdaman ko na parang ang dumi-dumi ng mga kamay ko. Dahil sa mga misyon na ginawa ko sa mga kamay na 'to... marami ang nagwakas ang buhay. Makakapagbagong buhay pa kaya ako? Ito na ba ang senyas ng paninimula ko sa isang bagong buhay, malayo sa gulo, malayo sa patayan at malayo sa aking ama? Sana lang. Sana.

Huminga ako ng napakalalim bago muling iniangat ang tingin sa buong paligid.   

"Kaya mo 'to Leira. Kaya mo 'to. Walang makakakilala sayo rito. Wala. Magkakaroon ka na rin ng bagong mga kaibigan sa wakas. Kaya mo yan."   

Pagkatapos sabihin ito sa sarili kabado man ay nilakasan ko ang loob ko. Kaya ko 'to. Sinimulan ko ang paglalakad papasok sa napakalaking building na kung hindi mo alam na isang school ay aakalain mong isang palasyo dahil sa laki at sa garbo ng itsura.   

Napakaraming estudyante sa paligid. Lahat sila ay nakasuot ng uniform na tulad ng suot ko at halos lahat ay magkaparehas na magkaparehas ang suot. Mula sa sapatos, bag, at sa suot ng mga babae na palda at sa lalaki naman na polo. Tama nga si papa, hindi basta basta ang paaralan na 'to. Prestihiyosong prestihiyoso talaga. Mula loob hanggang sa labas sobrang ganda. Napapa-'wow' na lang ako ng hindi ko sinasadya.   

Pagkatapos makuha ang schedule ko at mangilan ngilang instruction sa may office,  binuklat ko ito para tingnan.

Period 1: Filipino 11

Period 2: Music and Arts 11

Recess

Period 3: Home Economics 11

Period 4: Calculus 11 

LUNCH

Period 5: English 11

Period 6: Law 11

Recess

Period 7: Social Studies 11

Period 8: Chemistry 11

Time table ang tawag nila sa schedule. Pangsosyalin talaga. Parang wala ako sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa. Ang tema kasi nila rito ay ibang iba sa nakasanayan ko sa school namin sa probinsya. Pero parang hindi ko gaanong gusto ang nasa schedule ko. Walang akong Biology and I need it. Ang mismong school kasi ang namili nito para sa akin at hindi ako. Sabi naman daw nila pwede akong magpapalit anytime ng subject kung gusto ko kaya ayos. 

"Dumating na ba ang Princeton Band at Intricate Band? OMG! Hindi ko na sila mahintay!!"   

May nadaanan akong mga babae papunta sa banyo. Sa kakatili nila at patalon talon na parang excited na excited hindi ko maiwasang magtaka kung anong meron.   

The Seventh RoseWhere stories live. Discover now