Chapter xix ~ Ika-pitong araw

21.2K 357 52
                                    

Chapter xix

Iniiwasan ako ni Nyree. Actually hindi sya, kundi si Kelly na sa tuwing nagkakasalubong kami sa daan, hinihila nya palayo ang kapatid mula sa akin. Hanggang ngayon ay binibigyan pa rin nya ako ng masamang tingin. Masamang tingin na matagal ko ng hindi nakita mula kay Kelly, ngayon lang ulit. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko pakiramdam ko pumalpak ako. Isang bagay na ni minsan hindi ko pa nagawa. 

Bait kapag sa patayan madali kong nagagawa ang lahat? Pagdating sa pagsira sa kahit anong bagay doon ako batikan. 

Pero pagdating sa pagbuo, doon ako madalas tumatagilid. Imbes makabuo ako ng mga taong matatawag kong kaibigan, winawasak ko rin yata sila ng hindi ko namamalayan. 

Ika-limang araw para sa pagpipinta namin at halos wala kaming pansinan. SI Nyree tahimik, iniiwasan nya ang mga mata ko. Si Kelly busy sa pagpipinta samantalang si Rico at si Nathan ay ganun rin. 

Sa ika-anim na araw walang pinagbago. Nakalahati na rin namin sa wakas, pero nanatiling tahimik ang grupo. Tawanan lang siguro ng dalawang lalaki na kasama namin kung minsan pero bukod pa roon wala na. Pakiramdam ko habang tumatagal ang pinipinta ko imbis na nagliliwanag, mas lalong nagdidilim.

"Wow ang ganda." sabay sabay kaming lahat napalingon sa nagsalita. Dito namin nakita sila Theo at ang iba pang myembro ng grupo na kalaban namin. 

"Ang ganda. Ang gandang ipakita aso para may bago silang inudoro." nagtawanan silang lahat. Tulad namin ay lima rin sila. Yun nga lang, iisa lang ang babae sa grupo nila. 

"Hoy. Ayaw namin ng away dito kaya kung gusto nyong hindi ko maipanligo sa inyo itong pintura, tatalikod kaya at aalis na rito." sita ni Nathan sa kanila. Nitong mga huling araw, hindi ko na nakikita si Nathan na may kasamang mga babae. Medjo mukha syang seryoso sa pagpipinta, halatang nagkokonsentreyt para agad itong matapos nang sa ganun ay malaya na sya. Bilib din ako sa strategy nya kung ganun. Atleast kahit may pagkamanyak at babaero, alam nya kung saan magfofocus kapag kinakailangan.

"Ang highblood mo naman Nathan. Binibiro lang kayo eh." ani Arnold, kung hindi ako nagkakamali. Sya yung sinasabi sa akin nila Kelly noon na magaling magpinta, kasama si Theo na nasa tabi nya. 

"Biro ba yun? Pasensya na mga tsong pero hindi maganda ang biro nyo. Pinaghirapan namin yan. Respeto na lang." sabat naman ni Rico. "Pero patatawarin naman kayo kung may dala kayong pagkain. Teka meron nga ba?"

"Ano ba kasing ginagawa nyo rito at naligaw kayo?" inis na tanong ni Kelly. 

"Syempre chinecheck lang namin kung malaki bang threat ang kalaban namin, but it turns out, not." 

"Walang kwenta." sambit nung babaeng kasama nila sabay ngisi sa amin na akala mo isa syang matandang mangkukulam. "Seryoso Theo? Iyang painting na yan ang kinakatakutan nyo? Aba't pusanggala, nag-effort pa kayo di ba? Halata naman kung sino ang magsstay pa rito sa school para sa panibagong detention." 

Pasimple pa itong dumura sa may paanan nya. So unlady like. 

"Pero maganda rin naman." sabat ng isa pa nilang kasama sa likod na may suot na salamin. Kahit papaano pala may matino pa sa grupo nila at alam ang ibig sabihin ng salitang 'appreciation'. "Maganda yung shading tapos naemphasize ng kulay ng painting ang gusto nilang ipakita. Nagcontrast din ang kulay blue sa pink. Nailalabas nito ang pinaka main theme ng pinipinta ni--" 

"Oh shut up Joey! Wala gustong makinig jan sa walang kwentang artist critique mo." 

Bahagya nitong inayos ang salamin. "Pero aminin nyo. Maganda rin naman talaga." 

"Shut up!" this time yung babae na ang nagsabi nito sa kanya. 

Lumapit sya kay Nyree at saka kinuha ang isang brush nakababad sa tubig. 

The Seventh RoseWhere stories live. Discover now