Chapter 34

29.8K 939 168
                                    

CHAPTER 34


ELLA'S P.O.V


"Hello, Piggy!" Ani Loren.

"Hi, Piggy besh!" Sabad pa ni Annaliza.

"Hello mga piggy besh, miss you na," sabi ko habang nakaharap ako sa monitor ng laptop ko. Nag video call kasi kaming tatlo, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras para makausap silang dalawa.

"Kumusta ka na diyan sa Amerika?" Tanong ni Loren.

"Paganda nang paganda," sinuklay ko pa ang buhok ko.

"Pansin nga namin medyo gumaganda ka diyan."

"Mga Piggy besh, ang laki ng improvement niyo sa loob ng tatlong taon, ang sexy niyo ng dalawa."

Tumayo pa ang dalawa at nag model-model sa harap ng camera.

"36-25-35 na ako ngayon Ella," pagyayabang ni Loren sa'kin.

"35-26-35 ang ka-seksihan ko." Sabad pa ni Annaliza.

Ngumiti ako. "Wow! Ang laki nga ng pinayat niyo, ganyan ba talaga kapag inlove."

"Ella, alam mo ginusto talaga namin ito, kahit wala kaming boyfriend. Magpapasexy kami."

"Masaya ako para sa inyo."

"Ikaw Ella, bakit hindi ka na kasya sa monitor ng laptop mo? Mura ba ang kilo ng bigas at karne diyan sa Amerika?" Sarcastic na sabi ni Loren.

Sumimangot ako. "Wag niyo ng pansinin ang katawan ko, dati pa naman akong mataba."

"Piggy, medyo pumayat ka na noong bago ka umalis, bakit ngayon mas lalo kang naging lumba-lumba?" Ani Loren.

"Oo nga Ella, mas mataba ka pa sa drum, bakit mo pinabayaan ang sarili mo?"

"Hayaan niyo na lang ang katawan ko, hindi ko naman hinihingi sa'yo ang pambili ng pagkain ko, kayong dalawa  ha! Palibhasa sexy na kayo ngayon kaya nilalait niyo na ako."

"Hindi naman Piggy, sinasabi lang namin ang totoo. Mag diet ka nga."

I rolled my eyes, napunta naman kami sa katawan ko ang usapan.

"Ayoko na ngang makipag-usap sa inyo."

"Nagtampo ka naman agad, kailan ka ba u-uwi ng pilipinas? Miss ka namin."

"U-uwi na ako sa friday."

Nagtitili ang dalawa sa sobrang saya.

"Tamang-tama 'yan, magkakaroon tayo ng reunion," ani Annaliza.

Ngumiti ako habang pinapanood silang dalawa.

"Hindi ako magtatagal sa pilipinas, kailangan ko lang bumalik ng pilipinas dahil sa trabaho, baka hindi ako makapunta sa reunion."

Lumungkot ang mukha nila. "Sayang naman pala kung gano'n, pupunta pa naman sana si Shawn."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Shawn.

"Sige, matutulog na ako."

"Mag-iingat ka diyan, Piggy besh, miss you." Sabi pa nila sa'kin.

"Miss you too mga piggy."

In-off ko ang laptop ko pagkatapos bumuntong-hininga. Tatlong taon na ang nakakalipas mula ng umalis ako ng pilipinas. Sa loob ng tatlong taon, marami ng nangyari sa'kin. Tinapos ko ang natitirang taon ko sa Culinary arts, pero ang ending hindi ako naging chef tulad ng gusto ng Daddy ko. Isa akong script writer sa mga pelikula, romance writer rin ako.  Naging malungkot kasi ang buhay ko sa Amerika kaya binuhos ko ang nararamdaman ko sa pagsusulat, hanggang sa napansin ako. Nagtuloy-tuloy ang pagsusulat ko ng iba't-ibang story, kadalasan isa ako sa mga nagsusulat ng iba't-ibang pelikula dito sa Amerika. Dahil madas sa bahay lang ako. Hindi ko nakontrol ang pagkain hanggang sa tumaba ako.

Habang nasa Amerika ako. Nababalitaan ko naman ang nangyayari sa mga kaibigan ko. Si Annaliza at Loren naging Chef sa sikat na hotel sa manila, nagkaroon din sila ng sarili nilang business. Si Andrei, siya naman ang nag manage ng kumpanya nila. Samantalang si Shawn naging sikat na Chef sa iba't-ibang bansa. Ilang gintong medalya na ang nahakot niya. Hindi lang isa ang tinayo niyang restaurant kung hindi tatlo. Sa loob ng tatlong taon naging maayos ang buhay naming lahat. May kanya-kanya na silang love life, maliban sa'kin na hanggang ngayon single pa rin.

Nag-uumpisa pa lang akong ipikit ang mata ko ng biglang tumawag ang isa sa mga co-writer ko na pilipino rin.

"Bakit ka napatawag? Matutulog na ako."

"Naku, tumayo ka na diyan sa higaan mo at mag-impake ka na dahil ngayong araw na ito, babalik na tayo ng pilipinas."

Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit naman napa-aga?"

"Ewan ko kay Boss, ngayon daw tayo A-alis dahil kailangan daw tayong makausap ng producer sa pilipinas."

"Hindi natin iyon problema, writer lang naman tayo, anong kinalaman natin do'n?

"Alam mo, ang dami mo'ng tanong bahala ka ngang ma-iwan dito sa Amerika."

"Joke! Ayos na kaya maleta ko, wag kang ma-highblood."

"Susunod ka rin naman pala, hihintayin ka namin sa airport. Bye!"

Kakamot-kamot ako sa ulo ko matapos kong makausap si Xana. Tumayo ako at nagbihis ng damit pagkatapos inilagay ko ang mga iba kong gamit, mabuti na lang at nalagay ko na sa maleta ko ang iba kong gamit. Wala na akong ibang liligpit.

"Back to philippines na ulit ako, sana lang hindi kami magkita ni Shawn, dahil hindi ko kayang makita siya lalo na sa ganitong itsura ko. Tama si Annaliza mas malaki na ako sa Drum. Kung sasakay ako sa jeep tatlong tao na ang capacity ko. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit kumain ako nang kumain.

Nagulat ako nang dumating ako sa airport na ako lang ang mag-isang naroon. Wala roon ang buong team na palaging kasama namin lalo na kung may shooting. Tatawagan ko na sila nang makatanggap ako ng text mula kay Boss, para akong biglang nanghina ng mabasa ko ang text ni Boss. nakalagay doon na ako lang ang maagang pupunta ng pilipinas para ma-interview at isulat ko ang buhay ni Shawn Skyler Santiago. Ang bata at magaling na chef. Gagawing pelikula ang buhay niya. Of all people ako pa talaga ang naisip nilang magsulat ng kwento niya. Parang gusto kong umiyak sa inis. Pinaglalaruan na yata ako ng tadhana. Bakit kwento pa niya ang isusulat ko. Bakit kailangan siya pa?

****

"Ella?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Mommy habang nakatitig sa'kin. Hindi na kasi ako nagpasundo sa kanila dahil biglaan ang pag-uwi ko.

"Mommy," Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ella, na-miss kita, Anak."

"Na-miss ko rin kayo, Mommy."

"Bakit hindi ka man lang tumawag sa'min para na-sundo ka namin?"

Umupo ako sa malambot na sofa. Bigla kasing nangalay ang paa ko.

"Biglaan lang po ang pag-uwi ko rito. Parang nakaisip lang dumumi si Boss tapos kailangan sundin."

"Mas mabuti na rin na napa-aga ang pag-uwi mo dahil para marami tayong  araw na magkakasama." Tumayo si Mommy. "Tatawagan ko ang Daddy at Kuya mo, sasabihinn kong nandito ka na." Masayang sabi ni Mommy sa'kin.

"Mommy, matutulog muna ako, nahihilo ako eh,"

"Sige, pumasok ka na sa kwarto mo. Mabuti na lang at araw-araw nililinis ang kwarto mo."

"Sige po Mommy," matutulog na muna ako. Nagtungo ako sa silid ko, pagpasok ko doon pinagmasdan ko ang buong paligid. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng kwarto ko kung anong itsura ko siya iniwan noon, gano'n pa rin siya ngayon. Parang pagmamahal ko kay Shawn kung gaano ko siya ka-mahal nang iniwan ko siya. Gano'n pa rin ang nararamdaman ko ngayong nakabalik na ako.

Wala sa isip kong hinila ko ang drawer ko at nakita ko doon ang mga ala-ala ko kay Shawn. Nag-uunahang tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang larawan niya.

"I'm sorry, Shawn." Kausap ko sa larawan niya.

Kung dati may chance na magkatuluyan kami. Ngayon wala ng pag-asa dahil ayon sa balita sa kanya meron na siyang girlfriend na katulad niyang chef din, sexy, maganda at matalino ang babae, ayon pa sa balita malapit na silang ikasal.

Marahan kong inayos ang pagkakalagay ng mga pictures namin at muling kong sinara ang drawer ko.

"Isa ka na lang magandang ala-ala sa'kin."

Pagkatapos pinikit ko ang mga mata ko.

***

"Inhale, Exhale." Paulit-ulit kong sinabi habang nasa harap ako ng salamin. Nandito ako sa comfort room ng mga babae. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob upang kaya kong harapin si Shawn. Ngayon kasi kami magkakaroon interview. Di ba, writer ang trabaho ko pero kailangan ko siyang ma-interview para may maisulat ako, minsan nakakainis din ang masyadong mabait. May nakatoka naman para sa trabahong ganito 'yung taga interview. Bakit naman kasi pumayag-payag ako. Grrr!

Makalipas ang kalahating oras napagdesisyunan kong lumabas ng Comfort room at tumuloy na sa office ni Shawn.

"Excuse me po Mrs, pwede ka bang tumagilid sa paglalakad palabas. Hindi kasi tayo kasya." Sabi ng janitress na naglilinis ng Comfort room.

Inirapan ko siya, hindi ako naglakad ng nakatagilid, bahala silang mag-adjust problema ko ba'ng maliit ang daan. Pangiti-ngiti ako dahil habang palabas ako naging one way ang daan sa comfort room. Kung sasalubong kasi sila sa'kin mababangga sila.

Pagtapat ko sa office ni Shawn, hindi muna ako agad na pumasok, dahan-dahan ko munang binuksan at sinilip ang nasa loob ng office, nakita kong may kausap pa si Shawn. Nakatulala ako sa kanya habang may kinakausap siya. Mas lalo siyang naging gwapo at lumaki ang pangangatawan niya. Feeling ko tuloy habang bumibilis ang tibok ng puso. Naghuhugis puso na rin ang mga mata ko. Hindi magkakailang siya pa rin laman nito.

"Come in!"

Bigla akong nagulat kaya nadulas ang kamay ko sa seradura. Bumukas ang pintuan at ako, bumagsak sa semento


"Aray ko pu! Ang balakang ko na-dislocate na yata.

"Who are you?"

Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko, nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Pulang-pula ang mukha ko ng tumayo ako. Pinagpagpag ko ang suot kong palda at inayos ang salamin ko. Tapos humarap ako sa kanya at ngumiti.

"H-Hi, I'm Miss Piggybank," nauutal kong sagot. Sinadya kong gamitin ang pen name ko bilang writer, baka sakaling hindi niya ako makilala.

"Miss Piggybank, Author of the story fourty five days to move on?"

Tumango ako. "Yes,"

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nakatitig siya sa'kin. "Sana hindi niya ako makilala?"

"Effective 'yung book mo, nagamit ko siya."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya O masasaktan.

"G-Good," labas sa ilong kong sabi.

"Anyway, nakalimutang sabihin ng secretary ko na i-cancel ang interview ngayon, Monthsary kasi namin ng fiancee ko ngayon, so kailangan naming mag celebrate. Mas importante kasi iyon kaysa sa interview."

Napalunok ako, parang may kurot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Lumunok ako upang pigilan ang luhang papatak sa mukha. Pilit akong ngumiti tapos tumango.

"So maari na ba kitang iwan miss Piggybank?"

Muli akong tumango pagkatapos lumabas ako ng silid pagkatapos tumakbo ako kahit sobrang nakakahingal. Nang nasa loob na ako ng kotse ko doon ko binuhos ang luhang kanina pa gustong pumatak. Sobrang sakit na makita siyang naka-move on na, sobrang sakit na makita siyang masaya sa iba, habang ako nakakulong pa rin sa nakaraan. Ilang minuto akong umiyak nang umiyak sa loob ng kotse ko pagkatapos tinawagan ko ang boss ko upang palitan ako. Malaking project ito pero kung puso at damdamin ko naman ang nadadamay mas gugustuhin ko na lang na pipitsuging movie na lang ang isulat ko. Wag ko lang makaharap si Shawn dahil hindi ko kaya, hindi ko kayang makita siyang masaya sa iba..

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Where stories live. Discover now