Chapter xLv ~ His'story'

7.4K 327 137
                                    

Chapter xLv

Nagsitakbuhan ang mga lalaki palayo bago pa man ako nakabawi sa pagkabigla. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang na may humihila sa braso ko. 

Bahagya akong itinulak ni Nathan sa isang pader. Ang lugar kung saan nya ako idinala ay tago ng konti. Ilang ulit pang tiningnan ni Nathan ang buong paligid upang makasiguro na wala nang tao. Nang makuntento ay ibinalik nya ang tingin sa akin. 

"Wala kang nakita naiintindihan mo ba yun?" seryoso ang mukha nya. May ilang ulit pa syang nagpalinga linga na akala mo ano mang oras ay may susulpot sa tabi namin. 

"Wala kang nakita." ulit nya. "Wala kang sasabihin kahit na kanino lalo na kay Serene. Nagkakaintindihan ba tayo?" 

"Bakit? Yung ganung lakas hindi dapat--" 

"Makinig na lang." 

Ayaw nyang ipasabi kay Serene. Ibig sabihin ba nito... "Walang may alam tungkol dito?" 

Hindi sya sumagot. 

"Bakit kailangan mong magpanggap na mahina ka? Para saan pa ang training na ginagawa natin sa bawat hapon pagkatapos ng klase? Nagsasayang lang tayo ng oras!" 

"Alam ni Jace." Iniwas nya ang tingin sa akin. 

Gayunman, ang malaman na alam ni Jace ang tungkol sa bagay na ito kay Nathan ay isang malaking palaisipan sa akin. 

Bakit nila itinago? 

"Alam ni Jace na kahit noon pa man ay ayoko na ng kahit na anong koneskyon sa Gangster Society. Parehas kami noon ng pinaniniwalaan. We don't want to be associated with any name that pertains with a word 'gang' on it. Pero maraming nangyari. Iba ang direksyon ang tinahak nya at iba rin ang tinahak ko. Hindi nya sinabi kahit na kanino kahit pa kay Serene dahil nirerespeto nya ang desisyon ko." 

May isang ideya ang pumasok sa isip ko. Isang ideya na nagpabaliktad sa sikmura ko. 

"Wag mong sabihing... umanib ka sa kalaban at gusto mong kalabanin ang Gangster Queen?" 

Kahit sandali ko pa lang nakilala si Serene, kahit na hindi ko pa sya ganun katagal na nakasama, iniisip ko pa lang na may binabalak si Nathan sa kanyang masama ay hindi ko maiwasang maging protective sa kanya.

Nakita ko sa mukha ni Nathan na mukha syang nagulat dahil sa sinabi ko. He looks offended even.

"Hindi ko gagawin yun. I love all of my friends. I love Jace. I love Serene. Serene is like a little sister to me. Hinding hindi ako gagawa ng kahit ano na makakasira sa amin ni Jace."

"Pero bakit? Bakit kailangan mong itago?"

Ikaw Leira? Bakit kailangan mong magtago? bulong ng demonyo sa utak ko. 

Ang likod nya ay nasa akin kaya hindi ko makita ang mukha nya. 

"Mahirap ipaliwanag. Masyadong komplikado." Tumingin sya sa gilid nya. Ang kalahati ng mukha nya ay nakikita ko. "Mas mabuti sigurong ipakita ko sayo para mas lalo mong maintindihan." 

Dumiretso kami ni Nathan sa condo unit na tinutuluyan nya. Hindi ko alam kung bakit pinili ng mga paa kong sumama sa kanya at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nya ang lahat ng ito sa akin. Ang alam ko lang ay nabigyan ako ng isang pambihirang pagkakataon. Isang pagkakataon upang makapasok sa buhay nya na pagkatagu-tago. 

Tulad ng una kong nakita noong unang beses na nagpunta ako rito, tumambad sa harap ko ang dalawang puting palamuti na nakasabit sa dingding. Meron itong itim na tinta. Isang calligraphy na puno ng detalye at milyun-milyong tagong sikreto. Walang iba kundi ang baybayin na sinabi sa akin ni Nathan noon. 

The Seventh RoseWhere stories live. Discover now