Chapter vii ~ Kaibigan

28.9K 467 30
                                    

Chapter vii

Paminsan minsan masarap talaga ang magwindow shopping. Patingin-tingin, pasilip-silip, palingon-lingon at pasulyap-sulyap sa buong paligid dahil doon pa lang busog na ang mga mata mo sa dami ng nakikita. Masarap ang magwindow shopping kasi tipid sa lahat ng bagay pwera sa pamasahe. Masaya ka na sa simpleng pagmamasid at pagtingin-tingin. Kasi ganun talaga. Lalo na sa mga taong walang pera. 

Tulad ko.

Itinaas ko ang kanang kamay at napabuntong hininga sa nakita. Puro barya na lang ang pera ko. Hindi pa kasi nagpapadala si papa ng budget ko para sa linggo na 'to. Masarap makuntento sa ganitong bagay lalo na kung wala kang pagpipilian.

Bumuntong hininga ako ng napakalalim.

Meron pa namang natitirang papel sa pera ko bukod sa barya. Yun nga lang, ang pera na 'to ay ipon ko. Dinadala ko talaga ito kahit saan in case of emergency. Mahirap kasi sa panahon ng gipitan. Mas maganda ang may nadudukot kaysa wala.

Natapos na ang isang linggo para sa bago kong school-- ang Princeton Ellipses Academy. So far so good, pwera na lang noong nalaman ko na si boy manyak ay doon din pala nag-aaral. Sa buong linggo magmula ng malaman ko na doon sya nag-aaral, iniiwasan ko sya na parang bagyo sa paningin ko. Bagyo sya, oo. Kasi malaking delubyo ang lalaking yun sa buhay ko. Makita palang sya ay kumukulo na ang dugo ko. Hindi ko nga alam kung anong kinahuhumalingan ng mga babae sa taong tulad nya. May itsura, oo. Pero bukod pa roon ay wala na. Sa buong linggo ba naman na nakikita ko sya mahigit isang dosena na ang nakita kong kalandian nya.

I'm like, what the heck? Seryoso?

Hindi ko alam kung yung mga babaeng nakakasama nya eh sadyang tanga o nagayuma. Halata naman kasing ginagamit lang sila ng lalaking yun para sa pansariling kasiyahan. Kapag sawa na, wala na. Para silang damit na kay daling palitan. 

Hindi ko naman ginustong may makita syang may ka-PDA, any time, any where, 24/7. Ewan ko ba naman kasi sa tadhana na yan, kahit anong iwas ang gawin ko lagi ko syang nadadaanan, nakikita at napapansin kahit sobra pang dami ng tao ang nakapaligid. Tulad na lang kinabukasan pagkatapos ng first encounter ko sa kanya sa cafeteria, napadaan ako sa isang corridor para sa next period ko. Paliko na ako noon ng may bigla akong nakita na naglalampungan na dalawang love birds sa may lockers. Walang tao sa paligid dahil tumunog na ang bell. Napaatras ako at nagtago sa kalapit na pader. Noong sinilip ko kung sino, si boy manyak kasama ang bago nyang biktima. 

Noong sumunod na araw sa likod ng school, ibang babae pero si boy manyak pa rin ang kasama nya. Tapos noong sumunod na araw, isang lingon ko lang, nakita ko na naman sya at may ibang kasama. Tapos noong sumunod at noong sumunod pa iba na naman ang kasama nya. Paulit ulit. Nakakasawa na. Ang mata ko kasi kung saan-saan gumagala. Ayan tuloy nakikita ang mga di dapat makita. Buti na lang sa isang linggo na yun ay nakikita ko man sya, hindi naman nya ako napapansin. Wala rin akong klase na kasama sya kaya sobrang saya ko talaga. 

Bigla ko tuloy naalala yung unang babae na nakaconverse na tumulong sa akin noong first day, wala rin kasi kaming klase na magkasama. Gusto ko talaga syang makilala. 

Speaking of first day. Urgh. Naalala ko tuloy ang mga kahihiyan na nangyari. Yung lalaki doon sa washroom, at yung babaeng nakabangga ko noong papasok sa girls washroom. Buti na lang bukod pa doon sa babaeng nakaconverse may nakilala akong bago na sa tingin ko ay mabait din tulad nya. Si Nyree.

She'd been nice to me for the whole week at ang totoo nyan, sya pa ang nagtour sa akin sa bago kong school. Nakilala ko na rin ang kapatid nya, si Kelly. Natutuwa ako sa kanilang dalawa dahil ang kulit-kulit nila kapag magkasama. Ang nakakalungkot, wala rin kaming klase na kasama ko sila dahil mas matanda ako sa kanila. Grade 10 si Nyree at Grade 9 naman ang kapatid na si Kelly. Gayunpaman, inalok nila ako na kung may kailangan ako ay wag akong mahiya na lapitan sila. They're so nice and sweet. Hanga ako sa mga magulang na nagpalaki sa kanila. Lagi silang masaya na parang walang problema. They're so lucky to have a parents-- isang pamilya na makakapitan at masasandalan nila. Di tulad ko, may ama nga pero... 

The Seventh RoseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang