Chapter 18

35.6K 1.1K 66
                                    

Chapter 18

Loren Dianne's P.O.V

Ang sakit ng mga paa ko dahil sa paghahanap kay Ella Marie, kanina ko pa siya gustong makausap, ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makalapit sa kanya. Kanina noong hinimatay siya, tumakbo palapit sa kanya, ngunit nakita ko agad si Shawn, minsan nakakainis ang pagiging epal ni Shawn sa friendship naming tatlo, mula ng napalapit si Ella Marie sa kanya. Naging madalang na lang kaming magkasama sa school. Madalas kasama ko si Annaliza, nauumay na tuloy ako sa pagmumukha niya.

"Piggy besh!"

Speaking of the devil My piggy besh Annaliza is Here, huminto ako upang hintayin siya, umaalog ang buong katawan niya maging ang napakalaki niyang hinaharap na kasing laki ng bilbil niya.

"Piggy besh," hinihingal niyang sabi.

"Yes?"

"Kanina ko pa kayo hinahanap ni Ella, mabuti at nakita kita. Nasaan si Ella?"

"Kanina ko pa nga rin hinahanap, kanina kasi kasama niya si Shawn."

"Baka umuwi na sila," sinipat niya ang wrist watch niya. "Ala-sais na ng gabi, umuwi na tayo."

"Oo nga malapit ng dumilim dito, tara uwi na tayo, bukas na lang tayo magpapalibre kay Ella Marie."

"Tama, kanina pa tumatawag si Mommy, hindi ko lang sinasagot malolowbat na rin kasi ako." Sagot ni Annaliza.

"Tara na nga piggy!" sabi ko, pagkatapos magkasabay kaming naglalakad sa lobby ng school.

Habang naglalakad kaming dalawa napansin namin ang grupo nila Mhaika na nasa loob ng isang Classroom, hindi na sana namin papansinin kung hindi namin narinig ang pangalan ni Ella Marie.

"Kailangan nating maghiganti kay Ella Marie, masyado na siyang feeling famous ng school." Ani Mhaika.

"Tama, sobrang taba naman, masyadong malandi." Sabi ng isang babae.

"Piggy, sandali lang narinig ko ang pangalan ni Ella Marie." Sabi ko kay Annaliza.

"Ako rin piggy, narinig ko rin. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" aniya.

"Tara balikan natin sila." Sagot ko.

Bumalik kami sa classroom upang muli naming mapakinggan ang pinag-uusapan nila, ngunit nakita namin silang lumabas ng classroom at naglakad. Sinundan namin sila hanggang sa makita namin silang pumunta ng library.

"Tingnan mo nga naman Piggy, marunong pa pala silang mag-aral." Sabi ko kay Annaliza.

"Akala ko hindi nila alam ang library piggy." Sagot ni Annaliza.

Pumasok kami sa loob ng library may dalawa pang estudyante ang naroon, sinundan namin sila hanggang sa pinakadulo.

"Nasaan na sila Piggy?" sabi ko kay Annaliza, kanina kasi natatanaw lang namin sila ngayon wala na.

"Ewan ko,"

"Hanapin natin."

Paikot-ikot kami sa loob ng library ngunit wala na sila doon, wala na rin ang dalawang estudyanteng nagbabasa kanina.

"Piggy! Naka-lock na ang Pintuan."

"Ano!" lumapit ako sa kaniya at sinubukan kong buksan ang pintuan, ngunit sarado na 'yon.

"Naisahan tayo nila Mhaika." Aniya.

Pinupok-pukpok namin ang pintuan. "Tulong! Buksan niyo ang pintuan. Tulong may tao pa dito!" sigaw naming dalawa ni Annaliza. Ilang saglit pa nakarinig kami ng tawanan mula sa labas.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon